Chapter 48

13 0 0
                                    

"Ate Ara,Ate Tin hindi pa po ba tapos si Ate Shanna magbihis dinner lang yung pupuntahan nyo diba?"-nagtatakang tanong ni Monti sa kanila habang kumakatok ito sa pinto.

"Yes Monti.. Matatapos na can you please wait us outside...?"-sagot ni Kristine sa bata.

"Ok but can you make it faster my Ate's spend almost an hour inside that room. She's not doing that on purpose isn't she?"-usisa ulit nito kaya ang kapatid na mismo ang sumagot.

"Monti im fine.. Wait for me patiently understand?"

"Ok.."-maiksi nitong sagot at tumahik na ulit.

"Ara,Kristine talaga bang kailangan ayusan pa ako?"-nag-aalangan kung tanong sa kanila.

"Oo ok na yung suot mu but you need to be perfect malay natin may gwapo pala dun diba.. Dali na ayos na.."-utos ulit ni Ara.

Nagtataka ba kayo kung bakit kami natataranta kasi naman si Mammu yung suki ko sa Shop nagimbita sa bahay nila may dinner daw. Diko nga alam bakit kailangan pang pagkaabalahan ng dalawang to yung dinner na pupuntahan namin.

"Ayan ayos na yan.. Lika na baka late na tayo.."-yaya agad ni Tin.

"Pwede bang tingnan ko naman yung itsura ko.. Nakakahiya naman sakin diba hindi nyo man lang pinakita kung anong ginawa nyo sa mukha ko."

"Tama na yan.. Mamaya na Sha malilate na nga tayo diba. Maganda ka dont worry hindi namin hahayaan na hindi ka maging center of attraction mamaya."-simpleng sagot ni Ara pero talagang nawindan ako sa sagot nya. Dahil meaning ng sinabi nya talagang hindi ko iexpect ang makikita ko mamaya.

"Mam nandito na po tayo..."-sabi nung driver na sumundo samin.

"Sige po salamat.. Lets go girls.."-saad ko sabay baba pero talagang nagulat kami sa natatanaw namin.

Dahil hindi lang ito bahay kundi isa itong mansyon. At ang sabi ni Mammu simpleng dinner pero halos di mabilang ang mga taong bisita dito.

"Bessy hindi mu naman sinabi super yaman naman pala nung matanda. Buti nalang bongga yung mga suot natin."-singit agad ni Ara habang naglalakad kami papasok ng venue.

"Hi mam gud evening... Can i have your invitation pls..??"-tanong nung asa gate malay ano tawag sa kanila hindi ako mahilig umattend ng party.

"Ah Ms.wala po kaming dala.. Pero pakisabi si Shanna Marquez."-sagot ko dito.

"Ah Ms.Marquez.. Dito po tayo meron pong magdadala sa table nyo."-saad nya maya-maya dumating na yung butler daw.

Malapit lang table namin sa stage medyo madilim pa pero kita mong may nakatakip na tela sa harap ng stage. Ang bongga ng party nato hindi lang simpleng dinner ito at nakakaramdam ako ng hindi maganda.

"Wow talaga diko iniexpect na ganito kabongga ang dinner ni Mammu... Akala ko mayaman lang sya but not like this."-palinga-lingang saad ni Kristine.

"Wait iwan ko muna kayo marami pala akong kakilala dito. I'll just take some photo baka madaming sikat scoop din ito."-biglang labas ni Ara ng Dlsr nya.

"Oh dba hanggang dito trabaho parin bessy. Pahinga-pahinga din hindi ka naman gugutomin ng asawa mu."-awat ko sa kanya pero parang walang narinig ngumiti lang samin sabay alis. Maya-maya natatanaw ko si Mammu na naglalakad ngiting-ngiti ito halatang masaya ito ngayon.

"Hi ladies.. Thank you sa pagpunta presence nyo palang masaya na ako lalo kana Shanna. Sorry bigla kasing malaki palang dinner ang hinanda ng secretary ko biglaan lang ito kanina lang nakapagdecide. Marami narin kasi akong mga kaibigang hindi nakikita kaya pagkakataon narin ito."-paliwanag nya samin habang nakaupo sa tabi ko.

"Naku Mammu thank you din po sa pagimbita. Andami nyo palang bisita tsaka akala po namin mayaman kayo hindi pala sobrang yaman pala. At napakaganda nyo po ngayon bagay na bagay sa inyo yung suot nyo."-puri ko sa kanya napakablooming nya kasi ngaun.

"Sige mauna na ako marami pang dumarating ei.. Enjoy lang kayo kumain ka ng madami nangangayayat kana iha."-pisil nya sa braso ko.

"Hindi naman Mammu akala mu lang yun."

"Naku Mammu madami kasing pag-ibig na problema yan."-singit agad ni Kristine.

"Ganoon ba.. Naku hindi dapat yan pinoproblema sige mauna na ako huh!"-paalam nya ulit samin. Samantalang si Kristine kumuha na ng pagkain naming dalawa bahala na daw si Ara sa buhay nya.

Maraming tao sa party halatang puro matataas na tao ang bisita ni Mammu. Pero hindi ko inaakalang may makikita pala ako ditong kakilala.

"Hi.. It took me so long to recognize you.."-bati nya habang papalapit sa table ko.

"Hi.. And it took me a months to see you again.. Mike.."-bati ko sa kanya na prente ng nakaupo sa tabi ko. Ang gwapo nya parin gaya ng dati taglay nya parin ang ngiting mahuhulog ang lahat.

"Alam mu bang napakaganda mu ngayon? Hindi na ako magtataka kung hanggang ngayon gusto parin kita.."-bulong nya sa mga huling salita sa tenga ko. I really miss this guy the way he can make my heartbeats fast. Hindi ko alam bakit hindi ko man lang sya nagustuhan samantalang nasa kanya na lahat ng hahanapin ng isang babae.

"God Mike umayos ka nga.. Matagal ko ng alam na maganda ako kaya wag ka ng epal dyan."-palo ko sa braso nya sya namang humagalpak lang ng tawa. Makatawa akala mu wala ng bukas pero namiss ko talaga sya.

Ang lalaking maraming hinahanap pero iisa ang pangarap. Nakakatawa lang kasi na sa dami ng pwedeng magustuhan ako pa talaga. Pero sana sya nalang talaga baka hindi pa ako nasasaktan ng ganito.

Accident Love..�β솷�р솷Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon