Chapter 14: Its my day!

42 0 0
                                    

Kahit ayokong sumama eto ako ngaun nasa van at nakikipagkulitan sa kanila. Ang iingay pa ng mga babaeng eto hindi tuloy ako makapagpahinga.

"Hoy sinama ka namin hindi para matulog. Pupunta tayo dun para magenjoy at makahanap ng boylet mu."- bato ni Kristine sa kanya ng unan.

"Grabi naman kailangan talaga batuhin ako? Antok ako ei anong magagawa ko tska hindi ko kailangan ng lalaki noh!"-sigaw nya sa kanila.

"Ninang don't worry after we get there will help you look for your prince so that you won't get mad easily."- sabat ng inaanak nya na kasama din nila sa byahe syempre hindi parin mawawala ang pagiging mommy kahit may friends night out.

"Hoy Ara tinuturuan mu ba etong mga inaanak ko na isa akong sawi sa pag-ibig? Umayos ka baka pagbuholin ko kayo ng asawa mu ei."- kunwari galit nyang sabi sa kaibigan na busy sa pagbrowse sa ipad nya.

" Excuse me my dear friend hindi ko sila tinuturuan noh! Napapansin lang talaga nila na nagiging masungit ka na."

"Oi hindi porket wala akong boyfriend yun na yung reason kung bakit ako masungit noh! Im just to busy on my job."- pagmamayabang nya kunwari.

"In your job? If i know you don't have a job its your business.. And for your information walang nagkakamali kasi masungit ka nga talaga."-singit narin sa kanya ni Kristine.

"Oo gatong ka pa dyan tin! Teka bat nandito ka? Akala ko hindi ka pinayagan ng dyowa mung guard?"-bato nya ng asar dito.

"Hoy hindi yun guard noh! Tumakas ako alangan namang kayo lang masaya at ako hindi magenjoy. Baka inggitin nyo na naman ako."

"Hahaha... Buti alam mu yun talaga ang mangyayari.."-tawa ng tawa ng nyang sabi.

"Yabang mu kala mu naman.. At least sakin may magguard sayo ba meron?"-pambabara nya sa kaibigan.

Bigla nalang napasimangot si Shanna hindi nya alam kung maiinis sya sa sinabi ng kaibigan o maaasar sya sa sitwasyon nya.

"hahaha.. O diba bumalik din sayo inaasar mu kasi si tin2 kaya ayan sayo din pala babagsak."-gatong pa ni Ara.

"Hmmmf.. Ewan ko sa inyo"-sabi nya sabay irap sa dalawa na napapangiti sa itsura nya na akala mu bata na inaawayat nagtatampo.

Tinatawanan lang sya nang dalawa kasi sa itsura nya. Hanggang makarating sila sa bahay ganun parin ang mukha nya hindi maipinta inayos nya lang ang maleta nya sa kwarto nila ni Kristine at saka lumabas ulit ng bahay para magpahangin yun din ang paalam nya sa kasama sa bahay ni Ara. Pero nasarapan sya sa paglalakad di nya namalayan nakalabas na pala sya sa subdivision nila Ara pero lakad parin sya ng lakad hanggang makita ang isang malapit na park at may maliit na lake natuwa sya sa mga pato na masayang lumalangoy dito.

"Wow ang ganda naman dito sana ganito araw-araw yung nakikita ko nakakarelax."-sabi nya habang nakatitig sa mga ito.

"Ang gaganda nila anu? Masarap silang tingnan at nakakatulong din sila sa mga taong gustong malibang."-sabi ng matanda sa tabi nya. Hindi nya man lang namalayan na nasa tabi nya na pala ito napangiti na lamang sya dito mukha naman kasing mabait ito.

"Opo ang gaganda po nila. Sa manila po bihira lang kayo makakakita ng ganitong lugar na makakaaliw sayo kahit simple lang."-sagot nya dito habang nakaupo sa tabi ng lake.

"Marami pang pasyalan dito iha na mas maganda kaso hindi rin lahat ng tao naaappreciate ang mga ganitong tanawin. Sana lahat ng taong pupunta ng baguio kagaya mu.."-nakangiting sabi sa kanya ng matanda.

May sasabihin pa sana sya kaso biglang may tumawag sa matanda kaya nagmamadali itong umalis. Naiwan pa rin sya doon at saglit na pinagmasdan ang mga hayop sa harap nya. Ngunit ng saktong paalis na sya bigla syang nabunggo ng lalaking tumatakbo nasagi sya at nahulog sa lake. Hindi nya na nakita kung bakit tumatakbo ang lalaki dahil halos kalahati ng katawan nya ay basa at puro putik na.

Accident Love..�β솷�р솷Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon