Chapter 38

13 0 0
                                    

Pagtapos ng meeting nauna na ng lumabas si Xander sa kanya.

"Siguro masyadong namiss ang mga barkada kaya nagmamadali. Akala mu parang wala lang syang ginawa sakin kanina sobra sya. Samantalang kanina ang sweet-sweet nya pa bwisit na yun. Pahawak-hawak pa sya ng kamay sakin akala mu kami tapos ganon lang yun. Nakakainis talaga sya grabi."-inis na bulong ng dalaga habang nagliligpit ng gamit nya.

Halos hindi kasi sya kinakausap ng binata ng nasa loob sila. Magkatapat naman sila ng upuan pero minsan sinsagi lang nito ang paa nya. Pero parang wala itong ginawa at hindi parin sya pinapansin. Naupo muna sya saglit nahihilo pa yata sya sa dami ng nainom nya kagabi. Pero maya-maya tumayo na rin agad sya baka makatulog pa sya doon.

"Boooggssshhh..."

"Aray naman.. Reckless ka talaga.."-saad ng nakabunggo nya habang nakahawak sa bewang nya.

"Sorry ah! Bigla ka kasing lumalabas dyan ei. Akala ko ba umalis kana? Bitiwan mu nga ako."-sabay tulak nya dito para matanggal ang kamay sa bewang nya. Agad kasi sya nitong nahawakan para hindi matumba ng mabunggo ang binata.

"Hindi kita iniwan kung yan ang ikinasisimangot mu dyan. Inaantay lang kita sa labas kaso ang tagal mung lumabas kaya bumalik ako. Tampo ka naman agad dyan lika na."

"Nauna ka parin so iniwan mu parin ako."-maktol parin ng dalaga ng makasakay ng sasakyan.

Hindi na lang sumagot pa ang binata kasi baka humaba pa. Natutuwa sya habang kasama ang dalaga mas lalo syang maraming nadidiskobreng bago para sa kanya. Lalo rin nyang napapatunayan na mas nagkakaroon na ito ng puwang sa puso nya.

Nakarating sila sa isang restaurant doon na lang daw sila magdidinner sabi ni Xander. Habang naglalakad papunta sa loob nakahawak na sa kamay nya ng binata. Marami tuloy napapatingin sa kanila pero sya napapangiti ng hindi sinasadya.

"Ayun sila oh.. Tara na baka naiinip na yung mga kumag.."-yaya sa kanya papasok ng binata pero pinigilan nya ito.

"Oh bakit anong problema? Hindi kana naglakad dyan.."

"Bitawan muna kasi ako. Nakakahiya kaya nakahawak ka pa sa kamay ko. Alisin muna kasi yan nakakailang kaya."

"Para hawak lang sa kamay nakakailang agad. Ang arte mu ikaw na nga inaalala mamaya madapa ka pa dyan. Alam ko namang napakareckless mu konting galaw mu lang disgrasya agad. Kaya maganda na yung ganito para safe diba."

"Yabang mu.."

Nakangiti lahat ng makita silang pumasok ni Xander. As usual hawak parin nito ang kamay nya sabi nga daw baka madisgrasya sya. Pero isang tao ang nakapagpaagaw ng pansin nya. Si Ryan na hindi man lang ngumi-ngiti habang nakatingin sa kanila. Parang napakaseryoso nito sa mga bagay na nakikita nya hindi gaya nung makasama nya ito.

"Hi guys.. sorry late kami bagal kasi nitong kasama ko ei"

"Hi pwede makijoin?"-bati ko din sa kanila ng tumapat kami sa table nila. Hinahablot ko yung kamay kung hawak ni Xander pero ayaw nya parin bitawan.

"Oo naman Sha.. Gusto mu dito ka nalang sa tabi namin mas enjoy dito kesa dyan sa kasama mu."-yaya agad sakin ni Brix ng makaupo na kami. Napangiti nalang ako kasi sinamaan na sya ng tingin ni Mr.Antipatiko. I miss calling him like that mas ok pa nga siguro yun unlike ngayon binibigyan nya ako ng ibat-ibang feelings.

"Nagbibiro lang kung makatingin kala mu kakain ng tao. Kumain na nga lang tayo mga bro wala yung isa dyan busog na sa katabi nya. Oi Ryan baka gusto mong magreact dyan."-untag nila kay Ryan na kanina pa tulala.

"May naisip lang ako. Kung paano ko makikilala yung babaeng nameet ko sa elevator. Pinagtataguan nya kasi ako palagay nyo?"-tanung nya sa mga kasama. Biro napangiti sya ng biglang mabilaukan si Shanna na nasa harap nya nakapwesto.

Accident Love..�β솷�р솷Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon