CHAPTER 28

13 0 0
                                    

Hindi alam ng dalaga kung anong nangyari basta umiyak lang sya ng umiyak sa dibdib ng binatang nasa harap nya. Parang nung nasa harap sya ng kotseng yun nakita nya lahat ng mga future nya parang nagadvance yung buhay nya. Halos nawalan sya ng balanse kaya naman talagang nakakapit sya kay Xander.

"S---salamat.."-ang tanging nasabi nya sa gitna ng pag-iyak nya.

"Alam mu bang ngayon lang nanginig ng ganito yung tuhod ko.. Pwede bang next time wag munang uulitin yang katangahan mu?"

"A--akala ko ba nag-aalala ka? Bakit inaaway mu ako?"-umiiyak paring sabi nya dito.

Napangiti na lang ang binata sa sinabi nya at inalalayan na sya papunta sa kotse nito. Habang nasa kotse sila matagal nya munang tinitigan ang dalagang nasa tabi nya. Tumigil na ito sa pag-iyak pero nakatitig parin ito sa labas ng kotse. Parang gusto nya ulit lapitan ang dalaga at hapitin ito palapit sa kanya para macomfort pero baka sampalin na sya nito.

"Xander masama ba akong tao?"-biglang tanung ng dalaga ng paandarin na nito ang sasakyan.

"Bakit mu naman natanung yan?"

"Wala naisip ko lang siguro kung hindi mu ako nahila patay na ako ngayon. Xander totoo ba yung sinabi mu sa loob kanina?"-bigla nyang natanong dito.

"Oo.. Kaya nga ako nandito sa tabi mu hindi ba? Shanna ganoon ba kahirap magtiwala sa isang tao?"

"Hindi naman kaso simula ng mawala ang mga magulang ko. Takot na akong magtiwala kahit kanino parang ayokong umasa sa kanila baka isang araw bumagsak akong mag-isa at takot akong mangyari yun."

"Kaya ba takot ka ring mapalapit sayo ang mga taong nakikilala mu?"

"Oo pero hindi ba ganoon ka din naman?"

"Hindi naman ako takot.. Siguro nadala lang ako sa mga nangyari sa buhay ko."

"Ganoon ba! Kaya pala ganyan ka kasungit ano! Tapos tupakin ka pa.."-madaldal nyang sabi ng mawala na ang nerbyos nya.

"Masungit talaga? Parang ikaw hindi masungit ah! Wala bang masakit sayo? Gusto mu daan muna tayo ng clinic.."

"Hindi ayos na ako. Xander narinig mu ba yung pinag-uusapan namin kanina sa loob?"-biglang tanung nya ng maalala nya ang nangyari kanina sa restaurant.

"Bakit may dapat ba akong marinig?"

"Wala naman natanung ko lang.. Bigla ka kasing sumulpot sa likod ko kanina kaya nagulat ako."

"Oo nga ei! Kung wala ako doon sigurado natumba kana.. Ganyan ka ba talaga kareckless? Lagi ka na lang naaksidente."

"Simula pa noong bata ako lapitin na ako ng aksidente kahit simpleng bagay lang nagiging dahilan agad ng aksidente ko. Galit yata sakin si God ei kaya lagi nya akong sinasaktan minsan nga iniisip ko kung ganon ba ako kasama para parusahan nya habang nandito sa lupa."

"Hindi sa ganoon yun merong dahilan ang dyos kaya nya tayo binibigyan ng mga problema sa buhay. Akala ko din noon sobrang sama ng dyos pero sa lahat ng aral na natutunan ko sa paglipas ng panahon. Pinapakita nya lang pala satin kung ano ba ang mas tama at kung ano pa ang pwedeng mangyari sa mga bagay na pinipili mu.."-seryosong sagot ng binata.

Napangiti na lang ang dalaga kasi parang bigla itong tumahimik habang nasa byahe sila. Hindi nya tuloy alam kung may nasabi ba syang masama kasi talagang nagbago yung aura nito.

“Xander dito na lang ako. Baka mahirapan ka pa kasing lumabas pag pumasok ka pa.”-awat ni Shanna sa binata habang hindi pa sila gaanong nakakapasok sa bangketa.

“Hindi na mamaya kung ano pang mangyari sayo.”-matigas na tutol ng binata.

“Bababa na ako wag muna ipilit. Mas madalas ako dito kesa sayo salamat sa paghatid tsaka ingat ka huh..”-paalam nya bago lumabas ng sasakyan.

Accident Love..�β솷�р솷Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon