Chapter 36

9 0 0
                                    

PLS READ AND COMMENT NAMAN PO DYAN.. THANKS..

☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆

"Sana hindi na lang ako nakinig.. Sana hindi nalang ako umakyat."-yan ang paulit-ulit na pagsisisi ko habang naglalakad ako sa tabi ng dalampasigan.

Hindi ko alam kung bakit ganito yung reaksyon ko sa mga narinig ko. Pero talagang nasaktan ako kung alam ko lang hindi sana ako natuwa ng ganun.

Yun ang paulit-ulit na bumabalik sa isip ng dalaga. Kahit anong gawin nya walang sagot sa mga tanong nya kaya umalis na lang muna sya sa resort.

MEANWHILE...

"Nasan na kaya yung babaeng yun? Biglang dumarating bigla ding mawawala."-napapakamot na sabi ni Xander habang palabas ng kwarto nya.

Kanina pa kasi sya nag-aantay na bumalik si Shanna pero walang dumarating. Akala nya lumabas lang saglit at may kinuha lang pero magiisang oras na syang naghihintay wala parin. Kaya eto sya ngayon naglalakad papuntang reception area baka andun lang pala ang dalaga.

"Hi Miss can i get the room number of Ms.Shanna Marquez?"-tanung nya agad ng makarating sa front desk.

"Ah Sir it's Room 208.."

"Ah magkaharap lang pala kami ng kwarto. Ang layo pa ng nilakad ko para lang tanungin yun. Sige thanks Ms."-paalam nya dito at bumalik na ulit sa floor nila.

Pagdating nya doon kinatok nya agad ito. Pero halos kalyuhin na yata ang mga kamay nya wala paring nagbubukas.

"Lintek na babaeng yun saan ba yun nagpunta? Simula kanina pa ako naghahanap sa kanya. Ano bang problema nun hindi man lang nagpaalam sakin."-lakad nya ulit pabalik sa labas ng hotel baka sakaling makita nya ang dalaga.

Matagal-tagal din syang nagikot sa dalampasigan pero wala doon ang dalaga. Kahit saang parte hindi nya ito mahanap kaya naisipan nya nalang bumalik sa hotel. Magbabaka-sakali na nakabalik na ang dalaga sa silid nya. Pero halos manlumo na sya nilalamok narin wala paring nagbubukas ng pinto nito.

"Hay naku bahala ka nga dyan. Kung ayaw mong magpahanap di huwag napapagod na ako ah! Bahala ka sa buhay mu kung gusto mong magliwaliw."-inis na sabi nya papasok sa sarili nyang silid.

Hindi narin kasi sya nakapunta sa meeting nya dahil sa dalaga. Kahit nasa loob na sya ng kwarto hindi parin sya mapakali kasi kanina nya pa pinapakiramdaman kung may pumapasok sa harap. Pero nadidismaya lang sya kasi hindi naman pala ang dalaga yun.

☆☆☆☆☆☆

Nandito ako ngayon sa malayong lugar. Hindi ko alam kung saan naman ito ok na sana ako dito kaso malamok. Pagkatapos ko kasi umattend sa meeting naghanap na ako ng pwede kung tambayan.

Naguguluhan na ba kayo kung bakit ako naiinis kay Xander...? Eto kasi yun.....

FLASHBACK...

"Ano na kayang ginagawa nito sa taas bakit kaya hindi pa bumababa."-sabi ko habang paakyat ng hagdan.

"Hello Ellaine Bakit ang tagal mong sagotin? Oo alam kung busy kayo dyan pero just be attentive if im calling ok?"-narinig kung sabi ni Xander.

Palakad-lakad sya habang kausap nya si Ellaine. Diko alam ang pinag-uusapan nila pero nakinig lang ako at umupo sa baitang ng hagdan. Pero halos mabitawan ko na ang telepono ko sa mga sumunod na narinig ko.

"Oo mamaya may meeting kami. Pero hindi nyo man lang sinabi na kasama ko pala yung babaeng yun. Alam nyo namang ayoko syang kasama tapos ngayon nyo lang sinabi sakin na nandito na sya. Hindi ako galit naiinis lang ako kasi ako pa talaga ang napili nyong isama sa kanya. Heto nga at magiging istorbo na sya sa buhay ko."-galit na sabi nito.

Accident Love..�β솷�р솷Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon