Chapter 21

29 0 0
                                    

Sa dami ng nangyari kahapon sa tindahan ni Shanna kaya ngayon naisipan nyang sumama sa mga kaibigan. Nandito sila ngayon sa isang bar para magliwaliw daw ng konti sabi ni Kristine.

Pumayag na rin pala sya sa proposal ni Mammu tutal 1 month lang naman daw. Syempre kasama nya nagdecide ang mga kapatid at mga kaibigan. Parang tulong nya na lang din daw sa matanda tutal mabait naman ito sa kanya.

“HOY BESSY NANDITO TAYO PARA MAGSAYA,HINDI PARA MAGISIP. SO BE HAPPY AND LIVE YOUR LIFE TO THE FULLEST.”-sigaw sa kanya ni Kristine na nasa harap nya nakapwesto.

Maingay din kasi sa bar kaya magsisigawan talaga sila.[sabagay sang bar ba ang tahimik] Kararating lang nila pero si Ara busy agad sya lang talaga ang killjoy. Disente at exclusive ang bar na yun kaya ok lang. Syempre alam naman ng asawa ni Ara lahat ng kagagahan na meron sya at ginagawa nya.

“Alam ko nagrerecharge lang. Alam mu namang hindi ako kagaya nyong inborn na ang kakatihan sa katawan.”-nang-aasar nyang sabi sa kaibigan.

“Makakati wagas.. Mamaya may makarinig sayo sabihin mga cheap tayo. Bilisan muna magshot sayaw tayo bessy tingnan mu si Ara enjoy.”-naiinggit na sabi ni Kristine.

“Buti nga kahit may asawa na sya pinapayagan parin syang sumama at gumimik kasama tayo. Napakaswerte nya sa asawa nya swerte din naman si sya kay Ara but in there own ways.”-nakangiting sabi ni Shanna habang nakatingin sa kaibigang sayaw ng sayaw.

“Oo nga sana ako din pag kasal na kami ni Kian maging as happy as she is. Kakainggit sayaw na nga lang tayo.”-sabay hila sa kanya ni Kristine papunta sa gitna.

“Woohhh.. look who's here.. Andito na ang aking mga friendship.”-sigaw ni Ara habang sinasayawan ang dalawa.

*****************************

“Hoy baka naman gusto mong wag masyadong dibdibin ang salitang killjoy.”-sita sa kanya ng kaibigang si Ryan.

“Naku pre baka meron na naman kaya ganyan ang itsura. Alam mu naman yan parang laging namatayan.”-banat pa ni Kian.

“Hahahaha kamu namatayan ng puso. Kulang na lang pati katawang tao nya sumama..hahaha”-lalong asar ni Brix.

“Hoy mga hinayupak kayo parang wala ako sa harap nyo ah!”-reklamu ni Xander sa mga kaibigan.

“Parang wala naman talaga ei! Tingnan mu nga kanina pa kami dito pero parang nasa bahay ka lang at magisa ei.”-reklamo ulit ni Ryan habang umiinom.

“Teka asan ba si Brix at biglang nawawala? Nakahanap na naman siguro yun ng mahahunting..”

“Naku Xander ayun o may kasayaw na mga chicks.. At take note hindi basta chicks magaganda sila.”-sabay turo ni Kian sa kaibigan na may mga kasayaw.

Natatawa nalang sila kasi talagang nagienjoy si Brix sa mga kasayaw nito. Pero napadako ang tingin nya sa isang kasayaw nito. Kahit nakatalikod ito sa kanya parang hinihila parin ang mata nyang tingnan ito.

“Oh so somebody catches your attention best friend?”-siko sa kanya ni Kian habang nakatingin sa tinitingnan ng kaibigan.

“Teka si Kristine yun ah! She didn't told me that shes here.. wait lang mga pare ah.”-paalam ni Kian ng makita ang mga kasintahan.

Iniwan na sila ng kaibigan.Nakatitig parin sya sa dalagang kasayaw ni Brix. Napapangiti sya habang tinitingnan ito hindi alam kung bakit pero napapangiti sya ng bawat galaw nito. Hindi nya alam pero bigla syang tumayo iniwas ang tingin sa dalaga.

“Pre san ka punta?”-hindi sumagot sa binata sa halip deretso lang itong umalis.

[Bakit ganito iba yung nararamdaman ko habang nakatitig sa kanya? It cant i dont even know here..]-tanung ng isip nya habang naglalakad papunta sa mens room.

