Sunod sunod ang paglunok ko nang makarating kami sa harap ng DO, kingina unang pasukan palang ay napatawag ako agad sa Dean's Office. nakuu lagot talaga ako neto kay Daddy. tsk
teka nga bakit ba ako nag-aalala e magkukwento lang naman ako at hindi ako kasali sa gulo.
"Wala sa inyo ang magsasalita?!" sigaw ni Dean.
"Ako ho Dean."
Ang lahat ay napatingin kay Nikko.
"Sige pagbibigyan kitang ipaliwanag ang side mo."
"Kumakain ho kami ng mga kaibigan ko ng bigla tapunan ako ng JUice sa damit ko netong tomboy nato-----"
Hindi naituloy ang sasabihin ni Nikko nang biglang tumikhim si Dean at napatingin kay babaeng tomboy na parang walang pakialam.
"continue.."
"Ayun nga ho, tinapunan niya ako ng juice sa damit ko kaya nag-init ho ang ulo ko, kinausap ko lang naman siya kong bakit niya ginawa yun, bigla nalang ho niya akong dinakot sa kwelyo ko, sabi ko bitawan niya ako ngunit nagulat nalang ho ako ng sinapak niya ako ng malakas maging ang mga kaibigan ko."
Kabaliktaran ang mga sinasabi niya.
Ang tanging naging kasalanan lang dito ni Babaeng tomboy ay natapunan niya ng juice si nikko na tingin ko ay hindi niya naman sinasadya.
"ikaw?! wala kabang balak magsalita?!"
"wala."
Lahat kami ay napatingin sa kanya. Sa inasal niya. Tsk babaeng tomboy wag mo munang pairalin ang kayabangan mo, si dean ang kaharap mo. tskk!
"Wala?!Ha?! Alam mo bang pwede kitang suspendehin sa ginawa mo?!"
Nanginginig sa galit si Dean.
"Hoyyy! ipaliwanag mo ang sarili mo." bulong ko sa kanya.
"wag kang mangialam.." malamig niyang tugon saakin. Bigla akong tinubuan ng inis sa katawan pero hindi ko muna yun iisipin. Kailangan kong sabihin ang totoo!!
"Dean.."
Lahat nabaling sakin ang atensyon pwera lang kay Babaeng tomboy.
"B-Baliktad ho ang sinabi ni Nikko.."
Pansin ko ang panlilisik ng mata ni Nikko saakin. wala akong pakialam hindi ako natatakot!
"Siya ho ang ginulo nila, tahimik ho siyang kumakain ng biglang sinugod siya netong apat na to! siya ho ang hinawakan sa kwelyo------"
"Sinungaling! Nakita mo ba itong mga pasa namin?!" sigaw ni Nikko.
"Hindi mangyayari yan kong hindi niyo siya ginulo!" Sigaw ko pabalik sa kanya.
"Manahimik kayo!!"
Napayuko ako sa sigaw ni Dean.
"Ikaw?! wala kang balak ipagtanggol ang sarili mo?!"
"wala! dahil kahit anong tanggol ko sa sarili ko kong hindi niyo papaniwalaan ay parang nagsayang narin ako ng laway." walang galang niyang sabi. Napailing si Dean tila hindi makapaniwala sa mga nangyayari at sa sinasabi netong tomboy na to.
BINABASA MO ANG
THE BAD AND THE BEAUTIFUL
FanfictionKathryn Bernardo Daniel Padilla James Reid Nadine Lutre