Chapter 45

13 0 0
                                    

Naalimpungatan ako sa ingay sa labas tapos parang may nakapatong sa mga hita ko kaya bumangon ako kahit sobrang antok pa ako. Hindi ko alam kung paano ako nakatulog kagabi hindi ko nga napansin na nakauwi na pala ako.

"Waaaaahhhhh b-bakit nandito ka? A-anong g-ginagawa mu d-dito? Manyak ka walang hiya kang lalaki ka."- pinaghahampas ko sya ng unan ng makalayo ako sa kanya.

"Ano ba ang aga-aga pa pagod ako Shanna pls let me sleep."-pupungas-pungas nyang saad habang pabangon.

"Bwisit ka.. Bakit ka nandito? Tumayo ka nga dyan bakit ka sa tabi ko natutulog?"

"Alangan kwarto ko kaya ito. Syempre dito talaga ako matutulog wag kana ngang maingay dyan gusto mu tabihan mu nalang ulit ako."-sabay higa nya ulit kaya diko na napigilan ang sarili ko.

"WAAAAAAHHHHH ALEXANDER MONTEMAYOR MAMATAY KANA SANAAAAA...."-sigaw ko na halos ikaluwa na ng laman loob ko. Nakakainis parang wala lang sa kanya na magkatabi kaming nakatulog ang sama nya talaga. Siguro ganito din sya sa mga nagiging babae nya nakakaasar isiping ang manhid nya.

"Shanna anong problema? May nangyari ba?"-nagmamadaling bukas ng pintuan ng mga kamag-anak ng baliw na lalaking ito.

"Ah wala po.. Uuwi na po pala ako salamat sa pagpatulog sakin dito."-lalabas na sana ako kaso nagsalita ang baliw at nakaharang din silang lahat sa pintuan.

"Ako ng bahala sa kanya pwede na kayong umalis. And plss don't stare her like that she's mine only mine."-padabog nyang saad sabay tayo at hila sakin palapit sa kanya. Kahit gustohin ko mang umiwas masyado syang malakas tsaka mabilis para sakin.

"Alexander stop that.."-bulong ko sa kanya habang yakap nya ako.

"Titigil ako kung kilan ko gusto. Ifeel mu na lang habang yakap ako tsaka pls lang umalis na kayo hindi ko sinabing makinig kayo."-seryso nyang utos na nagpangiti naman sakin kasi talagang narinig kung sumarado ang pinto talaga palang andun pa sila.

"Iuwi muna ako gusto ko ng magpahinga."-matamlay kung utos sa kanya at umupo sa gilid ng kama.

"Ihahatid na kita magbibihis lang ako. Tsaka wag mong isipin yun walang nangyari satin kagabi nalasing ka lang kaya wala kang maalala."-bulong nya habang nakayakap sakin patalikod. God bulong nya palang nagtatayuan na lahat ng balahibo ko iba ka talaga.

Nauna na akong bumaba hintayin ko nalang sya sa sala. Baka mamaya may iba pa akong makita pag labas nya ei. Pagdating ko sa baba kompleto na ang pamilya nya nagaalmusal actually nabawasan na nga kasi yung iba umuwi na daw pero yung isang wala daw is yung lola nila.

"Asan na si Xander?-tanong ni Ate Cindy ng makaupo ako sa tabi nya asawa sya ni Kuya Chito ang kapatid ni Alexander.

"Naliligo pa po nauna lang po akong bumaba."-magalang kung sagot kasi lahat sila nakatingin sakin.

"Ah naligo na sya halos wala pang tulog yung batang iyon ah! Baka naman magkasakit yun pagsabihan mu nga yun minsan iha at samin hindi nakikinig."-sabat ng isang tita nya.

"Ah bakit po? Hindi pa po ba sya nakakatulog?"-nagtataka kung tanong kasi feeling ko parang ang tagal na naming magkatabi.

"Naku oo nag-alala ng husto sayo kasi sobrang nalasing ka kagabi. Tapos kinatok pa kami kasi daw parang may lagnat ka kaya ayun inalagaan ka nya magdamag. Iba talaga ang nagagawa ng in love ano."-nakangiting kwento sakin ni Ate Cindy kaya mas lalong akong inasar ng mga tao dun.

"Ayieeee si Ate Shanna... Wag ka mag-alala boto naman kaming lahat sayo gusto mu tali pa natin yan ei."-sagot pa ng isang pinsan nya.

"Naku Shanna mukha lang loko-loko yung kapatid ko pero kasing tibay ng bato yun pag nagmahal."-sabat din ni Kuya Chito na niyakap pa ang asawa ayiieee ang sweet lang.

Accident Love..�β솷�р솷Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon