Kath POVKinabukasan maaga akong nagising dahil sa alarm ko. Napailing pa ako ng makita kong mahigpit ang yakap saakin ni Payatot. Tss kalalaking tao ang likot matulog!
Dahan dahan kong inalis ang kamay niya na nakayakap saakin.
Hindi ko alam kong bakit ginagawa ko to. Pero tuwing makikita ko siyang nalulungkot na ako ang dahilan nanlalambot ako.
Hindi naman ako ganito.
Ngayon lang,
Nong isang gabi, nakita ko siyang umiiyak ng dahil saakin pakiramdam ko ang sama sama ko ng tao.
Gusto ko siyang lumayo saakin dahil masasaktan lang siya.
Nakikita ko sa kanyang nagkakagusto na siya saakin. At hindi yun pwede.
Tuwing sasabihin ko yun sa kanya kitang kita ko kong paano malungkot ang mga mata.
Gusto kong bawiin ang mga sinasabi ko sa kanya. Ayaw ko siyang nakikitang malungkot.
Ang laki ng epekto niya saakin.
Hindi ko sinasabing nagkakagusto nadin ako sa kanya dahil malabong nangyari yun.
Masyado siyang inosente para saakin.
At pakiramdam ko simula lang ng dumating ako doon na nanganib ang buhay niya.
Kaya responsibilidad ko siya.
Tumayo ako at kinuha ko ang mga damit ko sa bagpack. Nakiligo na sa cr niya.
Tsk' kalalaking tao Dove ang sabon niya?
Pambakla -___-
Pagkatapos kong maligo ay inayos ko lang ang sarili ko at lumabas din sa cr niya.
Gising na siya.
Nanlaki pa ang maa niya ng makita niya ako.
"Tsura mo." Inirapan ko siya.
"Akala ko umalis kana. Hehe"
Napailing nalang ako. "Maligo kana."
"Aye aye captain" sumaludo pa.
Para siyang bata.
-__-
Nagsusuklay ako ng may kumatok sa pintuan niya.
Binuksan ko ito...
Nanlalaking mata ni Roanna ng makita niya ako. Nginisian ko lang siya.
"A-Anong ginagawa mo dito?"
"Nakitulog?" Nang aasar na sagot ko sa kanya.
Umuusok ang ilong niya sa sinagot ko.
"Layuan mo ang kapatid ko!" Sigaw niya. Nairita ako! Ayoko sa lahat ang sinisigawan ako!
"Kapatid mo ang pagsabihan mo! Tingin mo ba kong hindi ako sito dumerecho kagabi e humihinga pa ang kapatid mo?! Kapatid ka niya pero dimo manlang siya mapakain!" Napaurong siya dahil sa sigaw ko sa kanya bahagya pa siyang nagulat sa sinabi ko.
"Anu bang kailangan mo sa kanya?!" Nagmamatapang na tanong niya.
Tss. Kilala kita Roanna, nagmamatapang kalang pero kaloob looban mo takot na takot ka saakin.
"Wala."
Biglang nanlambot ang mga mata niya,
"Kathryn wag si Daniel Please..." Tinaasan ko aiya ng kilay. Anong tingin niya saakin?
BINABASA MO ANG
THE BAD AND THE BEAUTIFUL
FanfictionKathryn Bernardo Daniel Padilla James Reid Nadine Lutre