Kathryn Chandria

3.8K 95 33
                                    





Kathryn POV

"Gracias.." Nakangiting sabi nong babae saakin kaya sinuklian ko rin siya ng ngiti.

"Mmm, mukhang enjoy na enjoy mo na ang pagiging photographer ng mga turista

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.




"Mmm, mukhang enjoy na enjoy mo na ang pagiging photographer ng mga turista." Pabirong sabi ni Trina.


As usual nandito na naman kami sa Sagrada para kumuha ng mga litrato. Simula ata ng pinili kong manirahan dito sa Barcelona ay nakasanayan ko nang kumuha ng litrato.

At sa totoo lang iba ang nabibigay ng saya saakin ng pagkuha ng pictures.

"Ewan ko sayo." Natatawang sabi ni Trina.


"Ewan ko rin sayo. Haha tara na hinihintay na tayo nila Joshua."

"Ayy sht!" Muntik ko ng makalimutan na may event nga pala kami ngayon.

Event ng mga pilipino dito sa Barcelona na 1 a month ginaganap. Kainan,sayawan at inuman lang.

Ito ang pinaka day off ng mga pilipino dito. Siguro ito narin yong way para hindi nila mamiss ang mga pamilya nila sa pinas.

Pagdating namin sa restaurant kung saan gaganapin ang small gathering namin ay nandun na yong mga kaibigan namin.

"Kathryn, 6 years na ang lumipas, palagi ka paring late?" Natatawang sabi ni Joshua.

Pabiro ko siyang pinalo sa balikat. "Sira! May dinaanan lang kami."


"Saan? Sa sagrada? Nanguha kana naman ng pictures. Bat hindi ka nalang nag-photography."


"Oo nga no Josh? Tapos kukunan kita ng nakahubo't hubad."

"Uyy ikaw ha. Pinagnanasaan mo pala itong katawan ko. Haha wag po ate marupok ako." Pabiro niya pang tinakpan ang katawan niya kaya mas lalo kaming nagtawanan.

Lumapit ako kina Tito Aiko at sa asawa niyang si Tito Joey. Ang naging magulang ko dito sa Barcelona.

Mga ofw sila dito, anak nila si Joshua na madalas akong makita sa sagrada. Doon kami unang nagkakilala, isang makulit na lalaki na walang ginawa kundi ang bwisitin ako. He reminds me of someone. Someone that closed to may heart.


"Tita, tito..." Masayang bati ko sa kanila.


"Ganda! Buti medyo napaaga ka ngayon." Nakangiting sabi ni Tita. Napakamot ako sa batok ko.


"Hayy naku tita, kung hindi ko pa pinaalala sa kanya, ay hindi niya talaga maaalala. Makakalimutin."


"Makakalimutin ba talaga o nag-eenjoy na naman manguha ng pictures?"


"Pwedeng both tita?" Sabi ko pagkatapos ay natawa ako.


"Ikaw talaga Ganda anim na taon na tayo pero nakakalimutan mo parin." I just smiled.


THE BAD AND THE BEAUTIFULTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon