CHAPTER 29

11 0 0
                                    

Maagang nagising si Xander kahit late na syang nakatulog kagabi hindi kasi matahimik ang utak nya. Laging may pumapasok dito na hindi naman dapat kasi baka naman nalilito lang talaga sya.

"Ang hirap naman ng ganito ang daming iniisip. Magpakamatay kaya ako siguro naman wala na akong maiisip nun."-sabi nya habang nakaupo sa sofa.

"Try mu para naman doble dead ang labas mu."-sulpot ng isang boses sa likod nya.

"Oh kuya andyan ka pala? Hindi kita napansin teka bakit naman double dead ang pangit ko na nun.."-angal nya sabay kamot sa ulo.

"Adik.. Syempre magagalit si lola pag nagpakamatay ka patayin ka ulit nun. Teka wala ka bang lakad ngayon? Himala yata bro."-sagot nito sabay upo sa tabi nya.

"Wala kuya ang daming stress diko alam kung san ako pupunta. Teka bakit nga pala andito ka? Bigla-bigla kang pumapasok sa bahay ko paano kung may kasama akong babae di nakita mu kami."-angal agad ng kapatid.

"Kaya nga dahan-dahan ako kasi baka may babae di madali akong makalabas. Kaso wala naman pala hindi mu pa napapasagot ang hina mu pala ei!"-pang-aasar pa ng kapatid sa kanya.

"Ang yabang mu Kuya nagayuma mu lang si Ate Cindy kaya ganun. Pag nauntog yun sayo iyak tawa ka talaga.whahaha"

"Mahal ako nun kahit walang gayuma. Teka maiba tayo sino pala yung babaeng nagpapagulo ng isip mu? Ganyan ba sya kagaling at hindi ka nya mapatulog ng maayos? Sana naman hindi na yan yung dati naku itatali na talaga kita dito sa condo mu."

"Hindi Kuya actually wala namang kami i was just bothered about her presence at hindi ko alam kung bakit. Lagi nga kami magka-away pag magkasama kaso yesterday when i saw her with someone my heart keeps on aching."

"Maybe you like her pero hindi mu lang maamin. Ganoon naman minsan hindi mu alam nagugustuhan mu na pala sya. Hindi mu namamalayan hindi na kumpleto ang araw pag hindi mu sya nakikita."

"Grabi naman Kuya ang lalim nun ah! Kilan pa nga lang kami nagkakakilala gusto agad ang oa ah..."

"Gago oa ka dyan baka mamaya mamalayan ko kayo na ah! tsaka wala sa tagal nyong magkakilala yan puso ang nagsasabi kung kilan at kung kanino sya titibok hindi ikaw."

"Kuya bakit alam mu yan? Ang oa mu ah alam ba ni Ate Cindy na ganyan ka?"

"Kaya nga sya nainlove sakin dahil dyan."

"Grabi kuya ang corny mu noh! Kumain ka na ba? Ipagluluto na lang kita sabay tayo kain para matigil ka na dyan sa kadramahan mu."-natatawang sabi ng binata sabay tayo papunta ng kusina.

"Mabuti pa yang ang magandang naisip mu. Teka sino ba kasi yung maswerteng babaeng pinaglalaanan ng utak mu ngayon?"-usisa agad sa kanya ng kapatid habang pinapanood syang magprepare ng lulutuin.

"Wala Kuya hindi mu kilala kaya wag kana magtanong. Tsaka kilan ka pa nagkainteres sa lovelife ko huh.."-natatawang tanung nya sa kapatid bihira lang kasi sila ngayon mag-usap ng ganun simula ng ito na ang humawak ng kompanya nila.

"Bakit masama bang magtanung ngayon sa kapatid ko...? Mukha namang mabait si Ms.Marquez so i think lola's gonna like her.."- Nakangiting sabi na ipinanlaki ng mata ng kapatid.

"Paano mu sya nakilala? She's just a friend nothing special. Tsaka hindi naman madaling iplease si Lola except na lang kung gusto nya rin."-sagot nya dito habang nag-aayos ng hapag-kainan.

"Kaya nga i know lola's gonna like her kasi nung nagkakilala kami sa meeting napakacharming nya. Hindi nya nga lang ako nakilala and i thinnk one of the boys like her."-nakangising sabi ng kapatid kasi alam nyang naging interesado ang kapatid nya sa sinabi nya dahil napatigil itong saglit sa ginagawa nya.

"Ano namang charming dun sa babaeng yun? Napakasungit nga nun ei akala mu laging may kaaway. Tsaka ano naman kung magkagusto sila sa kanya i told you she's just a friend ni hindi pa nga kami gaanong magkakilala.Tsaka napakatupakin ng babaeng yun biglang nagbabago ng mood agad-agad kaya hindi nila magugustuhan yun."-sabi nya sa Kuya nya pero talagang napangiti ang kapatid nya sa reaksyon nya kasi talagang napakadeffensive nya.

"Bakit deffensive ka? Para sinasabi ko lang naman kumain na nga lang tayo. Baka hinahanap na ako ng Ate mu."-natatawang sabi ng kapatid sa kanya.

Hindi na muling nagsalita pa ang binata tahimik lang silang kumain pero hindi maalis sa isip nya ang sinabi ng Kuya nya. Hindi nya alam kung bakit sya ginugulo ng tungkol kay Shanna at kung sinong ang one of the boys na sinasabi ng kapatid nya.

@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@

Sorry po sa nakakatamad na update ko wala talagang mag-sinkin sa utak ko. Tsaka super busy ang lola nyo.

Accident Love..�β솷�р솷Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon