Tama yong hinala

3.3K 93 17
                                    




Kath POV


"Seryoso ka dito Kath? Siya ang pinaghihinalaan mo?" Di makapaniwalang tanong ni James.

Sinusundan namin siya. At sa ngayon wala pa akong nakikitang mali sa kanya.

Isa nalang siguro ang hinihiling ko ngayon, na sana mali ako ng iniisip.

Na hindi niya yun kayang gawin.

Noon paman nakikitaan ko na siya ng kakaibang ugaling.

Mabilis siyang magpalit ng mood.

Noon akala ko ay dahil sa bata pa siya at nagseselos siya sa mga lumalapit saakin. Sa mga nilalapitan ko.

Pero bakit noon ay hindi siya nagbigay ng threats kay James?

Yun ang hindi maintindihan.

Nagring yong cellphone ko. Si Marco pala kaya sinagot ko. "Bakit?" Tanong ko.



"Putek Kath pumunta kana dito sa Hospital. Magbibikti na tong kaibigan ko." Natatawang sabi ni Marco,


"Kausapin ko siya."

"Sige sige---ohh makangawa ka diyan para kang bakla."


I rolled my eyes. Napakaisip bata talaga netong Padilla nato.

"Babaaaaaa!" Nailayo ko yong cellphone ko sa tenga ko dahil sa sigaw niya.

"Tss. Naririnig kita wag kang sumigaw."

"Hehe kasi naman Ba, asan kaba? Paggising ko wala kana dito miss na miss na miss na kita Baba."

"OA Daniel. Kumain kana at matulog. Pupunta ako diyan mamaya pag dika pa natutulog pagdating ko diyan patay ka sakin."


"Eeehhhh Ba naman e" naiimagine ko ang paghaba ng nguso niya.


"Sige na, matulog kana gisingin nalang kita mamaya."


"Sige na nga. Balik ka agad dito ha after 5minutes."


"Oa kapa sa oa. Sige na papatayin ko na to baka ikaw ang mapatay ko."

"Anu?!"


"Wala bye na." Pinatay ko na ang tawag. Natatawa pa ako habang pinapatay ko ang cellphone ko.

Napatingin ako kay James. Ang sama ng titig niya kaya tinaasan ko siya ng kilay.

"What?"


Umiling siya. "Hindi kita nakitang ganyan nong tayo pa."


I froze. Hindi ako nakapagsalita. "Nevermind. Tara na nakaalis na yong sinusundan natin."


Pinaandar niya yong sasakyan niya. Hanggang sa mahinto kami sa isang bahay. "Anong ginagawa natin dito?" Takang tanong ko.


THE BAD AND THE BEAUTIFULTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon