“Shanna smile.. Ngiti naman jan kasal ko to hindi lamay pwede?”-nakangiting tawag sakin ni Kristine.
Tama ngayon na ang kasal nila dapat partner ko si Alex but the sadest part is hindi sya pinayagan ng fiancee nya. Heto after ng mangyaring yun pinipilit kung magmove on. Mahirap pero kailangan nakakapagod kaya umiyak.
“Ikakasal kana sana hindi ka parin pigilan ni Kian na sumama samin..”-malungkot kung yakap sa kanya.
“Oy nagsenti sya.. Were always be friend kahit dumating si Kian. Pero alam nyo ng hindi na ako laging andyan ura mismo okay?”-tumango nalang kami ni Ara at niyakap ang isat isa.
“Hahaha ang dadrama natin.. Masira ang makeup kailangan maganda tayo mamaya.”-awat ni Ara.
Nagumpisa na ang entourage syempre ang ganda nung bride dba..
Habang nakatingin sa kanila hindi ko mapigilang mapaiyak. Diko maiwasang hilingin sana ako din. Sana meron din akong happy ever after..
“Bessy nakita mu naba kung anong laman nung sobreng binigay sayo ni Mammu?”-untag sakin ni Ara habang pinapanood namin si Tin.
“Hindi pa.. Siguro bukas nalang..”-sabi ko nalang.
Dahil sa totoo lang natatakot akong tingnan kung anong laman nun. Baka lalo lang akong masaktan sa katotohanan na yun.
Mabilis na natapos ang kasal. Nagpaalam akong saglit pero uuwi na ako. Nahihirapan na kasi akong makita sila.
Tinxt ko nalang sila at nagpaalam siguro naman naiintindihan nila ang sitwasyon ko. Habang nasa kotse ako naalala ko ang sobre na binigay ni Mammu. Pagdating ko sa bahay titingnan ko ito.
Biglang nagvibrate ang phone ko.. Nung una hindi ko lang pinansin nung patuloy parin ito tiningnan ko na. Galing sa isang diko kilalang numero.
“Sha can we meet? Kahit ngayon lang kahit saglit lang for the last time.. I wanna see you.. ”-pagmamakaawa sa txt hindi ko na kailangang mag-isip kung sino ito.
Matagal akong huminto sa gilid ng isang restaurant. Hindi ko alam kong bakit ako pumunta dito. Hindi ko alam kung tanga ba ako o ano nasasaktan ako pero may isang parte ko ang nanabik sa kanya.
Kahit nandito ako sa loob ng kotse ko tanaw na tanaw ko sya sa isang sulok ng resto na iyon. Seryoso itong nakatingin sa labas at kita mong may malalim na iniisip.
Dahan-dahan akong lumapit sa kanya. Ilang minuto muna akong nakatitig sa kanya makikita mong ang laki ng ipinayat nya. Bagsak ang mukha malalim ang mga mata. Ni hindi na halos nakakapagshave ng mga balbas nito.
Kahit nasasaktan ako natutuwa akong kaharap ko ang lalaking ito. Ang tanga ko na nga siguro baliktad na ako magisip ngayon.
“Alex..”-tawag ko sa kanya ng tumapat ako sa lamesa nya.
Agad syang napatayo ng makita ako. Niyakap nya lang naman ako sya na ang gumawa para sakin kanina ko pa gustong gawin.
Niyakap nya ako ng sobrang higpit. Yakap na halos hindi kana bitawan kasi baka bigla kang mawala. Namiss ko ang lalaking to parang ayoko na syang pabalikin sa babaeng yun.
“I miss you baby.. Im sorry for hurting you..”-saad nya habang hindi inaalis ang pagkakayakap sakin.
“Alex sandali lang tayo kaya ako nandito. Baka hanapin na ako ni Mike.”-kunwaring sabi ko pero nakita ko kung paano nya naitiim ang bagang nya.At ikuyom ang mgs kamaong parang isang galaw lang may masusuntok ng wala sa oras.
"Sya na ba talaga ang papalit sakin? Mahal kita alam mu yan.."
"Mahal mo ako pero sinasaktan mo ako. Alex mas nauna si Mike kesa sayo lagi syang nandyan pag kailangan ko. Mahal kita pero pagod na ako Mike is willing to accept me. Bumalik kana sa kanya handa na akong pakawalan ka."-tatayo na ako pero bigla na lang nya akong niyakap.
"Mahal kita Shanna iiwan ko sya kahit ngayon mismo. Im willing to let them go kahit sila lola Sha please dont leave me. Hindi ko kaya.. hindi ko kayang mawala ka."-and he kissed me.
He kissed me like no other guy can make me weak. I really love this man and im willing to surrender all to be with him. Pero alam kung mali pero mahal ko sya kahit masakit mang aminin.
"Alex tama na.. just let it be pinili mu ang lola mo pinili mo rin akong saktan kaya tama na please pagod na ako."
"Ang pagmamahal kong tunay hindi napapagod at nagsasawa. Hindi nakakalimot at hinsi sumusuko."-sabi nya habang nakayuko sa harap ko.
"Hindi napapagod at hindi nagsasawa ang pagmamahal ko sayo Alex pero alam nya kung hanggang saan lang dapat. At kung kilan dapat sumuko at lumaban. "-at tuloy tuloy akong umalis sa harap nya.
"Mahal na mahal kita.. Kahit hindi tama mahal parin kita.."-bulong ko habang naglalakad palabas ng resto. Hindi ko na napigilan pang tumulo ang mga luha ko.
"Ate ayos ka lang ba? Gusto mo ng tubig?"-lapit sakin ni Mia ng makarating ako sa bahay.
"A-ayos lang din ako Mia.. I just need a break magpapahinga lang ako."-pumunta na ako ng kwarto ko.
"Nakakainis naman tung luha nato kanina pa tulo ng tulo. Maawa ka naman nakakapagod laya umiyak."-reklamo ko sa sarili ko habang panay parin tulo ng luha ko kahit nakahiga na ako sa kwarto.
"Kailangan ko pang maging maganda para bukas yun ang huling beses ko syang makikita. Kahit man lang saglit makasilip ako bago sya ikasal.Hay naku Alexander nababaliw na yata ako dahil sayo."-salita ko paring mag-isa.
"Hindi man sya ang happy ending ko at least alam kong magiging masaya din sya."
*****
Sorry ito lang nakayanan ng sabaw kung utak..
Ilang chapters to go.. At least naging sila...
Walang happy ending pero merong forever..
"Love is undescribeable.."
BINABASA MO ANG
Accident Love..�β솷�р솷
RomanceTakot akong magmahal pero nung dumating sya... Sumugal ako kahit masakit.. Kahit walang kasiguraduhan.. Pero hanggang kilan?