Chapter 15: thankfull

47 0 0
                                    

Nagising si Shanna ng may narinig syang nagsasalita. Hindi nya kasi kilala yung boses na narinig nya kaya bigla syang napabalikwas ng bangon.

"Ms.ok ka lang..?"-tanung ng lalaki sa kanya ng makita syang bumangon.

"Sinu ka nasan ako..? Paano ako napunta dito?"-tanung nya sa lalaki na halatang ikinadismaya nya ng makita ito.

"Kami yung nakakita sayo sa daan kanina. Ok ka lang ba may problema ba parang ikinagulat mu na makita sko Ms.kilala ba kita?"-tanung tuloy sa kanya ng lalaki.

"Ah wala naman akala ko lang kasi kakilala ko yung tumulong sakin. Salamat sa pagtulong aalis na ako... Aaahh"-sabi nya dito sabay tayo pero bigla din syang bumagsak sa sahig bigla nyang naalala may sugat pala sya sa paa.

"Ok ka lang? Sabi kasi ng doctor mu malalim daw yung sugat mu kaya wag muna ipilit.. Humiga ka nalang baka mapagalitan pa ako sayo."-sabi nito sa kanya ma biglang napatingin sa mabilis na tunog ng sahig na halatang nagmamadali.

"Ayan na kakasabi ko lang kaw kasi ang kulit mu Ms."-paninisi pa sa kanya nito nagtaka tuloy ang dalaga sino naman ang magagalit sa kanya di nya nga kilala itong lalaking to lumapit na ito sa pinto binuksan saktong may kasalubong sya.

"Luis anong nangyari di ba sabi ko sayo bantayan mu sya. Naku ang hirap mu talagang pagkatiwalaan kailangan nya ng pahinga."-galit na sabi ng lalaking pumasok sa kwarto ni hindi man lang sya tiningnan kung gising na sya ang ingay nya kaya nito.

"Ok lang sya wag kang mag-alala."-sabi nung tinawag na Luis dun sa kausap nya.

"Excuse me nandito po ako. At kanina pa ako gising pero kung tulog pa ako magigising talaga ako sa ingay nyo."-sigaw nya sa mga ito. Kaya tumayo na lang sya ng walang nagsasalita.

"Ikaw ba yung sinasabi nyang doctor ko? Magpapasalamat lang sana ako sayo... Aahhhg-ahhh"-sabi nya habang pinipilit maglakad pero kagaya kanina nasaktan lang sya at natumba. Pero bago pa sya bumagsak nasalo na sya ng isang kamay na parang pamilyar sa kanya.

"I---ka--w..."-ang tanging salitang lumabas sa bibig nya.

"Ok ka lang ba? Bawal pa sayong kumilos hindi ka man lang nag-iingat."-sabi nito sa kanya habang inaayos sya sa kama.

Samantalang sya nakatitig lang sa kaharap hindi kasi hindi sya makapaniwala sa nakikita. Akala nya kasi bago sya mawalan ng malay nagdedeliryo lang sya kaya nakita nya ang pamilyar na mukha sa kanya. Pero hindi pala totoo pala yun sya nga ang tumulong sa kanya at ngayon ay nasa harap nya.

"Salamat... Akala ko namamalikmata lang sko ng makita kita bago ako nawalan ng malay totoo palang ikaw nga ang nakita ko."-nakangiti nyang sabi dito at gumanti lang din ito ng ngiti sa kanya.

"Ah kaya pala nung magising ka kanina parang nalungkot ka nung ako nag makita mu... Hahaha sya pala ang hinahanap mu mas hamak na gwapo ako dyan."-singit nung Luis sa kanya napayuko na lang sya sa sinabi nito may hiya pa naman sya konti.

"Shanna ok ka lang? Nakakaasar ka bigla kang umaalis hindi ka man lang nagpaalam nagalala kami sayo."-sigaw ni Ara sa kanya habang papalit dito.

Napayakap na lang sya dito kasama nito si Kristine at asawa nya. Namiss nya bigla ang mga kaibigan at biglang napaluha ang dalaga naalala nya bigla ang nangyari sa kanya ng buong araw. Kahit pala minalas sya at the end of the day may suwerte pa rin pa lang nag-aantay para sa kanya mahal parin sya ni god at very thankfull sya at maraming nagmamahal sa kanya.

"Hay naku sis ah! Grabi mu kaming pinag-alala nakakaasar ka umaalis ka ng walang paalam ang sama mu.."-inis na sabi ni Ara sa kanya sabay batok pa.

"Grabi may batok talaga. Yan ba ang nag-aalala? Matapos kung malasin ng buong araw ganyan ka pa sakin..hmmf"-pagtatampo nya kunwari dito.

"Hay naku wag kana mag-inarte dyan dahil talagang kasalanan mu naman. Be thankfull dahil may nakakita sayo kung hindi dahil dito kay Mike naku tegi ka na sis.."-sabat ni Kristine with demo pa na pugot ng leeg.

Accident Love..�β솷�р솷Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon