siya parin..

4K 103 7
                                    

geez pinagtsagaan ko ang netbook ni mama na naghahang para medyo mahaba ang pdate





"Pasok po kayo Hugo." Hanggang ngayon talaga hindi ako sanay na hugo lang ang tawag ko sa kanya. Biruin mo, ang pinakamayaman sa buong san andres at kasali sa top 10 billioners ay tatawagin mo lang na hugo? Kakaiba din to' sa kanya siguro nagmana si baba.

Tinapik ni hugo ang balikat ko."sayang naman at hindi kita nabigyan ng deal. Kakausapin palang sana kita at makikipagdeal sayo. Kaya lang napasagot mo na" natatawang sabi ni hugo. Sabi nga ni A dati, kaakibat ng pangalan ni Hugo ang salitang deal at sa kanya natuto si baba makipag deal.

Tsk! Naalala ko tuloy ang deal ni baba kay hugo. Na pumayag lang siyang sumali sa varsity dahil sa deal nila ni Hugo at may kinalaman doon si James. Psh!

"Ngayong nasayo na, kahit anong mangyari wag mo siyang bibitawan! Ang San Andres ay maraming magnanakaw, mananakawan ka pag hindi ka lumaban." Sabay halakhak ni hugo. Kaya natawa narin ako kahit hindi ko gaanong gets ang pinagsasabi niya.

Maraming body guards si daddy kaya hindi kami mananakawan.

^___^v

"Pasok na nga po kayo hugo." Napakamot ako sa batok ko. Kahit kailan talaga ay palaging humahalakhak itong si hugo. Napakamasiyahin niyang tao. Magkasalungat sila ng lola ko. Naku nabanggit ko pa si lola. Sabi ni dad nextweek baka dumating na yun. Kailangan kong maghanda. Tsk!

Sakto namang bumaba sila mommy, daddy at sila baba. Sabay sabay pa talaga sila ahh.

"Ba, palit lang ako ng damit. Amoy ulam na ako e." Tinanguan niya lang ako. Bagong gising ang baba ko.

Nasa hagdan palang ako naririnig ko pa ang halakhak ni hugo at ang "shut up" ni baba. Inaasar na naman siguro ni hugo si baba. Hehhe

After kong magfreshin up ay bumaba ako agad nasa dinning na silang lahat. Nag uusap sila hugo at daddy. Si baba lang ang tahimik sa kanila.

Tumabi ako sa kanya. "Gutom kana?" Bulong ko lang sa kanya.

"Medyo. Haba pala ng tulog ko." Sagot naman niya. Sumasaya talaga ako kapag ganito lang kami mag usap. Hindi sigawan, hindi galit, normal lang. Normal sa magsyota! Hahaha

"Diko na din namalayan. Tumulong ako kina manang. Hehe diko alam paborito mong ulam."

"Kare-kare." Tipid niyang sagot.

"Sige nextime ipagluluto kita nun."

"Marunong ka?"

"Oo naman no. Kapag nag asawa na tayo ako ang magluluto para saating dalawa. Hehe"

"Advance mo masyado"

"Bakit ba, nakikita ko na ang future ko kasama ka. Tapos magkakaroon tayo ng isang basketball team na anak, kong gusto mo pati cheerleader at coach pa. Hehehe"

"Corny mo yatot."

"Nagmamahal lang." Nakangiti kong sabi sa kanya. Nilalagay ko pa ang nalalaglag niyang buhok sa gilid ng tenga niya. Hindi ko pa nakikitang nakalugay si baba. Nong party kasi nakatali yong buhok niya, maayos ayos pa yun. Kapag normal days lang kasi minsan magulo ang buhok niya, mukhang dipa nagsusuklay, tinatali na agad. Parang kulot pa naman dulo ng buhok niya.

Nag eenjoy pa kami dito ng sirain ni hugo ang moment ko. "Mamaya na kayo maglambingan diyan, kumain muna tayo." Sabay tawa na naman. Isang nakakamatay na tingin ang pinukol ni baba kay hugo.

THE BAD AND THE BEAUTIFULTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon