Pagkakita ni Shanna kay Xander habang nakalawit ang ulo sa sobrang kalasingan. Agad nitong tinulungan ang binata at inayos ng upo. Pinunasan nya lang ang mukha nito ng wet tissue para nahimasmasan ito ng konti.
"Hik...s-sino ka? A--anong ginagawa mu sakin? hik.. "-putol-putol na tanung ng binata.
"Bakit sobrang lasing mu naman ata..? Saan ba kita pwedeng ihatid? kainis naman itong lalaking to lalasing-lasing di pala kaya."-inis na sabi nya habang inaayos ang upo nito panay kasi hulog ng ulo nito.
Tapos pagikot nito biglang nahulog yung wallet nito. Kaya kinuha nya ito baka may makita syang address dito. At nakita nya yung address ng kapatid ni Xander kaya agad nya itong inalalayan papunta sa kotse nya.
"Ang bigat mu namang lintik na lalaki ka.. Pero infairness ang bango mu parin kahit amoy alak ka."-sabi nya habang inaalalayang ang binata na tulog na tulog parin.
Mabilis nyang naayos ito sa likod ng kotse nya pahiga kasi baka mahulog pa kung papaupuin nya lang. Dumiretso na agad sya sa address na nakalagay sa card nito. Mahigpit ang subdivision na tinitirhan ng kapatid ni Xander kaya tinawagan pa ito ng mga guard. Buti nalang kilala sya ng lalaki at pinapasok na sila.
"Ms.Marquez gabi na.. May problema ba?"-salubong agad ng Kuya ni Xander ng huminto sya sa tapat ng bahay nito.
"Ah naku Sir ako po walang problema. Pero ito pong kapatid nyo mukhang meron."-sabi ko ng makababa ng kotse at binuksan ko ang likod. Halatang nagulat ang Kuya nya ng makita sya doong tulog na tulog sa kalasingan.
"Naku what happen to Xander?? Is he ok?"-tanung nung babaeng hindi ko napansin na nakalapit na pala samin. Siguro sya yung asawa ng Kuya ni Antipatiko.
"Opo ayos lang sya. Sobrang lasing lang talaga nya kaya ganyan."
"Ah sige Ms.Marquez thank you sa paghatid sa kanya. Maybe his too drunk to walk kami na ang bahala sa kanya. Anyway thank you ulit at sorry sa istorbo."-pasalamat ng Kuya ni Mokong. Kaya binuhat na sya nito ang lakas ng kuya nya ganun na lang kung bitbitin si Xander.
"Ah wala po yun sir. Anyway yung kotse nya po naiwan namin dun sa isang gilid ng shop sa marcos highway. Sige po mauna na po ako wag nyo na lang po sabihing ako ang naghatid sa kanya."-paalam ko sa kanila. Ngumiti naman sila bilang tugon kaya pinaharurot ko na yung sasakyan paalis.
"Swerte ka meron paring pamilya na nagaalala para sayo. Maybe you'll need to treasure every one of them."-nasabi nya habang nagmamaneho bigla nya tuloy namiss ang daddy nya.
Tahimik lang sya ng makauwi ng bahay. Pero hindi mawala sa isip nya kung bakit naglasing ng ganoon ang binata. Pero syempre hindi nya naman masasagot yun kung hindi ito galing sa binata.
☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆
"Good Morning Manang.. ang aga nyo yata ngayon wala pa ang mga bata ei."-bati nya sa matanda habang pinagbubuksan nya ng gate.
"Naku maaga kasi pumasok ang mga bata. Wala rin naman akong gagawin sa bahay. Teka kumain ka na ba ipaghahanda na kita."-sabi ng matanda ng makapasok at dire-diretso sa kusina.
"Naku ayos na po ako. Sa opisina na ako kakain tutal maaga pa naman marami lang po akong tatapusin kaya maaga ako papasok."-sagot agad ng dalaga habang inaayos ang mga gamit nya.
"Ah ganoo na iha! Sige ipagluluto ko nalang ang mga bata sigurado gutom na yun pagdating."
"Sige po.. Aalis na po ako kayo na lang po ang bahala dito. Pakitawagan na lang po ako kapag dumating na sila."-paalam nya sa matanda at pinaalis na ang sasakyan.
"Good Morning Mam.Maaga ka po yata ngayon Ms.Shanna."-bati ng receptionist sa kanya pagpasok ng company.
"Naku gusto ko lang po magpaghinga muna bago dumating ang mga amo. Sige po."-umakyat na sya sa floor nila ayaw nya na marami pa kasing makapansin sa kanya.
--Boooooggssshhh---- (tunog ng may mabangga sya paglabas nya ng elevator.)
Ang lakas ng pagkabunggo nya kaya naman naout balance ang dalaga. Kaya naghanap sya ng makakapitan pero nagkamali pala sya ng hinawakan.
"Sa susunod tumingin ka muna kung may mabubunggo ka o wala.. Hindi lang ikaw ang tao sa mundo Ms.Reckless."-pagkarinig nya nun biglqng bumilis na naman ang tibok ng puso nya.
And thats it.. bago sya bumagsak isang braso ang humawak sa likod nya. Kaya nagulat sya ng pagmulat nya ng mata ang pinakaayaw nya pa ang nakita nya. Is that a destiny or nagkataon lang??
"Hmmmff... bitiwan mu nga ako. Wala akong sinabing saluhin mu ako kasalanan ko bang bigla kang pumapasok. Hindi ka muna tumitingin kung may lalabas Antipatiko."-hiwalay nya dito sa pagkakahawak. Nailang kasi sobrang lapit ng binata sa kanya kaya mabilis syang lumayo dito.
"Ikaw pa may ganang magalit? Ikaw kaya ang nakabangga Ms.Marquez?"-parang nagpanting ang tenga nya sa sinabi ng binata.
"Hoy Mr.Montemayor hindi porket ikaw ang may-ari ng building na ito may karapatan ka ng sigawan ang mga tao dito. Dahil lahat ng binabayad mu pinagtatrabahuan namin and fyi hindi kasali doon ang pangaalipusta ng pagkatao namin."-inis na sagot ng dalaga mabilis syang lumakad palayo. Kahit may nababangga na sya diretso parin sya ng lakad ayaw nya na kasing lumingon pa.
☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆
Tiningnan lang nya ang dalaga habang papalayo. Napahampas na lang sya sa noo nya ng malayo na ito.
(Kahit kilan ka talaga Xander wala ka ng ginawang tama.)-bulong nya sa sarili nya. "Bakit sya naman talaga ang may kasalanan. So dapat sya ang humingi ng tawad mga babae talaga nakakabwisit lang."-dabog nya ng makarating ng opisina nya.
"Sir may problema ba? Ito na po yung hinihingi nyong kape. May kailangan pa po kayo?"-abot sa kanya ni Ellaine.
"Ok lang ako Ellaine.. Hangover lang ito kaya ganito. Tapos may nabunggo pa akong maldita sa labas badtrip talagang araw na ito."-nakasimangot na sabi ng binata. Napangiti naman ang secretarya nya sa sinabi nito nakita nya kasi ang nangyari.
"Ganyan talaga Sir hindi naman po laging perfect. Sige po pupuntahan ko pa si Ms.Shanna may kailangan daw po kasi sya. Doon nyo nalang po ako puntahan pag may kailangan kayo."-paalam nya dito bago lumabas alam nyang narinig iyon ng binata. Kasi ng banggitin nya ang pangalan ng dalaga napahinto ito sa paginom ng kape.
"Ah Ellaine.. Pls check f she's fine nung nabunggo ko kasi sya kanina mukhang puyat yata sya. But don't tell her that i said that. ok?"-nahihiyang sabi ng binata.
Napangiti nalang si Ellaine bilang tugon sa inutos nya at lumabas na. Nakakatuwa lang isipin kasi kahit hindi magsalita ang binata halatang nagaalala sya. Kahit nahihiya sya alam naman nyang concern ito sa dalaga kahit madalas sila magaway.
"Hi Ellaine anong ginagawa mu dito? Wag mung sabihin na inutusan ka nung Antipatiko mong amo?"-nakasimangot agad na bungad nya dito.
"Ah wala naman kasi akong ginagawa sa table ko kaya dinalaw na kita. Anyway mukhang init ng ulo natin ah anyare?"
"Wala may nakasira lang ng araw ko. Isang taong wala na yatang gagawin sa buhay nya kundi mambwisit ng iba."
"Hayaan muna yung mga ganung tao. Siguro stress lang yung ganun kaya lagi mainit ulo."
"Naku ah ung stress nya ibuhos nya sa iba wag sakin. Baka talupan ko sya ng buhay sa sobrang inis ko sa kanya."
Napapangiti na lang si Ellaine. Paano nya kaya mapapagbati yung dalawang yun.Akala mu may bulkang mayon na puputok kung magsalita ei.
Napangiti sya ng may maisip syang paraan paano magkakasama ng matagal ang dalawa. Siguro naman may mangyayari na after nito.
...to be continue...

BINABASA MO ANG
Accident Love..�β솷�р솷
RomanceTakot akong magmahal pero nung dumating sya... Sumugal ako kahit masakit.. Kahit walang kasiguraduhan.. Pero hanggang kilan?