Inayos nya ang sarili naghilamos baka mawala ang kung ano mang iniisip nito. Maya-maya lumabas na rin sya baka kasi lalo syang masabihang killjoy kung uuwi na sya.

~~~Splasssshhh..~~~

Natapon sa kanya ang tequila na dala ng babaeng nabangga nya habang papalabas ng hallway. Maagap din sya kasi muntik na itong bumagsak buti nalang nasalo nya ito.

“Ok ka lang Ms.?”-tanung nya sa dalaga ng inaalalayan itong tumayo.

“..O-k lang ako.. hikkk- s--sorry pala natapon sayo yung alak.Ang clumsy ko talaga...hikkk---”-paghingi ng paumanhin ng dalaga. Halatang lasing na ito kaya pinabayaan nya na lqng biro mu pati sa cr may dalang alak.

“Ok lang Ms.be carefull next time and dont drink too much..”-sabi nya dito.

Panay ngiti lang ng babaemg kaharap nya. Maganda siguro ito sa maliwanag hindi nya kasi masyadong maaninag ang mukha nito kasi madilim sa pwesto nila. Kumaway na ang babae paalis habang sya sinusundan lang ito ng tingin.

Nang nasa malayo na ito saka nya lang napansin na pareho sila ng likod nung babaero sa loob ng dance floor. At naalala nya kung paano ito ngumiti sayang lasing sya. Sa isip ng binata bigla na namang bumilis ang tibok ng puso nya.

Kahit wala na ang dalaga ang bilis parin ng tibok ng puso nya. Hindi nya alam kung bakit pero natatakot din sya. Siguro nga hindi lahat ng nararamdaman ay permanente kagaya ngaun biglang nagbago ang epekto ng babae sa puso nya.

“Hi boys wanna dance with me?”-sabi ng isang babae na lumapit sa table nila. Nagkatinginan sila hindi alam kung matatawa o ano,wala kasi sa type nila ang basta nanghihila ng babae may makasama lang.

“Ms.sorry ah but your not our type.. so better look for someone else.”-diretsahang sabi ni Xander sa babae na halatang napahiya.

Nagkatawanan na lang sila sa sinabi ni Xander sa babae. Ang bigat talaga ng loob nito pag babae ang usapan.

“Hoy pare baka naman nasaktan mu yun? Kaw talaga napakasama mu ano..”-sabi sa kanya ng kaibigan.

Pero sa halip tumayo na lang sya at magpapaalam na. Wala kasi na sya sa mood hinahanap nya din yung nakabunggo nya sa hallway pero wala din.Umalis sya ng bar na parang nalulungkot hindi nya man lang nakilala ang dalaga.

*******************

“Hoy Shanna lasing kana.. Umupo na lang tayo naku gaga ka talaga..”-sita ni Ara sa kaibigan paano kasi kanina pa parang kiti-kiti.

“Sabi mu kasi magsaya..hikk-- kaya eto nagsasaya naman ako. Inom pa tsaka shayaw tayo..hikk--”-sabi ni Shanna na halatang lasing na sa dami ng nainom.

“Gaga ka bessy ang sabi magpakasaya hindi magpakalasing. Buti kung marunong kang uminom napakagaga mu talaga.”- inis na sabi ni Ara sa kaibigan.

Uminom pa kasi ang kaibigan nya kahit hindi naman marunong uminom. Sumasama lang sya pero hindi talaga ganoon kalakas uminom si Shanna.

“Ok lang ba sya Ara? Mukhang naparami yata ang inom nya ngayon.”- nagaalala ring tanong ni Kristine ng makitang knockdown ang kaibigan.

“Ok lang hatid na lang natin sya after. Ok lang ba Kian kung ikaw na lang magbuhat?”-tanong ni Ara sa kasintahan ni Kristine.

“Oo naman.. Bakit kasi pinapartner nyo pa kay Ryan ayan tuloy. Kawawa naman itong si Shanna bakit kasi hindi nyo pa hanapan ito ng matinong boyfriend.?”-tanung ni Kian sa mga kaibigan ng kasintahan.

“Naku kung pwd nga sana kahit sino na lang. Kaso alam naman nating napakamapili nya sa lalaki.”-sagot ni Ara.

“And Shanna deserve someone better.. Shes one of a kind kahit madalas masungit sya.”-singit din ni Kristine.

Umalis na agad sila para ihatid muna si Shanna. Talagang knockdown kasi ang dalaga dahil tulog na tulog ito sa byahe nila pauwi.

.....to be continue

@@@@@@@@@@@@@@@@@@@

Sorry po late update mga readers.. Sobrang busy ko po talaga ngayon.

Pabasa naman po.. Tsaka thank you kasi nagiimprove yung mga nagbabasa. Hindi po muna ako magaupdate ng Mahal kita angal ka.

Focus muna dito kasi wala pa akong maisip dun..hehehe

Thanks ulit plsss read and comment para mainspire magupdate.

Accident Love..�β솷�р솷Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon