Part 2: MRH 34

1.1K 32 8
                                    

Naiinip na ako. Kulang na lang ay ako na ang mag-aya sa kaniya na magpakasal kaming muli, jusko. Ilang buwan na ang lumipas at nagsunod-sunod na ang kasiyahan sa buhay namin pero kulang parin dahil hindi pa kami muling nagpapakasal. 

Sa tanda kong ito ay napaka-demanding ko parin, kainis. 

Sa tuwing iniisip ko na wala na siyang balak na pakasalan ako muli ay umuusok ang ilong ko. Walanghiya talaga, oo. Maayos nga ang pagsasama namin pero bigla namang lumakas nanaman ang dating niya sa mga babae. Mga pashnea. 

Katulad ngayon, nasa university kami ng kambal at nababali na ang leeg ng mga babae sa kakalingon sa asawa ko. Mga mahaharot, may asawa na't lahat! Nako. 

Sinamaan ko ng tingin ang grupo ng mga nanay na naghahagikhikan pa habang nakatingin sa asawa ko. Inirapan ko sila at agad ikinawit ang braso ko sa braso ni Jaxon pero ang loko ay tinanggal ito at lumayo pa sakin. Narinig kong nagtawanan ang mga babae. 

Argh!

Inis na tiningnan ko si Jaxon at iniwan para pumunta sa mga anak ko, bahala siya diyan!

Habang dinaraos ang programa ay kinukulit ako ng kinukulit ng asawa ko, ano banaman 'to, kanina pinahiya ako tapos ngayon kukulitin ako. 

"Tigilan mo nga iyan, Jaxon." Naiinis na turan ko sa kaniya, nakita kong humaba ang nguso niya at halatang pinipigilan ang pagngiti habang nakatingin sa hindi na maipinta kong mukha. 

"Ano nanaman bang nagawa ko, hmm?" Malambing na tanong niya pero irap lang ang naging sagot ko at binaling muli ang atensyon sa nagsasalita. 

Pero ang magaling kong asawa ay patuloy parin sa pangungulit sakin. 

"Pumirmi ka nga riyan, Jaxon!" May diing saway ko kaya tumigil siya pero pasimple parin akong kinukulit. Aish, parang bata naman. 

"Ano bang problema mo?" Hindi na ako nakatiis na tanungin siya, humarap siya sakin at parang nagpapa-awa pa. Yung totoo, may split personality ba ang isang 'to?

"Hindi mo kasi ako pinapansin eh." Parang batang sabi nito. Seryoso, nakakatawa ang itsura niya, kung may hawak lang akong camera ay pinicturan ko na ang pagmumukha niya. 

Tumikhim ako para hindi kumawala ang tawa.

"Para kang bata, magtigil ka." Tumahimik na siya ngunit ilang saglit pa ay naramdaman ko ang mga braso niya na pumupulupot sa bewang ko. Ano ba 'to,, biglang naging ahas?

"Anong ginagawa mo?" Halos bulong ko ng tanong dahil napapansin kong napapalingon sa amin ang iba, halatang-halata banaman ang ginagawang kalandian ng asawa ko. 

"Marking my territory, damn. Bakit ba kasi ang ganda mo?" Palinga-linga pa siya sa paligid at nakita kong sinamaan niya ng tingin ang grupo ng kalalakihan na nakatingin sa amin, natawa naman ako. 

"Tingnan mo, tapos kanina ayaw mong magpakapit." 

Tumingin siya sakin at bahagyang ngumiti na makalaglag panty, jusko. 

"Nagulat lang talaga ako kanina, para kasing lalabas yung puso ko sa lakas at bilis ng tibok." Naramdaman kong uminit ang mga pisngi ko lalo na't hinalikan niya pa ako sa pisngi. Siya na malandi! PDA! PDA!

"Che! Ewan ko sayo." Sabi ko nalang pero sa loob-loob ko ay sobra-sobra na ang pagka-kilig ko.

Ang tanda mo na Sohvi, kinikilig ka parin! Harot! 

Till It Ends [Hermoso Series]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon