Chapter 39

10 0 0
                                    

Ngayon ang huling araw na makakasama nya ang binata kaya iiwas na sya. Ayaw nyang sa huling araw maalala nya pa ito kaya maaga syang umalis na hotel room nito. Nandito rin sya ngayon sa kwarto nya nagliligpit ng mga gamit nya. Balak nya kasi pagdating galing doon sa tour sa island aalis na sya.

"Waaahhhh... Nababaliw na talaga ako..."-sigaw nyang napaupo sa kama.

Hindi parin kasi mawala sa isip nya ang nangyari kagabi. Hindi nya boyfriend ang binata pero pumayag syang gawin iyon sa kanya. Even more kung hindi ito nakapagpigil naisuko nya na ang bataan nya.

"Mam hindi na po ba natin hihintayin si Sir Xander? Hindi na mauuna na ako may kailangan pa akong tingnan ei.."-sabi nya sa matandang bangkero nila.

Hindi na nagtanong ang matanda sa kanya. Mabilis lang din silang nakarating sa island. Unang apak nya palang dito and it was a really breathtaking place. Lahat ng couple na pwedeng magstay dito ay talagang hindi magsisisi.

"Ms.Marquez gusto mu bang ako na mismo ang magtour sayo?"-saad ng isang boses kaya napalingon sya.

"No thanks.. Baka makaabala pa ako.."-sabay na sagot nya dito. Pero siguro talagang pinanganak na makulit ang binata kaya sinundan parin sya.

"No i insist.."-napailing nalang ang dalaga sa kanya.

"Bakit ka nga pala nandito?"-panimula nyang tanung habang naglilibot sila ni Ryan.

"Hindi ko ba nabanggit na isa ako sa mga architect ng kompanya nila Xander? Sabagay hindi ka naman interesado sakin kaya bakit mu aalamin. Hindi gaya ng masuwerte kung kaibigan na kahit hindi ipilit sa tadhana nangyayari."

"Anong ibig mong sabihin?"-nagtataka nyang tanong dito kung anu-ano kasi ang sinasabi.

"Ikaw ang tagal kitang hinanap para lang makilala since the day we stock at the elevator. Pero kahit anong gawin ko nagtatago ka yata and then one day makikita kitang kasama ng isa sa mga best friend ko. Hindi talaga ako nagkamali na magustuhan ka Shanna dahil kahit yung mailap na puso ng kaibigan namin nakuha mu."-mahabang litanya ng katabi nya.

Sya man ay hindi alam kung anu ang sasabihin dito. Akala nya kasi nagbibiro lang ang binata nung gusto syang makilala nito. At heto sila ngayon nagkoconfess ito sa kanya na parang wala ng bukas.

"Magkaibigan lang kami ni Xander. At wala sa isipam ko ang makipagrelasyon sa ngayon may mga kapatid pa akong inaalagaan. At hindi rin nanliligaw si Xander kaya walang 'kami'..."-habang sinasabi iyon ay napahinto sya. Bigla kasing bumalik sa alaala nya ang nangyari kagabi.

"Pero alam namin na gusto ka nya. Kahit gusto kita ayokong makipagkompitensya sa kanya dahil minsan na ring nasaktan ang kaibigan namin. He really is a nice guy but he's not that strong para tanggapin ang lahat... Naku masyado na yata akong maraming nasasabi baka sapakin na ako nun..Lets go.."-yaya nito ulit sa dalaga.

Hindi na rin sya ulit nagsalita o nagkumento man lang sa sinabi nito sa kanya. Hindi nya alam kung may dapat pa ba syang sabihin. Mukha kasing mahal talaga nila si Xander parang interesado din tuloy syang malaman ang tungkol dito.

"Ang ganda dito ano.. Parang paraiso kung ituturing pero kung mag-isa ka lang malungkot parin."-nakatitg sa kalangitang saad ng binata kaya napangiti naman sya.

"Bakit nandito naman ako kaya hindi ka dapat malungkot. Alam mu Ryan maraming babaeng tyak kung magugustuhan ka coz i find you a really nice guy too.."-nakangiti nyang saad dito ng makaupo sila sa may duyan.

"Talaga.. Pero bakit hindi mu ako magustuhan? Sabagay ako nga di ko masabi kung anong nagustuhan ko sayo. Yun pa kayang bakit hindi mu ako magustuhan? Nakakatawa talaga ang buhay noh!"-habang dinuduyan narin ang dalagang nakaupo.

Accident Love..�β솷�р솷Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon