Panghihinayang ni dindin

6.3K 135 5
                                    

Kath POV

"Hoy Kathryn! Hintayin mo nga ako!"

Sigaw ni Arisse ngunit hindi ko siya pinansin at nagtuloy tuloy lang sa paglakad. Naiinis ako! Naiinis ako at baka makapatay lang ako ngayong araw na ito.

Ang ayoko sa lahat ay yong pinapagalitan ako sa isang bagay na hindi naman ako ang may kasalanan.

Damn him! Sa tono nang pananalita niya ay sigurado na siyang ako ang may kasalanan agad.

Sino ba siya sa akala niya?!

Dean?! Ha! Hindi ako natatakot sa kanya!

Tangina Ina niya! Ang sarap niyang patayin ngayon din sa kinauupuan niya.

Mabilis akong nakakarating sa Ducati Monster ko, speed yun ang pangalan niya.

Pinaandar ko agad ito ng hindi na hinihintay si Arisse. Im sure naiintindihan niya.

Mabilis ang patakbo ko kaya nakarating ako agad sa Bangon Falls.

Hmmmm! I miss this place.

Ang daming alaala.

Maraming masasaya ngunit napalitan ng masamang alaala.

Kahit na nasasaktan ako tuwing pupunta ako dito, hindi ko parin makakaila na ito lang ang scape ko.

Dito lang ako kumakalma.

Marinig ko palang ang tunog ng bagsak ng tubig nawawala ang inis o galit na nararamdaman ko.

Hinubad ko ang jacket na suot ko at inilapag yun sa ilalim ng puno at doon nahiga.

Ginawa kong unan ang magkabilang braso ko.

Ang tagal kong hindi nagpunta dito dahil natatakot akong maalala na naman ang nangyari pero dito parin talaga ako dinadala ng tadhana.

Pilit kong iniiwasan ngunit hindi ko matakasan.

Dahil walang iba ang kayang pakalmahin ang nararamdaman ko kundi ang tunog ng tubig lang.

Napabuntong hininga ako.

Makalipas ang dalawang oras na pagmumuni muni ay tumayo ako at nagdrive papuntang UG.

Sa UGkitchen ako dumerecho dahil nagugutom ako.

Nakakapagod mag-isip. -___-

"Anong mukha na naman yan?"

"Tss."

"Nagpunta dito si Arisse kanina hinanap ka, dika niya makontak. May nangyari ba?" Tanong ulit ni Athena.

"Wala, ipaghanda mo ko. Nagugutom ako bilis." Inip na sambit ko sa kanya.

"Wow makautos lang ha! Boss ako dito.".

" oo boss ka, pero master ako kaya bilis na. Steak nalang well done." Itinulak ko pa siya. Sinamaan lang niya ako ng tingin at umalis na.

Itinaas ko ang dalawang paa ko sa lamesa.

Napatingin pa ako sa labas kong saan ang game zone. Malawak kasi ito at open lang siya.

Madaming studyante na naman ang nandito.

Naiiling ako habang pinagmamasdan ko ang mga bata ni Zeus na manduga sa bilyar. Tsk!

"Yan ang mga bagong siga ng UG." Biglang salita ni Athena.

"Pansin ko nga. Kingina di nga marunong makipaglaban sisiga siga na?"

"Ulol, sadyang wala lang talagang makakatalo sayo. Pinaglihi ka kasi kay jackie chan hahahaha"

"Psh! Kamusta ang GTrends?"

THE BAD AND THE BEAUTIFULTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon