"Bessy anong nangyari? Hindi ba si Xander yun? Bakit hindi ka nya pinagtanggol? Bakit pinabayaan ka lang saktan ng babaeng yun?"-sunod-sunod na tanong ni Ara.
"Hindi ko rin alam Ara.. Ang alam ko lang gusto ko ng lumayo dito.."-saad nya habang inaalalayan ng kaibigan maglakad kasi talagang nanghihina sya sa mga nangyari.
"Ayyyy Shanna.. Dyos ko wag naman dito kakaloka kang babae ka.."-sigaw ni Ara ng biglang bumagsak ang kaibigan papunta sa sariling sasakyan.
Ngunit sa di kalayuan may isang taong lihim na nagmamasid sa dalagang halos mawalan na ng ulirat sa nangyari. Ang babaeng lihim nyang minamahal ngunit hindi maari kung kilang handa na sya para dito.
"Patawad Shanna... Patawad mahal na mahal kita.."-bulong nya habang tinitingnan silang palayo.
*************************************
"Ara ano bang nagyari dito kay Shanna? Hindi naman ito ganito nung umalis kaninang umaga ah!"-puna ni Manang ng inayos ang dalaga sa silid nito.
"Manang naku mahabang istorya.."-inis na sagot ng dalaga habang nakaupo sa sala ayaw nya munang iwan ang kaibigan baka kung anu pang gawin sa sarili.
"Bakit Ate Ara nagkita ba sila?"-sabat ni Mia naa biglang pasok sa loob ng bahay.
"Ate Ara nagkita naba sila?"-nag-aalalang tanong ni Mia sa kaibigan ng kapatid.
"Oo Mia and she's devastated on what happen a while ago.. I never expect that Xander let him be miserable like this.."-nakayukong sagot ni Ara dahil kahit sya na sasaktan para sa kaibigan.
"Ate Ara paano na si Ate? Sobra syang nasasaktan sa nangyayari? Ayaw namin syang nakikitang nagkakaganyan."-halos maiyak na reklamo nya. Kahot hindi kasi sila madalas magkasundo ng kapatid alam nyang nag-aalala lang eto para sa kanila.
"Alam ko Mia dahil kahit ako nasasaktan para sa kanya. Kakausapin ko si Xander kung bakit ganito yung nangyayari? Wag mong pabayaan ang ate mu babalik nalang ako bukas huh..."-paalam nya sa dalaga at tahimik na umalis.
Wala silang magawa para sa kaibigan kaya nasasaktan din sila para dito. Dati sila ang nagpipilit na makahanp ito ng lalaking mamahalin pero siguro mali nga na ang mga bagay ay laging minamadali. Kasi ngayon kahit hindi pilitin nagmamahal na sya kaso kasabay din nito ang sakit na nararamdaman nya.
"Anong problema at napasugod ka bessy?"-nagtatakang tanong ni Kristine sa kaibigan na nakasimangot parin simula pa nung dumating.
"Hay naku nasan ba yang magaling mong mapapangasawa? Kailangan ko yang makausap ng masinsinan.."-inis nyang tanong kay Kristine.
"Huh?? Teka tatawagin ko.. Bakit may nangyari ba? Eto na pala sya ei.."
"May problema ba? Ang haba ng nguso mu Arabella..."-pang-aasar pa lalo ni Kian.
Magsasalita palang sana si Ara pero naputol na ito ng isang pamilyar na tinig ang narinig nila. Kahit na hindi sya lumingon alam na nila kung sino ang pumasok pigil ba naman ang hininga ng makakating babae sa loob ng resto.
"Pre napadaan ka? Balita sa loverboy..??"-bungad ni Kian ng makalapit ang binata.
"Loverboy? Pakainin mu nga ako kanina pa ako nagugutom ei---"
"Hi Kian.. Mag-isa ka yata asan yung lintang nakakapit sayo?"-putol agad ni Ara sa kanya.
"Linta...??"-nagtatakang tanong ng dalawang binata.
"Oo yung gurl na sumampal kay Shanna sa mall.. I never thought na papabayaan mu ang mga alaga mu sa labas. Pasalamat sya wala na kayo ng dumating ako kung hindi...."
BINABASA MO ANG
Accident Love..�β솷�р솷
RomanceTakot akong magmahal pero nung dumating sya... Sumugal ako kahit masakit.. Kahit walang kasiguraduhan.. Pero hanggang kilan?