Daniel POV
"Daniel gising. Gising na anak"
Naririnig ko ang boses ni Mommy na nangigising saakin.
I groaned. "Mom, masakit ang ulo ko."
"Naku hindi pwede ang ganyan anak. Teka!" Hysterical na sabi ni Mommy.
"Bumango kana diyan ito ang gamot inumin mo para mawala yang hang over mo. Sinabi ko naman kasi sayo anak wag kanang uminom, mukhang marami ka atang nainom kagabi."
Celebration lang nang pagiging sawi Mom.
Saan kaya matatagpuan ang Camp sawi na yan at nang mapuntahan ko!
"Mommy ang aga pa." Bumalik ako sa paghiga.
"Anak bumangon kana diyan. Sabay sabay tayong pupunta sa hotel."
"Bat naman tayo pupunta sa hotel mommy?" Nakapikit na tanong ko.
"Dahil malapit doon ang simbahan na paggaganapan sa kasal."
Kasal? Kasal nina kathryn?
Oo nga pala, ngayon na ang araw nang kasal nila.
Pupunta ba ako?!
Wag nalang kaya? Baka kasi bigla ko nalang siyang itakbo palabas ng simbahan at itanan siya.
O di kaya ipakidnap ko nalang kaya yong enrique na yun tapos ako ang aattend sa kasal nila.
Hahaha
Mga iniisip mo talaga danyel e no?
"Mamaya kana mag imagine anak, maligo kana muna."
Napilitan na akong bumangon mukhang hindi ako lulubayan ni Mommy.
Nakakainis, mamaya pa naman yong kasal nila bakit kailangan kong magmadali? Alas syete palang nang umaga.
Tsk! Alas tres ang kasal..-__-
Buti sana kong kasal ko yun eh. Edi sana kagabi pa nandon na ako. -__-
Asa Danyel.
Pagbaba ko nasa baba na silang lahat pati si manang imbitado.
Sinalubong ako ni mommy.
"Ang gwapo naman nang anak ko." Naluluhang sabi ni mommy.
Natawa ako sa kanya. "Mom, bakit ka umiiyak? Hindi naman ako yong ikakasal." Natatawang sabi ko kay mommy.
"Im happy for you anak."
I creased my forehead."Mom naman, masaya ka para saakin? Samantalang nasasaktan ako."
"Tama na nga yan. Tara na hinihintay na tayo ni Hugo sa hotel." Dad interrupted us.
Mukhang namumula ang mga mata ni daddy? Soreyes? O galing siya sa iyak.
Pati si Ate?
Anu bang nangyayari sa kanila?
Umiiyak ba sila dahil nasasaktan din sila para saakin?
Pagdating namin sa hotel ang dami ng tao.
Kinukunan kami ng mga cameraman.
"Sir ngiti po kayo." Sabi nong cameraman.
Ngumiti naman ako.
ang gara talaga ng kasal nila.
May mga cameraman.
In-interview nila sila Mommy,Dad at Ate.
"Anu pong masasabi niyo sa mga ikakasal?"
"Sobrang masaya ako para sa kanila . Hindi ko alam kong saan ko ilalagay ang ibang kasiyahan ko."

BINABASA MO ANG
THE BAD AND THE BEAUTIFUL
Hayran KurguKathryn Bernardo Daniel Padilla James Reid Nadine Lutre