CHAPTER 26

13 0 0
                                    

Sabado walang pasok si Shanna kaya tanghali na syang nagising. Late na rin kasi syang nakatulog dahil sa nangyari sa kanila ni Xander naiisip nya parin kasi yun.

“Iha may tumawag sayo hinahanap ka..”-sabi agad ni Manang ng makita akong pababa ng hagdan.

“Sino daw po Manang?”

“Xander daw iha.. tatawag daw ulit mamaya.”

“Pagtumawag ulit sya sabihin nyo umalis na ako nagout of town. Alis na po ako and wag nyong sasabihin kung asan ako kayo na pong bahala sa 2 bata.”-bilin nya agad sa matanda at hindi na inantay pang sumagot ito umalis na agad sya.

“Hi ganda..good morning..”-bati ng isang binatang nasa harap ng bahay nila ngayon.

“Anong ginagawa mu dito?”-gulat na tanong nya paano kasi wala naman silang usapan ni hindi nga tumawag ang binata sa kanya.

“Sinusundo ka bawal na ba?”

“Hindi naman wala lang alam yung susunduin mu na pupunta ka..”

“Sorry naman alam ko naman kasing tatanggi ka kaya hindi na ako nagpasabi---”-sagot nitong natulala pa kasi hindi na ito nagsalita sa halip sumakay na ang dalaga sa kotse nya.

“Ano titingin ka na lang? Nandito ka para sunduin ako hindi para titigan. So lets go pls..”-mataray na sabi nya sa binata.

Kaya dali-dali din agad itong sumakay at baka bigla pang magbago ang isip ng dalaga.

“Shanna hindi ka parin tapos dun sa work mu? Permanent na ba yun?”-tanong ng binata para hindi naman tahimik sa byahe.

“Mga 1 week pa siguro. Gusto ko na ngang matapos nastress lang ako sa mga amo dun ei...”

“Ok lang yan.. Hindi naman halatang stress ka maganda ka parin naman.”

“Bola kana naman Mike.. Teka ikaw ba walang duty? Lagi ka na lang biglang sumusulpot parang dika doctor.”

“Wag kang mag-alala para sayo marami akong oras. Teka nagalmusal ka na ba?”-biglang iba nya ng usapan.

“Hindi pagdating na lang siguro ng tindahan. Maaga pa naman ei”-simpleng sagor nito pero napangiti doon ang binata.

Nakarating na sila sa pwesto at nagpaalam agad si Mike na may bibilhin lang.

“Ate nagliligaw na ba sayo si Kuya Mike?”-usisa agad ni Alice ng makaalis ang binata.

“Ewan ko. Wala naman akong sinabing manligaw sya noh!”

“Grabi ka naman te! Para saan pa yung ginagawa nyang lahat sayo kung hindi yun naliligaw.. Wag maging manhid te paminsan-minsan.”

“Kutusan kita dyan gusto mu? Intindihin mu yan paninda mu wag yung buhay ko huh!”-inis na sabi ng dalaga.

“Eto si ate pikon agad. Kaya hindi ka nagkakaboyfriend ei.hehehe”-biro sa kanya ni Alice habang papalayo ito.

“Shanna kain tayo..”-sigaw ng binata ng makapasok sa tindahan nya.

“Akala ko umalis kana? Tsaka san mu kinuha yan?”-nagtataka nyang tanong dito.

“Niluto ko.. Kumain ka na lang wag kana magtanong masarap yan wag kang mag-alala.”-mayabang na sabi ng binata.

“Yabang mu ah!”

“Syempre alam kong gwapo ako. Masarap ba?”

“Pwede na.. Saan ka naman natutong magluto..?”-usisa naman ng dalaga masarap kasi ang luto nito.

“Kuya Mike? Anong ginagawa mu dito? May bibilhin ka ba?”-biglqng singit ni Benok ng makita kung sino ang asa tindahan nila.

“Kain tayo.. Teka magkakilala kayo?”-nagtakang tanong ng dalaga.

Accident Love..�β솷�р솷Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon