Maaga akong nagising para aa meeting mamaya. Akala ko ok na yung araw ko syempre diba ganda kaya ng gising ko. Kaso ayun wala pa akong nagagawa for wholeday pero pagod na ako sa loob ng kwarto.
Bakit?
Ayun inatake lang naman ako ng pagkadisgrasyada ko. Andyan yung nadulas ako sa cr,nauntog ako sa kabinet. Tapos nasira yung inaapakan kung upuan kanina kaya bumagsak lang naman ako. At ngayon heto na naman ako nadulas sa may kwarto.
"Hayy kakaloka wala pa akong natatapos na gawain. Pero ang sakit na ng katawan ko sa dami ng nangyari."-reklamu ng dalaga habang palabas ng kwarto nya.
"Toookkkk-toook"-katok sa kwarto ni Xander.
"Sino naman kaya to ang aga-aga."-reklamo nya habang nagbubukas ng pintuan.
"Waaaahhhhh....A-ang bastos mu naman bakit nakaganyan ka?waaaaahhhh"-sigaw ng pinagbuksan nya ng pinto. Kaya naman nataranta agad sya.
"Ano ba? Ang aga-aga sumisigaw kana? Ano bang problema mu nakakarindi ka.. Pumasok ka nga dito."-hila nya sa dalaga kasi baka may makakita pa sa kanilang iba.
"A-ano.. a-anong oras na ba?"-nautal nyang sabi sa binata na nakatayo sa pinto habang nagpupunas ng ulo nya. Kakatapos lang kasi nitong maligo.
"Hindi ko alam.. Hindi rin ako tanungan ng oras tsaka pls lang wag mu akong tingnan ng ganyan. Nakakainis lang ei.. Alis na.."
"A-ah s-sige.. a-aalis na lang ako salamat."-malungkot na sabi ng dalaga kaya naman parang nakonsyensya ang binata.
"Tsskk. Halika na nga ang arte naman."-sabay hila ng binata sa kanya papasok ng kwarto.
"Aiiiiiiiii"-nagulat na sabi ng dalaga. Kaya naman ayun na out balance ang dalaga. At ito'y napahiga sa binata ng hindi sinasadya.
○_______________○
Ganyan ang mukha naming dalawa ng bumagsak ako sa ibabaw ni Xander. Sinong hindi magiging ganun nasa ibabaw nya ako tapos nakatowel lang sya down their may goodness.
"Aheeemmmmm... Baka naman gusto mong tumayo o nasarapan kana dyan huh!"-sabi ni Xander na hindi nakatingin sakin kaya naman natauhan ako bigla. Kaloka ganito pala yung feeling ng awkward moment.
"Ai sorry naman. Ikaw kasi bigla mu akong hinila kaya natumba ako."-bigla kong bangon tsaka inayos ang sarili ko.
Napatingin na naman ako sa kanya pero may isang parte sa kanya na napatitig talaga ako. Ang ganda ng abs nya grabe parang napakaperfect. Ilang beses kaya syang naggigym para maging ganon yun.
"Ano ba talagang problema bakit ganyan ka makatingin? Siguro naakit ka sa katawan ko noh! Gusto mu hubarin ko nalang ito para hindi kana mahirapan pa sa pagtingin."-sabi nya sakin sabay tatanggaling yung towel nya. Kaya agad naman akong tumalikod.
"Grabi ang baboy mu talaga. Tigilan mu nga yan andito lang naman ako para yayain kang magbreakfast. Kasi wala akong kasabay tapos makikita ko ganyan ang suot mu sino hindi magugulat."-bulong ko dun sa mga huling sinabi ko. Baka marinig nya pa iba na naman isipin nun.
"May babae palang nagaalmusal?"
"Oo naman.. Ano palagay mu samin hindi nagugutom? Adik ka ba?"
"Madalas ko kasing naririnig sa kanila ayaw kumain nun. Baka daw kasi tumaba sila and to think na ikaw hindi mu naiisip yun."
"Bat ko naman yun iisipin aber? Nakakagutom kaya makipag-usap kung kani-kanino tapos ang dami mu pang sinasabi dyan magbihis ka na kaya mamaya marami ng tao sa resto."-utos ko sa kanya habang nakaupo sa sofa mamaya kasi kung saan na naman ako hilahin ng disgrasya ano mahirap na.
BINABASA MO ANG
Accident Love..�β솷�р솷
RomanceTakot akong magmahal pero nung dumating sya... Sumugal ako kahit masakit.. Kahit walang kasiguraduhan.. Pero hanggang kilan?