Daniel POV
"Mag iingat ka doon anak ha, tawag ka kong may problema."
"Mommy, 3 days lang akong mawawala." Natatawang sabi ko kay mommy sabay yakap sa kanya. Hayy kahit kailan talaga ang oa ng mga nanay.
"Kahit na. Pinakamatagal nating nagkahiwalay e nong nag japan kayo nina Kathryn." Unti unting nawala ang mga ngiti ko sa labi.
Naalala ko yong japan experience namin.
Yun yong mga panahon na masaya kami. Yong wala kaming pinoproblema. Yong panahon na busog na busog ang blue heart ko sa mga effort ni kathryn.
Si enrique kaya pinagluto na niya?
Sana hindi no, para ako ang una at huling taong pinagluluto niya.
"Sige na My pumasok na kayo sa loob. Ako na ang maghihintay dito sa labas." Susunduin kasi ako ng company service namin para ihatid ako sa airport. At tingin ko ay nandoon nadin si Celine.
"Mag iingat ka don baby ha. Wag puro work. Kong may pagkakataon ka mag ikot ikot ka sa manila. Sayang ang oportunidad."
"Oo na po mommy." Natatawang sabi ko.
Hinalikan lang ako ni mommy sa pisnge at pumasok narin siya sa loob ng bahay.
Hindi narin nagtagal ay natanaw ko na ang van ng BMCo.
Isang maliit na maleta at bagpack lang naman ang dala ko.
Bumaba pa yong driver para tulungan ako sa mga gamit ko.
Papasok na sana ako sa harapan ng pigilan ako ni Kuya.
"Ser nakaupo na po ang sekretarya ni Sir vhong sa harap."
"Ganun po ba. Sige dito nalang ako."
Tumango si kuya at bago pumwesto sa driver seat.
Pagbukas ko ng pinto ng van, isang diko inaasahan na tao ang nakita ko.
Nakasandal siya sa upuan, cross arms, naka headset at naka shades.
Anong ginagawa niya dito?
"Goodmorning ser, makakasama niyo po si Miss chandria sa seminar at meeting niyo with the clients." Nakangiting sabi ni Celine.
Pumasok na ako sa loob at umupo sa tabi niya.
"Hindi naman nabanggit sakin ni tito na may makakasama pala ako."
Tumawa si celine."hahaha Sir kinaladkad lang yan ng mga bodyguard ni hugo. Kaya antok na antok pa."
"Ahh. Celine, kelan yong meeting sa mga clients natin? At yong seminar ngayong araw din ba?"
"Ser, hindi ako si Celine."
"Ha? Anong hindi, e ikaw yong sekretarya ni tito."
"Ser naman, ako si Mia. Wala akong nunal dito oh." Turo niya sa may bandang baba niya. Oo nga no, si celine may nunal yun at kulay itim ang buhok. Siya kulay brown at walang nunal. Si celine mahinhin, si Mia may pagkamaingay. Tawa palang ang ingay na.
"Kambal kayo?"
"Kamukha lang Ser. Ako na ang pinadala ni Sir vhong dahil nga mahiyain si celine."
Biglang narinig ko ang pag ungol ni Kath at paggalaw niya kaya napatingin ako sa kanya.
Inayos niya yong shades niya at umayos siya ng upo.
BINABASA MO ANG
THE BAD AND THE BEAUTIFUL
FanficKathryn Bernardo Daniel Padilla James Reid Nadine Lutre