9CHAPTER 30

14 0 0
                                    

"Kristin bakit ang aga nyo ata akong sinundo? Wala naman akong alam na lakad nati ngayon ah!"-nagtatakang tanung nhly sa dalagang busy sa pagmamaneho.

"Ah kakatagpuin lang natin si Ara matulog ka na lqng muna dyan."-matipid nitong sagot sa kanya.

"Ganoon ba! Sige gisingin mu nalang ako pag malapit na tayo para makapagretouch pa ako."-sabi nito na hindi nga nagkamali kasi wala pang ilang minuto nakatulog agad si Shanna

Maya-maya pa nga tulog na agad ang dalaga. Hindi nya na napansin kung saan sila papunta ni Kristine. Samantalang ang dalaga agd kinuha ang telepono at agad na tinawagan ang mga kasama.

"Hello papunta na kami. With in 30 minutes andyan na ako."-sabi nito sabay baba agad ng telepono.

☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆

"Bakit parang ang ingay nasan ba kami ni Kristine? Sabi nya kakain lang kami sa labas hindi pa ako ginising."-sabi ni Shanna habang nakapikit parin.

Sa sobrang antok at pagod hindi nya maidilat ang mga mata pero hindi nya mapigilang maging curious kung bakit maingay sa labas. Kaya minulat nya ang mata nya para tingnan kung sino ang mga kasama nila pero....

Laking gulat nya ng makita ng nasa kwarto na sya at wala na sa kotse ng kaibigan. Lahat bago sa paningin nya pati yung ayos ng kwarto ngayon nya lang nakita. Kaya agad syang napabaling sa buong kwarto at kinusot pa ang mata baka kasi nanaginip lang sya pero totoo wala nga sya sa kotse o sa bahay nila.

"Nasan ba ako? Kasama ko lang si Kristine kanina ah!"-bulong nya habang papalabas ng kwartong iyon. Akala nya masasagot na ang tanung nya pag nakalabas doon pero mas lalo pa syang natulala sa mga nakikita nya.

"Ang ganda naman dito, teka paano ako napunta dito sabi ni Kristine kanina kakain lang kami sa labas nila Ara."-naguguluhan nyang tanung sa sarili.

"Oh gising kana pala.. Teka nagugutom kana ba?"-narinig nyang tanong ng isang pamilyar na boses sa likod nya.

"Ate Milleth anong ginagawa nyo dito? Sinong tao sa shop? Tsaka bakit andito ako asan ung mga kapatid ko?"-sunod-sunod nyang tanung sa kausap. Pero sa halip na sumagot ito dinala lang sya nito sa kabilang panig ng veranda ng cottage na tinutuluyan nya.

At doon nya nakita ang mga kapatid at kaibigan nyang tuwang-tuwa habang kumakain at nagluluto. At ang mga bata busy sa pagtatampisaw sa dalampasigan ngayon nya lang sila nakitang ganito kasaya. Masarap palang tingnan yung mga minsan nakakalimutan nya ng pahalagahan.

"Ang saya nila ano? Kahit ako ngayon ko lang sila nakitang masaya alam mu bang pinilit nila itong planohin ng wala kang malalaman o mapapansin man lang."

"Kasi alam nilang hindi ako papayag Ate alam ko naman yun. Siguro nga ang dami ko ng pinapalagpas sa buhay ko akala ko kasi mas mabuting steady ng ganoon ang buhay ko."

"Alam Shanna napakabait mong bata alam ng lahat yan. Pero hindi masamang bigyan mu naman ng konting oras at panahon yang sarili mu. Masaya ako,kami na kahit papaano may mga taong dumarating na sa buhay mu para tulungan kang makalabas sa kulungan mu."

"Teka sino po ba ang nagpasimuno nito? Yang dalawang babaeng yan ba?"-tanung nya habang nakatingin sa dalawang kaibigan.

"Oi may dala akong pizza bagong luto gusto nyo?"-narinig nyang sigaw ng isang lalaki sa di kalayuan kaya ng palapit ito ng palapit sa mga kapatid at kaibigan nya napangiti na lamang sya.

"Alam mu bang sya ang nangulit samin na magswimming at isarado ang tindahan. Kahit sabihin namin na magagalit ka babayaran nya daw ang kita natin sa isang buong araw. Napakabait na bata kinuntyaba nya pa ang mga kaibigan at kapatid mu para hindi mu malaman kasi alam nya daw na hind ka papayag. Ano bang pinakain mu sa kanya hija para maging ganyan ka pursigido?."

Accident Love..�β솷�р솷Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon