“Hoy antokin gising na dyan..”-alog ni Xander sa dalaga pero hindi parin magising kaya lumabas na lang muna sya.
Nandito sila ngayon sa rest house nya nakatulog kasi ang dalaga kaya hindi na sila natuloy sa resto. Malayo nga lang ang nilakbay ng byahe nya para lang hindi magising ang dalaga.Hindi nya alam kung bakit nya ginawa yunsa dalaga. Natutuwa dinksi syang tingnan ito habang natutulog. Sa ngayon ayusin nya muna yung pagkain nila tuta tulog pa naman ito.
Makalipas ang ilang minuto binalikan nya na ang dalaga. Baka kasi bigla itong magising at magbunganga pag nalaman kung asan sila.Tulog parin ito ng dumatig sya natatawa syn tiningnan ang dalaga simula sa labas.
"Ganyan ka ba kapagod atsobra ka kung matulog? Baka sabihin mu naging masama ako sayo kahapon ah! Wala naman akong sinabi na magtrabaho ka ng husto habng magkasama tayo. Parang ang lumalabas tuloy kasalanan ko pa kung bakit ka ngkasakit."-naguguilty nasbi binata.
Umupo na lang muna ang bnata sa hood ng kotse dahilan naman para magising ang tao s loob nito. Mataman nya lang tinitigan ang papalubog na sikat ng araw yun ang gusto nya sa lugar na yun tahimik at walang istorbo di gaya sa maynila.
"Siguro ang lalim nyan ano? Mahihirapan siguro akong umahon dyan pag lumangoy ako"-nakangiting singit ni Shanna sa kung anong gumugulo kay Xander.
"Ikaw pala sleepyhead.. Nanggugulat ka ah! teka saan ka naman lalangoy huh?"-nagtatakang tanong ng binata sabay tayo sa kinauupuan nya.
"Dyan sa kung anu man ang iniiip mu. Ang lalim kasi parang ang hirap languyin."-nakangiti nyang sagot dito.
"Ang dami mung alam an! Lika na nga kain na tayo nagugutom na ako."
"Asan nga pala tayo? Parang wala na tayo sa manila ah! San mu ko dinalang nilalang ka?"-sigaw nya sa binata sabay hampas dito.
"Aray naman makahampas wagas? Wag kang mag-alala andito lang tayo sa tagaytay so malapit parin sa manila kaya wag kang over react dyan tulog mantika ka kasi kaya ganyan napapala mu."-buska sa kanya ng binata habang nauuna ng maglakad.
"Hindi ako tulog mantika ano! Masarap lang matulog sa kotse mu..(lalo't katabi ka)"-pabulong nyang sabi dito.
Natatawa na lang ang binata dito paano kasi ang tanda kung makaasta akala mu batang isip ei. Minsan nga iniisip nya kung nagkaboyfriend na ba ito simpleng gesture lang kasi nagbablush na agad ito. Pero hindi rin siguro sya aware na nangyayari yun sa kanya pero makikita mong nahihiya talaga sya.
"Teka Xander saan tayo kakain? Wala namang resto dito ah tska....---"-naputol ang mga sasabihin nya pa sa binata ng iikot nya ang mga mata at makita ang buong lugar na kinalalagyan nila ni Xander.
"Oh bakit bigla kang napahinto dyan? May problema ba?"-napabalik din sa kinatatayuan nya ang binata kasi bigla itong huminto.
"A--ang ganda pala dito. Sayo to?"
"Maganda ba? Oo sakin ito akala ko hindi maappreciate yung lugar. Lika na kain na tayo"-nakangiti nyang yaya ulit sa dalaga.
"Teka lang asan na ba yung cellphone ko. Kukuhaan ko lang ng litrato minsan lang to sayang wala akong dalang cam sana sinabi mong pupunta tayo dito."-natatarantang sabi ng dalaga habang hinahanap ang cellphone nya.
"Nakakatawa kang tingnan para kang bata ano! pwd naman yan mamaya."
