CHAPTER 24

13 0 0
                                    

Tinanghali ng gising si Shanna kinabukasan sobrang sama kasi ng pakiramdam nya. Hindi nya alam kung dala ng sobrang pagod nya o nanibago lang siguro ang katawan nya.

“Iha papasok kaba talaga? Mukhang hindi mu naman kaya baka kung ano pa ang mangyari sayo nyan.”-sita ni Manang habang naghahanda ng pagkain ng dalaga.

“Naku Manang pagalitan mu nga lalo yan. Kanina ko pa nga sinabi na wag na lang pumasok pwde naman sigurong magpahinga doon kesa ganyan syang papasok parang bilasang isda.”-gatong pa ni Mia habang kumakain sila at naghahanda sa pagpasok.

“Ayos lang ako hindi ko kayo niloloko. Tsaka uminom na ako ng gamut kanina sinat lang ito pumasok na kayo mawawala din ito mamaya. Teka Manang pa-on na lang po ng heater sa banyo para magligo ko salamat.”-sabi ng dalaga at dumeretso ng sala para manood ng tv kahit pinipilit nyang  maging maayos kahit kita sa mukha nitong nangangalumata na sya.

“Kita mu yang si Ate Manang kung makapagtrabaho akala mu wala ng kakainin bukas ei noh! Sana talaga magkaboyfriend nay an para naman makapagpahinga sya tsaka magkaroon sya ng oras sa sarili nya.”-sabi agad ni Mia ng makaalis ang kapatid sa mesa.

“Naku iha yan din ang dasal ko dyan sa kapatid mu.”-nakangiti ding sabi ng matanda  habang nakatingin kay Shanna.

Maya-maya umakyat narin sa silid nya ang dalaga ng tinawag sya ni Manang para maligo na. Nang matapos syang maligo inayos nya lang ng konti ang sarili dress lang ang suot nya at isang makapal  na coat kasi nilalamig talaga sya. Pagkatapos nyang mag-ayos umalis na din agad sya baka kasi matrapik pa sya late na nga syang papasok pero tinawagan nya na si Ellaine tungkol doon.

@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@

“Hi Shanna mukhang masama talaga ang pakiramdam mu ah! Padadalhan na lang kita ng pagkain at gamut sa office mu.”-bati ni Ellaine ng mapadaan sya sa table nito.

“Salamat Ellaine pero uminom na ako kanina bago umalis ng bahay. Wala naman bang problema? Hindi ba ako hinanap ng amo mong mayabang?”-inis na tanong nito sa kaharap.

“Hindi wala pa sya. Sige na magpahinga kana.”

“Sige salamat”-paalam nya din ditto.

Kasi parang any minute magkocollapse sya sa harap ni Ellaine sa sobrang lakas ng aircon dun sa pwesto nito. Kaya pumasok na agad sya sa opisina nya ang bigat kasi talaga ng katawan nya. Hindi nya na rin napansin ang lalaking nakaupo sa waiting area nya hindi rin naman ito nagsasalita. Pabagsak nyang inupo ang sarili nya sa swivel chair nya at pumikit.

“Masama ba ang pakiramdam mu?”-hindi matiis ng binatang magtanong sa kanya.

“Ikaw pala.. Anong ginagawa mu dito”-nagulat nyang tanong ditto na nakaupo na sa harap nya.

“Ako unang nagtanong kaya ako muna ang sagutin mu. Kumain ka naba”

“Yabang mu talaga. Oo tapos na ako kumain sa bahay umalis ka nga baka hinahanap ka na ni Ellaine.”

“Wala silang pakialam kung anong gagawin ko sa buhay ko. Gusto kong magopisina dito sayo wala ka ng magagawa.”

“Bahala ka na nga di ako nalang ang aalis. Ayoko naman makasama yung mayabang at makulit na gaya mu.”-inis na sabi ng dalaga sabay tayo pero hindi pa sya nakakailang hakbang nahawakan na agad sya ng binata.

“Mainit ka ah! Yan ba ang ayos halos nag-aapoy ka na sa lagnat. Doon nga tayo sa opisina ko napaka wala mo talagang ingat.”-sermon ng binata habang hila-hila sya papunta sa opisina nito.

Accident Love..�β솷�р솷Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon