Nasasaktan ako pero...

3.4K 104 8
                                    


Hi guys,

Salamat sa mga nagbabasa neto.







•••

Hindi pa ako nakakalayo sa scenario ay may humatak na saakin. Alam kong si Baba yun. Wala akong lakas para hinayaan ko nalang siya. Hanggang sa dalhin niya ako sa tapat ng kotse ko. "Sakay." Sumakay naman ako. Di din nagtagal ay pumasok din siya. Nagsindi pa siya ng yosi at binuksan niya ang bintana sa side niya.


Katahimikan ang bumabalot saamin. Nakatingin lang ako sa kanya. Marami akong gustong itanong sa kanya. Ngunit pinipigilan ko ang sarili ko. Ayokong malaman ang totoo.

Napatingin siya saakin o sabihin na nating tinitigan niya ako.

Hindi ako nakaramdam ng awa sa mga titig niya. Walang emosyon! Natural na emosyon niya o wala naman talagang emosyon ang mga titig niya.


"Itigil na natin to Daniel." Kalmadong sabi niya. Mas lalo akong nasasaktan. Pinatunayan niya lang na tama ang sinabi ni nadine. Na tama ako, na siya parin. At kailaman hidi magiging ako.

"Itigil na natin to dahil masasaktan lang kita." Tangina! Akala mo ba ngayon hindi ako nasasaktan?! Pero nag-take ako ng risk dahil nagbabakasakali akong mamahalin mo rin ako.



"Tama siya, palagi akong nagpupunta sa bahay nila James." Kaya ko pa. Gusto kong pakinggan ang sasabihin niya kahit ang sakit sakit na. "Breakfast, lunch and dinner nagpupunta ako sa kanila.." Kaya pala. Kaya pala palagi siyang nawawala sa paningin ko.

Nag-unahan na namang tumulo ang mga luha ko. Kaya iniwas ko ang tingin ko. Nasasaktan na ako kathryn! Tama na please, kong ayaw mo na wag mo nang sabihin saakin dahil hindi ko na kaya ang sakit. Para akong tinutusok ng isang libong karayom sa puso ko. Sobrang sakit na nang nararamdaman ko.


"Pumayag akong makipag-deal kay hugo dahil gusto ko siyang makabalik na dito. Gusto ko na siyang makita, gusto ko na siyang makausap. Gusto ko na siyang mayakap." Patuloy lang sa pag agos ang mga luha ko. Gusto kong takpan ang mga tenga ko para hindi ko na marinig ang sasabihin niya dahil lahat ng salita nagdudulot ng sakit sa akong dibdib.


"T-Tama na oh..." Pagmamakaawa ko. Tama na kathryn! Alam ko na! Tanggap ko na.


"Hindi Daniel, dahil gusto kong marinig mo lahat ng sasabihin ko. Gusto kong maintindihan mo kong anu ang nararamdaman ko para sa kanya."


Napailing ako habang pinupunasan ko ang mga luha ko. "P-Patayin mo nalang ako." Nanghihina kong sabi sa kanya.


"Yam ang dahilan daniel kong bakit gusto ko nang itigil to. Kasi mahina ka! Konting salita lang nasasaktan kana! Hindi mo kayang harapin lahat. Lahat gusto mong iwasan!" Matigas na sabi niya saakin. Oo tama ka! Mahina ako, tangina mahina ako kaya itigil mo nato!


"Mahal ko si James..." Fck! Mas may isasakit pa pala sa nararamdaman ko. "Mahal na mahal ko siya. Bata palang ako kilala ko na siya, naging bestfriend ko siya for 10 years, lahat ng oras kasama ko siya, lahat magkasama kami. Sa kalokohan, sa lahat lahat. Hindi nga kami mapaghiwalay noon kahit na sino. Siya ang laging sandalan ko tuwing nalulungkot ako. Pero siya rin ang takbuhan ko tuwing masaya ako. Siya ang nagturo saaki sa basketball at pinagbutihan ko dahil gusto kong humanga siya saakin. Ginawa ko ang lahat para kay James, Daniel." She paused. Sige kathryn sabihin mo na lahat saakin. Para alam ko kong saan ako lulugar sa buhay mo. "Noon palang ganito na ako. Cold, mayabang, walang galang, nananakit, gangster, maybisyo, walang pakialam sa paligid, pero lahat ng yun tanggap niya, yong mga bagay na yun tinanggap niya nang buong buo at yun ang hindi mo kayang gawin daniel!" Naangat ko ang tingin ko sa kanya.


"Tuwing makikita mo akong nagyoyosi, nag iiba ang tingin mo saakin. Tuwing nakikita mo akong nakikipagbugbugan natatakot ka, tuwing wala akong galang sa nakatatanda napapailing ka, daniel tingin mo? Bakit hindi ko magawang maging totoo sayo? Kasi pinipilit mo akong maging ibang tao para sayo. At yun ang hindi ginawa saakin ni James noon." Ganun ba talaga ako?! "Noon tanggap ni James na hindi ako malambing sa kanya, na wala akong pakialam sa kanya, at masaya na siya sa mga bagay na pinapakita ko sa kanya."



"Pero pinagpalit ka niya."


"Yun ang akala mo. Ang akala ng lahat' matagal na siyang gusto ni nadine, at binilog ang utak niya ni nadine. Kaya niya nagawa ang mga bagay nayun! Iniwan ko siya dahil hindi ko matanggap na nagpabilog siya sa taong kinamumuhian ko! Sa taong inagaw saakin ang lahat! Ang nanay ko, ang pamilya ko, ang kasiyahan ko! Ngayon pati si daddy unti unti na niyang inaagaw saakin' si Dean, dati saakin siya proud pero dahil sa kanya sumama ang tingin saakin ni dean! Si James, siya lang ang taong tumanggap saakin kahit na maraming ng paninira ang sinabi sa kanya. Nagkamali lang siya pero alam kong ako ang mahal niya."


Bakit ba ako nakikinig sa mga sinasabi niya?!

Kong ang ending naman neto ay iiwan din pala niya ako?!

"Pero dumating ka, wala naman akong pakialam sayo pero nakuha mo ang atensyon ko. Dumating ako sa punto na ayokong makitang natatakot ka. Nasasaktan ka kahit araw araw nasasaktan kita. Tuwing makikita kong ngumingiti ka lahat ng galit ko nawawala. Sa sobrang lakas ng epekto mo, nagawa kong tanggapin ang maging girlfriend mo. Hindi ko maintindihan ang sarili ko! Gusto kitang lumayo, pero bumibigat ang loob ko tuwing gagawin mo! At gusto ko ng itigil to dahil natatakot ako para sayo, natatakot ako na kapag pinagpatuloy natin to ay masaktan ka ng todo."


"Daniel, nasa stage palang ako ng pagmo-move on kay James. Hanggang ngayon may nararamdaman parin ako sa kanya to the point na tuwing kailangan niya ako pupuntahan ko siya." Gusto kitang intindihin kathryn. Gustong gusto kitang intindihin. Pero nasasaktan ako kaya sarado ang puso ko. "Wala na akong balak balikan siya, pero hangga't kailangan niya ako pupuntaha ko siya. Kasi magkatulad kayong dalawa. Mahina, at gaya mo nasasaktan din siya dahil mas pinipili kita kesa sa kanya." Nabuhayan ako sa sinabi niya.

"Wag mo akong madaliin Daniel, dahil kapag sinabi kong sayo na ako, buong buo kong ibibigay ang puso ko sayo. Pero hangga't may nasasaktan pa akong tao, mas pipiliin ko munang lumayo sayo." Wag please! Kahit masaktan ako ng paulit ulit. Wag kang lumayo saakin. Mas hindi ko kakayanin.

Gusto kong magsalita ngunit walang boses na lumalabas sa bibig ko.


"Lumayo na muna tayo sa isa't isa..." Napabuntong hininga siya. "Mahirap na to para saakin, kasi yong kinakatakutan ko nagkakatotoo na."


"Marami pa akong issues, at hindi ko maibibigay sayo lahat ng pagmamahal na kailangan mo hangga't hindi ko nasosolve lahat ng yun." Nabuntong hininga siyang muli at tumitig na naman saakin. "Gusto ko kasing maging malakas ka, dahil gusto kong kasama kita habang inaayos ko isa isa. Pero kong palaging ganyan ka, hindi ko kaya." Pinunasan niya ang luha ko. "Yatot, im getting there." She smiled. "Pero mukhang hindi mo kaya. Sa ngayon hanggang dito nalang muna."



Umiling iling ako. "Ba ayoko..." Napahikbi ako. "Mas hindi ko kaya kong lalayo ka." Nahihirapan akong magsalita pero pinipilit ko. Ayokong magtapos to. "Mahal na mahal kita, at kakayanin ko lahat ng sakit, wag kalang mawala." Bawat salita ko ay nahikbi ako." Nasasaktan lang ako, pero kaya ko pa."






••••


Very short update...


Thanks for reading.

THE BAD AND THE BEAUTIFULTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon