Talk

4.2K 99 9
                                    





Bago paman ako makita ni babaeng tomboy ay dahan dahan na akong umalis sa usual spot niya. Mukhang hindi niya naman ako kailangan'

Sht! Nararamdaman ko ang pangingilid ng luha ko at pagkirot ng dibdib ko. Apektado ako sa nakita kong emosyon kanina kay babaeng tomboy.

Damn! Daniel binalaan kana niya.

Marahil ito ang gusto niyang sabihin.

Pero diba tomboy siya? At girlfriend niya si Arisse?

Anu yun? Dalawa ang kasarian niya?

Peste! Nababaliw na naman ako.

Pagkauwi ko, nakaabang kaagad si mommy sa may pintuan saakin. I hugged her! Masama ang loob ko at kailangan ko ng yakap ni mommy ngayon.

"What's wrong anak? Baby umiyak kaba?"

"No mom, napuwing kasi ako kanina." Tipid akong ngumiti. Ayokong mag alala saakin si mommy. Marami na siyang iniisip.

"Ganun ba? Sige umakyat kana. Magbihis ka. Pupunta tayo sa mansion. Inimbitahan tayo ni chairman na magdinner sa kanila."

"Anong meron mom?"

"Hindi ko din alam anak basta inimbitahan lang tayo."

"Pero hindi okey si dad and Gov."


Nag iwas ng tingin si mommy. "Pero hindi ni chairman. Labas doon si chairman sa alitan nila. At isa pa your dad and chairman was very close even before. Mentor siya noon ng daddy mo. Kaya wala akong nakikitang mali doon."



Nag-agree nalang ako kay mommy at naggayak na. Almost seven na, at nakakahiya naman kong malelate kami.


"Dapat daniel sinundo mo nalang si kathryn. Nalaman kong hindi pala nakatira si kathryn sa mansion nila? At may sarili na siyang bahay. You know what? I really admire that kid. Marunong na siyang kumita sa murang edad niya. Kaya niyang pagsabayin ang lahat. Although hindi ko gusto ang ugali niya but it doesn't matter anyway. Magaling siyang maghandle ng business."

Puring puri na naman si dad kay babaeng tomboy. Lalo na nong nagbreakfast siya sa bahay, at si dad maraming tinatanong sa kanya about engineering at business lahat yun nasasagot niya. Kaya siguro mas lalong naiinis sa kanya si ate kasi that time napahiya si ate sa kanya.

"Hindi ko alam dad kong nasaan siya." O alam ko pero may kasama siyang iba. Alam niyo ba kong gaano mamutla ang blue heart ko dad? Yong blue naging puti. -___-


"How come? Akala ko ba magkaibigan kayo?"

"That doesn't mean dad na lagi kaming magkasama. She's different. May sarili siyang mundo." At gustong gusto kong pasukin ang mundong yun. Kaya lang napakaraming trap bago ka makapasok. Hanggang ngayon nga nasa gate palang ako >__<


"Tama ka. She's different. Nakikita ko sa kanya yun. Tho may pagkamayabang siya." Dahil may ipagyayabang siya dad. Kong alam niyo lang.


"She has the right to boast Dad dahil mayaman sila at isa pa talented siya. She know how to dance,to sing, to play basketball actually she's part of the team now. And beacause she's mayabang sa mismong game na siya magpapakita."

Masama ang loob ko sayo babaeng tomboy pero hindi ko maitatago ang paghanga ko sayo. Lalo na sa mga talent mo. Kaakibat na kasi sayo ang pagiging mayabang mo.

Isa siguro yun sa nagustuhan ko sayo.

Concieted.


"At ang pretty pa niya dad diba? Hindi ko nga matanggap na tomboy yun e." Medyo disaapointed na sabi ni mommy.


THE BAD AND THE BEAUTIFULTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon