Chapter 16:

32 0 0
                                    

Nagising ako sa sikat ng araw sa kwarto ko. Tumatama na kasi yung sinag sa kama kaya ang init na kahit may aircon sa loob. Sinu kayang nagbukas ng kurtina baka naman si Manang yung pumasok hindi man lang ako nagising.

Tumayo ako para tingnan yung maingay sa labas...

"Hi Ms.Shanna nagising po ba namin kayo..? Pasensya na po"-paghingi ng paumanhin sakin ni Manang na kakwentuhan yung isang matandang lalaki sa baba ngumiti na lang ako bilang tugon sa sinabi nya.

Nakaupo lang ako doon at titingnan sila maganda kasi yung lugar ng bahay ni Mike. Mataas sya kaya kita mu yung ibang bahay na nasa medyo babang parte ng lugar nila. At syempre yung kwarto ko may sariling tersa kaya hindi muna kailangang lumabas pa para tingnan ang hardin dahil doon palang mismo tanaw muna ito.

"Oh gising kana pala... Kumain kana at aalis pa tayo"-sita sakin ng isang boses.

"Ikaw pala hindi man lang kita namalayang pumasok. Kanina ka paba dyan?"-gulat kung tanong sa kanya ang tahimik nya kasi magbukas ng pinto.

"Hindi naman ang lalim kasi ng iniisip mu kaya hindi mu ako napansin. Andito na pala yung mga damit na pamalit mu pinakuha ko na kay Manang kanina."

"Sige salamat."-tipid kung sagot nahiya na kasi ako diko na alam yung sasabihin ko naaninag ko na lang na papalabas na sya pero bigla syang huminto parang may naalala.

"Teka sa susunod na matutulog siguraduhin mung yung suot mu overall, para naman walang nawawala sa pwesto."-nakangiti nyang sabi sabay sarado ng pinto.

Samantalang ako heto naiwang nakanganga sa sobrang kahihiyan. Ibig sabihin nakita nya yung maganda kung katawan nakakaasar naman ang likot ko pa namang matulog.

Nakakainis naman yung lalaking yun lagi na lang nya akong binibigla. Anu pa kaya ang gagawin nya mamaya na magugulat ako.

**********************************

Nakatulog ako habang nasa byahe kami. Pagtapos kasi naming kumain nagaya agad si Mike na umalis na daw kami kaya ayun ang lola mu antok sa byahe borlogs.

Paggising ko wala na akong katabi kaya ayun todo hanap ako ngayon. Walang mahagilap yung mga mata ko kaya bumababa na lang ako ng van. Tawag ako ng tawag walang sumasagot nasan kaya yung damuhong yun.

Napagod na ako umupo na lang muna ako bigat kaya ng paa ko. Maya-maya may narinig akong ingay may mga tumatawa kaya pinuntahan ko. Meron akong nakitang isang lawa at may upuang kahoy doon may dalawang nakaupo. Halatang luma na yung lugar at bihira lang malinisan pero maganda pa rin sya lalo na kung gusto mong magrelax.

Medyo nakasideview yung lalaki kaya alam kung si Mike yun. Samantalang yung kasama nya nakatalikod kaya diko makita.

"Sino kaya yung kausap nya? Mukhang ang saya ni Mike habang kausap sya maybe they know each other."-sabi ko sa sarili ko tatalikod na sana ako ng hindi sinasadyaa inatake na naman ako ng katangahan ko.

"Aaaagggghhh"-sigaw ko ng madulas ako sa may putik.

Kahit takpan ko man ang bibig ko wala na akong magagawa kita na nila ako.

"Shanna anong nangyari?"-sabi ni Mike habang papalapit sakin kasunod yung kausap nya kanina.

"Tanga lang?! Palagay mu ano kayang nangyari? Syempre nadulas ako dba tulungan mu kaya akong tumayo ng matuwa ako sayo."-bara ko sa kanya.

Sino ba namang hindi maiinis alam na nasa putikan ka at nadulas tatanungin ka pa kung anong nangyari. Kaasar hindi ba hindi ko alam kung bulag o nagtatanga-tangahan lang eh.

"Wag kana magalit dyan pumapangit ka oh!"-tukso nya pagkatapos nya akong itayo.

"Nakita muna kasing nadulas tatanungin mu pa kung anong nangyari. Hmmf"-tampo ko sa kanya.

"Ah Mike una na ako.Anyway nice to see you again"-paalam nung babaeng kausap nya kanina.

"Ah sige ingat."-paalam nya din dito.

Kumaway lang yung babae sa kanya pero hindi humarap pa. Samantalang sya ayun hanggang langit parin ang ngiti kala mu naman napakaganda ng kausap nya.

"Ayos ka lang ba..?"-sabi nya habang nakangiti pa sakin.

"Makangiti wagas..hmmff"-sabi ko sabay tayo. No ngiti parin ako sa kanya ano nakakaasar sya iniwan nya kaya ako.

Pumunta ako sa malapit na kubo at may nakita akong poso dun ko nalang huhugasan yung sarili ko. Pero nauna pa syang kumuha sakin ng tubig (yabang porket mabilis sya hmmf) .

"Ito na maglinis ka na? Bakit nakasimangot ka parin...?"-tanung nya habang binubuhusan ko yung mga binti ko.

"Pakialam mu ba? Umuwi na nga tayo ihatid mu narin ako kila Ara para makauwi na ako."-sabi ko lang sa kanya ng matapos akong maghugas.

"Mas lalo kang gumaganda pag naggagalit ka..."

Sa sinabi nyang yun muntik na naman akong madulas. Nakakaasar talaga itong lalaking ito he really makes me shock on everything he says.

"Ok ka lang ba? Mag-ingat ka nga hindi ka pa nga gumagaling nalalapit ka na naman sa disgrasya."-sabi nya ng lumapit sya samantalang ako hindi ko na lang sya pinapansin.

"Dating kung kasintahan si Yssa."-bigla nyang sabi sakin kaya nagulat naman ako.

"Sinu naman yun?"

"Sya yung babaeng kausap ko kanina. Matagal na rin kaming hindi nagkikita pumupunta parin pala sya dito."-tuloy nya paring kwento.

"Anu naman? Bakit kinukwento mu pa sakin pakialam ko dun.."

"Gusto ko lang ishare sayo balak kasi kitang ligawan.."-seryosong sabi nya kakaloka diba manliligaw without informing me.

"Huhhh! Ligaw ka dyan sira ka ba?"

"Seryoso ako Shanna since the day na nabunggo kita sa market. Hindi ka na nawala sa isip ko siguro mabilis pero eto ako ayoko ng friends lang i want more than that."

"Kaloka ka ni wala nga akong alam sa gusto mung mangyari? Tska pano na yung girl kanina?"-naloloka kung tanong sa kanya pano kasi ang daming pwdng sabihin about sa panliligaw pa talaga naisipan nys.

"Yssa is part of my past maybe i like her but thats just before,now i like someone else maybe shes too bipolar. But in every single moment im with her she makes me smile a lot at alam yun ni Yssa. Masaya din ako na nakapagmove-on na ako sa kanya akala ko nga maduduwag parin ako na harapin sya."-seryosong sabi nya samantalang ako eto ewan hindi pa yata nagsisink-in sa utak ko yung mga sinabi nya.

"Naku Mike uwi na tayo gutom lang yan. Kain na lang tayo tapos hatid muna ako kila rica."-pag-iba ko ng usapan kunwari hindi ko nalang sya pinansin hindi ko rin naman talaga alam kung anong sasabihin ko sa kanya.

-----------------------------------------------------------

*a/n: Sorry guys late update sobrang bc sa holidays ayoko ng imatch yung situation sa weather natin kakaloka. Ang hirap pala magisip pag sobrang bc mu..

Pa commment naman po tungkol kay Shanna at basa-basa din pag may time.. READ,COMMENT

I love you all.. Salamat sa pagtyagang pagbasa.

Merry Xmas.

Accident Love..�β솷�р솷Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon