Daniel POV
"Ba-----" hindi ko natapos ang sasabihin dahil bigla nalang siyang tumayo at lumapit doon sa maleta niya at inabala ang sarili.
Kahapon pa ng umaga pa siya ganyan. Cold! Parang hindi niya ako nakikita. Kong kakausapin man niya ako ay parang casual lang, parang walang nangyari sexual saamin nong isang gabi.
Babalik na kami ng San Andres ngayon kakatatapos lang namin maglunch. Kaninang umaga naganap ang meeting namin kasama ang investors.
At nakuha namin ang deal.
"You should fix your things too. Para makaalis agad tayo." Casual na sabi niya saakin.
I cant take it. Naiinis na ako. Nakakapikon.
"Hindi ko kaya to. Ba anu ba? Balik na naman ba tayo sa dati?"
Hinarap niya ako. "Anu bang sinasabi mo diyan?" Inosenteng tanong.
"Kathryn anu ba?!!!"
"Wag kang sumigaw. Naririnig kita." Kalmadong sabi niya saakin at nagpatuloy na ulit sa pag aayos ng gamit niya.
"Alam mo? Nakakasira ka ng ulo. Ang labo mo!"
"Hindi ako malabo Daniel. Mas malinaw sa tubig ang sinabi ko sayo nong isang gabi."
Damn it!! Yong sinabi niyang akin siya sa gabing iyon lang.
"Hindi ako papayag. Hindi ayoko. Akin ka. Akin kalang." Nagback hug ako sa kanya at siniksik ang ulo ko sa leeg niya.
"Daniel anu ba! Bakla kaba? Kung makapagsalita ka parang ikaw ang nawalan." Inis na sabi niya saakin.
"Talagang mawawalan ako kapag hinayaan kong mangyari ang gusto mo. Wag na nga tayong maglokohan dito kathryn. Nong gabing yun, ramdam kita. Ramdam kong mahal mo ako. Bakit ba ang hirap hirap sayong sabihin saakin iyon? Wag na nating pahirapan pa ang sarili natin."
"Tsk. Daniel yong ginawa natin uso yun. one night stand.its just pure lust. Fuck and leave. Kaya pwede ba wag kang umasta diyan na parang babae."
Napabitaw ako sa kanya. Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya. Hindi ko inaasahan na sasabihin niya yun saakin.
"Anu bang nangyayari sayo?" Seryosong tanong ko sa kanya.
Tumitig lang siya saakin. "Ayusin mo na ang gamit mo." Kalmadong sabi niya saakin.
Naiiling akong tumalikod sa kanya.
Ang labo niya. Ang labo labo niya. Hindi ko maintindihan.
♡♡♡
"Yow yow brow!" sinamaan ko ng tingin si Marco. Nagulat ako eh -__-
Tinawanan niya ako. "Lalim ng iniisip mo brad ah." Sabi niya saakin.
"Marami akong ginagawa." Sagot ko sa kanya." Anu ba kasing ginagawa niyo dito?" Iritang sabi ko sa kanila.
Tumawa silang dalawa. "Wala. Nambubulabog lang. Wala kaming klase ngayon. At nasa airport ang mga asawa namin."
Kumunot ang noo ko. " anong ginagawa sa airport?"
"Hinatid sila kathryn." Simpleng sagot nila.
Napatayo ako sa kinauupuan ko. "Anu?!"
Bigla silang nagtawanan na dalawa. "Chill bro haha. Si Enrique lang ang aalis. Hindi binigay ni Hugo ang passport at visa ni Kath. Pero dederecho sila sa wedding coordinator para sa wedding nila ni Enrique."
BINABASA MO ANG
THE BAD AND THE BEAUTIFUL
FanfictionKathryn Bernardo Daniel Padilla James Reid Nadine Lutre