Magdamag na hindi nakatulog si Shanna. Dahil sa nangyari sa kanya kahapon kaya ito sya ngarag na pumasok.
"Shanna mukhang haggard ah! May nangyari ba?"-nagtatakang tanong sa kanya ni Ellaine.
"Ah wala naman hindi lang ako nakatulog ng maayos. Kumusta may balita ba?"
"Ah wala naman may meeting pala kayo ng mga bosses. Gusto ka yatang mameet."
"Ganon bakit sino ba ako para imeet nila? Anyway san ba ako pwd magkape dito antok talaga ako."-parang gusto nya ng dumapa sa lamesa nya sa sobrang tinatamad sya.
"Sa canteen meron dung kape.. Sabihin mu lang na dito ka sa floor namin hindi muna kailangang magbayad pa."-natatawang paliwanag ni Ellaine.
Lumabas na lang sya para pumunta sa canteen baka matuluyan pa syang antukin sa table nya. Medyo maraming tao pero meron namang lugar na pwd syang pumuwesto. Umorder na agad sya para naman mabawasan pa ang antok nya.
"Ms.pwdeng makishare? Wala na kasing ibang table na bakante."-tanong sa kanya ng isang boses.
"Sige wala namang bayad yan.."-tunong maldita talaga.
"Akala ko bawal ei! Parang ang haggard mu yata ngayon mas maganda ka pag nakanganga ka."-sabi nung nasa harap nya.
"Bakit nakita mu na ba akong...--ngumanga?"-nautal nyang sabi ng makita nya kung sino ang kaharap.
"Kagaya ngayon nakanganga ka na naman. Mas maganda ka siguro kung higit pa dyan ang gagawin mu."-natatawang sabi ng lalaki sa kanya.
"Ang dami mong alam noh! Bat hindi kaya kainin mu yang meryenda mu ng matauhan ka Mr."-inis na sabi nya sabay tayo ayaw nya na kasing marinig pa kung ano ang pwdeng lumabas sa bibig nito.
"Hahahaha...pikon ka pala ei!"-sigaw ng binata habang sinusundan sya.
"Ewan ko sayo Mr. pwde tigilan mu ako busy akong tao."-sabi nya sabay pasok ng elevator isasara nya na sana kaso biglang humabol ung epal na lalaki.
"Hoy takot ka ba bakit umiiwas ka?"-habol ng lalaki sa kanya.
"Hindi ako umiiwas busy lang ako."-tipid nyang sagot sa binata.
"Ah so sabay na lang tayo paakyat huh!"-nakangiti pa nitong sabi.
"Ang tagal naman umakyat nito. May sira yata ang elevator bat ang bagal nakakainis naman."-sabi ng isip nya atat na kasi syang makaakyat hindi nya na matagalan ang binatang asa tabi nya.
"Tseeessskk...Bogggssshhhh"-tunog ng elevator at biglang huminto.
"Hala anong nangyari? Kuya tulong po..."-natatarantang sigaw ni Shanna ng hindi bumukas ung elevator.
"Ms.relax ka lang.. Walang makakarinig sayo maayos din yan mamaya. Tska wag kang mag-alala kasi wala akong balak gawin sayo."-nakangiti at kalmadong sabi ng lalaki sa kanya.
"Relax ei hindi nga tayo makalabas. Tsaka may gagawin pa ako kilan ba ito magbubukas."-inis na tanong ng dalaga.
"Ewan ko just relax and give them time to fix it..."
"Ok.."-nawawalang lakas na sagot nya kaya umupo narin sya sa kabilang kanto ng elevator.
Hinahatak narin kasi sya ng antok nya parang walang talab ang kape. Kaya naguumpisa ng hilahin ang mata nya.
"Anak ng tokwang kape ka wala kang silbi. Antok na naman ako nakakainis naman."-sigaw ng isip nya pero talaga hinihila sya ng antok.
Hindi napigilan ng dalaga ang antok. Kaya kahit naupo nakatulog parin ang dalaga hindi narin nya napigilan ang sobrang antok. Samantalang ang binatang nasa kabilang kanto ng elevator hindi mapigilang mapangiti sa itsura nya. Sino ba namang hindi matatawa isang nakadress na babae ang sarap ng upo sa sahig tapos nakasandal sa gilid at tulog hindi man lang mangawit.
BINABASA MO ANG
Accident Love..�β솷�р솷
RomanceTakot akong magmahal pero nung dumating sya... Sumugal ako kahit masakit.. Kahit walang kasiguraduhan.. Pero hanggang kilan?