Happy 3K reads yehey! HAHAHA PARTY PARTY😂😂😂
Commercial muna guys HAHAHA
Ang lakas ng trip ko diba?! HAHAHA HARLEY QUINN😂😂😂👊
Yan po ginawa ko kaya di ako nakapag update.
Anyways, hindi ko masasabi kong ilan ang magiging update per day or baka wala nga sa isang araw but i try my very very best para makapag update😂 sumasabog ang utak ko! Di naman talaga ako writer😂😂 sabi ko nga isa lang ako solid Fan.
Salamat sa patuloy na pagbabasa. Mga silent readers kaway kaway uso vote HAHAHA JOKE! K bye.
•••
Daniel POV
"Hello A? Alam mo na ba kong nasaan siya?" Tinawagan ko si Arisse para itanong kong nahanap naba niya si Baba.
Umalis kasi kanina si Marco at Pat dahil may project kami, 3 person per group at kagrupo ko si Baba at Arisse. Sila Marco, Miles at Pat ang magkakagrupo.
Gagawa kami ng tulay. Lalagyan din namin ng discription at kong anong materials ang gagamitin.
Narinig ko ang pagbuntong hininga ni A. "Pakiramdaman mo ang puso mo D, alam mo kong nasan siya." Sagot ni Arisse.
Napasapo ako sa noo ko. Oo nga pala! Naikot ko na lahat ng pwede niyang puntahan pero hindi pa sa Bangon Falls.
"Pupuntahan ko siya dun A. Salamat."
"Goodluck D. Kaya mo yan. Wag mo siyang sukuan. Kapag ayaw na niya wag kang pumayag."
"Gagawin ko. Thanks A. Bye" pinatay ko na agad ang tawag at nagdrive na papuntang Bangon Falls.
Ang dami kong iniisip na pwede kong sabihin sa kanya pero tingin ko ay hindi ko na magagamit yun mamaya.
Lumilipad ang isip ko, nakarating ako sa bangon falls ng hindi ko namamalayan.
Huminga ako ng maluwag bago ako naglalkad papasok sa bangon falls.
Natanaw ko ang motor niya kaya kahit papano lumuwag ang pakiramdam ko.
Nang malapit na ako nakita ko siyang nakahiga, unan ang mga kamay at may suot na headphone.
Kaya mo yan Daniel, para sa blue heart. Dahan dahan akong naglakad palapit sa kanya. Hindi ko alam kong bakit pero nangingilid na ang luha ko at ang sikip sikip ng dibdib ko.
Umupo ako sa tabi niya. Inikot ko ang paningin ko at nakita kong may mga putok ng lobo. Kulay asul. May iilan pang nakapalobo, at hugis puso pala sila.
Ito ang mga namiss ko kahapon. Kong di sana ako umalis baka masaya kami ngayon, sana hindi ako nasasaktan ng ganito, sana hindi ko siya nasasakan.
"B-Ba.." Tawag ko sa kanya. Unti nalang tutulo na ang luha ko.
Dinilat niya ang mata niya at nilingon niya ako. Sa sobrang lamig ng pakikitungo niya pwede na akong magyelo.
"Anong ginagawa mo dito? Kahapon kita kailangan hindi ngayon." Matigas at malamig na sabi niya.
Tumulo na ang luha ko. "B-Ba im sorry. I-Im sorry. H-Hindi ko sinasadya. Nadala ako sa selos at galit ko."
Umupo siya at sumandal sa puno. Pinag cross niya ang mga braso niya at tumitig saakin para bang hinihintay niya akong magpaliwanag.
BINABASA MO ANG
THE BAD AND THE BEAUTIFUL
FanfictionKathryn Bernardo Daniel Padilla James Reid Nadine Lutre