"Ok lang parang bata maganda naman! Kumain ka mag-isa mu dito lang ako."
Natatawang tiningnan lang sya ng binata umalis lang ito sandali at bumalik din agad. Total ayaw naman pumasok ng dalaga kaya dinala nya yung pagkain nila sa labas at naglatag doon parang picnic lang.
"Ang ganda pala dito. Pwede ko bang isama yung mga kapatid ko dito? Tsaka pwede ba akong pumunta dito kahit minsan?"-sunod-sunod na tanong nya sa binata.
"Bawal pumunta dito ang kahit sino. Importanteng tao lang ang dinadala ko dito kaya tigilan muna yan."
"Ay ganon ba! Sige maghahanap nalang ako ng ibang pwedeng pasyalan."-nalungkot biglang sabi ng dalaga pero napapailing na lang ang binatang kasama nya ang bilis kasi nitong magbago ng emosyon.
"Kumain ka na at aalis na tayo baka gabihin pa tayo ng husto."-sita agad nito habang nakatingin sa dalagang parang biglang nawalan ng gana kumain.
"Sana kasi hindi muna lang inilabas yang pagkain. Salamat pala sa pagdala sakin dito busog pa ako ei."-sabi nito at tumayo na pasakay ng kotse.
"Nakakainis ka talaga Xander ang tanga-tanga mu! Ganyan ka na ba ngayon hindi ka na marunong magcomfort ng babae bwisit kaasar."-galit na sabi nya sa sarili at iniligpit na lang ang mga pagkain.
Hindi nya naman kasi intensyong magalit ito binibiro nya lang. Kaso talagang siguro ganun sya kahina para hindi yun masabi sa dalaga kaya sa simpleng sinabi nya bigla na lang itong lumungkot. Kaya ngayon hindi nya alam kung paano ito kakausapin lalo na ngayong nasa byahe na sila at hindi man lang ito nagsasalita.
"Ah Sha may gagawin ka ba bukas?"-nahihiya nyang tanong dito.
"Ah wala naman bakit?"
"Ok lang ba kung yayain kitang lumabas bukas tutal wala naman pasok."
"Ah may pupuntahan pala kami ni Mia bukas hindi ako pwd pasensya na huh. Ah andito na tayo dyan na lang ako sa tabi."-biglang iwas nito sa binata. Kaya nagmamadali na syang bumaba pero napigilan ng binata ang kamay nya.
"Galit ka ba sakin? Kung may nasabi man ako o nagawa sorry just talk to me."-nakatitig na sinabi nya yun sa dalaga.
"Wala ok lang ako. Just don't mind me masama lang ang pakiramdam ko.Sige salamat ulit ingat"-sabin nya dito pero hindi sya makatingin hindi nya kasi kayang salubungin at titig ng binata sa kanya.
Pumasok na sya sa loob ng bahay at umalis na rin ang binata. Hindi nya na nilingon pa ito narinig nya lang na tumunog ang sasakyan inantay pa yata nitong makapasok sya bago ito umalis. Ang ackward ng feeling nya pero ang lakas ng kabog ng dibdib nya parang hindi nya na kayang makaharap ang binata ulit dahil mas lalong syang naattract dito.
Mahirap mang aminin pero sa simpleng gesture nito sa kanya talagang kinikilig sya. MInsan nga kunwari hindi nya na lang pinapansin kasi talagan affected sya. Paanong hindi affected parang sasabog na yung dibdib nya sa sobrang kaba. Nasa ganoong pag-iisip lang sya hanggang sa makatulog na iniisip ang binatang ngayon ay gumugulo ng daigdig nya.
@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@
PABASA PO COMMENT NAMAN PO TAYO DYAN OH!
BINABASA MO ANG
Accident Love..�β솷�р솷
RomanceTakot akong magmahal pero nung dumating sya... Sumugal ako kahit masakit.. Kahit walang kasiguraduhan.. Pero hanggang kilan?