Pagkahatid ni Xander kay Shanna sa bahay nila dumiretso na sya ng bahay nya. Hindi rin kasi sya mapakali sa mukha ng dalaga nung bago sila maghiwalay. Hindi nya kasi alam kung paano ito iplease nasaktan yata ng sinabi nyang hindi sila pwedeng pumunta doon.
"Kaya ayokong napapalapit sa babae humihina ako.. kaasar talagang buhay ito!"-inis nyang sabi habang nagsasalin ng alak sa baso nya.
"Grabi ka naman mapagbalibag ng pinto Kuya.. may galit sa mundo tsaka bakit late kana kanina pa ako dito ah!"-biglang labas ni Angel ng kwarto nya.
"Oh bakit andito ka? Magka-away na naman ba kayo ng boyfriend mu? Teka kumain ka na ba?"-tanung nya sa dalagang hindi man lang sumagot kundi tumango lamang.
"Hindi kuya namiss ko lang dito matulog.. Saan ka galing bakit parang galit ka yata?"
"Wala galing lang akong office pagod lang. Sige na matulog ka na wala ka bang shoot bukas?'
"Wala Kuya may gumugulo ba sayo? Mukhang hindi ka ok ei.."-biglang natanong ng dalaga ng patalikod na ito.
"Matulog kana wag muna akong pansinin."
"Teka Angel.. may tanong lang ako talagang ang mga babae ba madaling magdamdam?"-biglang tanung ng binata bago tumalikod ang pinsan.
"Oo kuya lalo na kung yung ikakasama ng loob nila is gusto nila. Teka sino ba yung babaeng pinag-uusapan natin? Bago ba?"
"Wala pinapatanung lang ng kaibigan ko."
"Ah talaga kuya pakisabi sa kaibigan mu swerte sya kasi nagustuhan sya ng kuya ko."-sabi nito sabay pasok na ng kwarto.
Samantalang sya napangiti lang na naiwan sa sala. Maya-maya pumasok na rin sya sa kwarto nya kasi alam nya na ang gagawin nya kinabukasan tutal wala syang pasok.
@@@@@@@@@@@
“Kuya ang aga mu namang nagising may lakad ka ba??”-tanung agad ni Angel ng makita ang pinsan na nagluluto na.
“Nagbabalak palang.. magayos kana matatapos na ako kakain na tayo.”-sabi ng binata dito ng habang may idinadial sa telepono.
“Hi good morning is this marquez residence?”-magalang nyang tanong.
“Opo sino po sila?”-sagot ng nasa kabilang linya.
“Ah nandyan po ba si Shanna?”
“Ah tulog pa sya iho.. Sino ito??
“Ah ganon po ba! Sige pakisabi po tumawag si Xander tawag na lang po ulit ako mamaya salamat po.”-sabi agad ng binata sabay baba ng phone.
“Kuya sinong kausap mu?”
“Wala kumain na tayo.. ”
“Sungit.. alis kana rin ba agad??”
"Hindi na siguro baka magpahinga na lang ako! Kumain kana at umalis ka na busy akong tao."-pagsusungit na naman ng binata.
"Kuya hindi ka ba kinausap nung prospect mu? Kaya ka ganyan gusto mu meron akong mga kilala i can prefer you to them. Their nice elegant and beautifull so stop bothering yourself to someone who doesn't like you."-komento agad ng dalaga ng makitang nakasimangot ang pinsan.
"Angel go eat your food and stop talking.. would you mind?"-seryosong sabi nito kaya napatango na lang ang dalaga.
Inantay nya lang makaalis ang pinsan at dinial ulit ang numero ng kausap nya kanina. Pero mas lalo lang syang nalungkot kasi umalis na daw ang dalaga sabi ng kausap nya. Hindi nya alam kung iniiwasan ba sya ng dalaga o galit talaga ito sa kanya.
BINABASA MO ANG
Accident Love..�β솷�р솷
RomanceTakot akong magmahal pero nung dumating sya... Sumugal ako kahit masakit.. Kahit walang kasiguraduhan.. Pero hanggang kilan?