Chapter 46

18 0 0
                                    

"Boogggssshhh"

"Ate ayos ka lang ba? Umuwi ka na lang kaya kami nalang ang bahala dito."-tanong ni Benok ng makalapit sakin para iayos ang mga damit na nahulog.

"Ayos lang ako Benok siguro pagdo lang kaya ganito. Ako ng bahala dito bumalik kana sa ginagawa mu."-utos ko ulit sa kanya pero tinulungan nya parin ako.

"Shanna tama si Benok magpahinga ka muna hindi mu kailangang pagurin ang sarili mu. Isang linggo ka ng ganyan pinabayaan ka lang namin pero siguro nga hindi lang pahinga ang kailangan mu."-biglang sabat ni Ate Milleth.

"Ayos lang ako Ate Milleth wag kayong mag-alala sakin. Siguro pagod lang ako hindi kasi ako masyadong nakakatulog ngayon ei. Sige na po ako ng bahala dito."

"Ate ang problema sinishare hindi sinasarili."-parinig pa sakin ni Allan.

Siguro nga talagang pansin nila na sobrang ginagawa kung busy ang sarili ko. Kahit ayoko man kasi talagang nakakapagod pero kailangan ayoko syang isipin lagi. Bakit? simula nung huling beses kaming nagkita hindi na sya nagparamdam pa sakin. Masakit man pero akala ko isang araw lang nag-antay ako baka busy lang pero dumaan na ang tatlo hanggang naging isang linggo wala paring Alexander na nagpaparamdam sakin. Ganito na lang ba ako hahantong kung kilan nakababa na yung guard ko saka pa nya ako pinaasa sana may dahilan lang.

**********

"Asan na sya Ate Milleth?"

"Naku Ara pagsabihan mu nga yun. Lagi nalang syang nakatulala tapos gusto pa yatang patayin ang sarili ng batang yun. Ano bang nangyari dun bakit sobrang nagpapakabusy ngayon?"-inis na sagot sakin ni Ate Milleth tinawagan nya kasi ako at pinaalam ang nangyayari kay Shanna.

"Baka depress lang po Ate hayaan nyo kakausapin ko. Asan po ba sya?"

"Puntahan mu dun sa stock room. Baka kung ano na namang ginagawa nya dun."

"Sige Ate salamat.."

Mabilis akong pumunta ng stock room. Hindi muna ako pumasok nakasilip lang ako sa pinto andun nga sya nagaayos lang naman sya ng stock the usual pero ngayon habang umiiyak. Ayoko man pero habang tinitingnan ko ang bessy namin sobrang naawa ako sa kanya. Kung hindi siguro kami mapilit ni Kristine hindi sya masasaktan ng ganito sana hindi ko sya nakikitang umiiyak.

"Hi bessyy...Namiss kita hindi ka nagpaparamdam samin ni Tin.."-bungad ko habang papalapit sa kanya.

Pasimple nyang pinahid ang mga luha nya alam kung ayaw nya parin ipakita samin yun. Hindi ko alam kung matapang sya o duwag sya dahil ayaw nyang malaman namin na nasasaktan sya kasi nagmahal na sya. Masakit man pero siguro talagang kasali ang masaktan pag nagmahal ka hindi naman natin mapipili ang tao o pangyayari hindi ba.

"Namiss ko din kayo bessy..(sabay yakap sakin) Sobrang busy ko kasi this past few days kaya ganon. Ano ng balita?"

"Ok lang kaya nga andito ako.. Lika labas tayo text ko nalang si Tin na sumunod satin."

Wala na akong nagawa ng hilahin nya ako palabas ng tindahan. Habang nasa byahe puro daldal lang at kwento ang ginawa ni Ara. Ako tahimik lang nakikinig sa kanya pero sa totoo lang wala akong naiintindihan sa kanya.

"Hoy bessy nakikinig ka ba?"-batok sakin ng magaling kung kaibigan.

"Aray naman.. Makabatok ka dyan wagas ah iwanan kaya kita dito akala mu kung sino hmmf.."-tampo ko kunwari sakit kaya nung batok nya.

"Kasi naman kanina pa ako daldal ng daldal dito hindi ka naman pala nakikinig. Nakakapagod kaya magsalita mag-isa."-sagot nya sakin habang inuubos ung ice cream nya. Para talagang bata tung isang to hindi mu aakalain na meron na syang dalawang anak.

Accident Love..�β솷�р솷Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon