Iwas

4.6K 109 15
                                    





🎶Walang sagot sa tanong
Kung bakit ka mahalaga
Walang papantay sa'yo

Kung may darating man na umaga
Gusto kita sana muling marinig
Ngiti mo lang ang nakikita ko
Tauhin man ang silid

Walang papantay sa'yo
Maging sino man sila
Ikaw ang araw sa tag-ulan
At sa maulap kong umaga...🎶

Tila para akong hangin na dumaan sa harapan niya. Ni hindi manlang niya ako sinulyapan at nagbuga lang siya sa sigarilyong hawak niya.

Sa loob ng isang linggo ay balik stranger kami sa isa't isa.

Hindi siya sumasabay saamin sa lunch kahit na kasama namin si Arisse.

May sariling mundo siya.

Iniiwasan niya ako.

Dahil ba mayaman siya saamin?

Gusto kong tanungin si Arisse pero hindi ko magawa baka kong anu ang isipin niya.

Naguguluhan ako sa nararamdamanan ko.

Tila may kirot sa dibdib ko ang pagiging cold niya saakin.

Tinatanong ko ang sarili ko kong bakit hindi na ako nasanay sa kanya.

In the first place ay hindi nga naman talaga kami kaibigan,

Anu nga ba kami?

Apektado ako sa kanya pero siya wala siyang pakialam.

Pinagmasdan ko lang siya habang nakasanda siya sa ducati monster niya at ako ay nasa loob ko na ng kotse ko.

Papunta kaming UG ngunit diko pa magawang paandarin ang sasakyan ko dahil pinagmamasdan ko siya.

Nahihibang na nga talaga ako dahil hinahanap siya ng sistema ko.

Napailing nalang ako kasabay nun ang pagstart ng engine ng kotse ko.

Nandun na sila Marco at Patrick halos 15minutes na ang nakalipas.

Pagdating ko doon ay naglalaro na sila.

Wala akong gana.

Ilang araw na.

Walang ganang kumain.

Walang ganang mag aral.

Walang gana sa lahat ng bagay.

Gusto ko ng sapakin ang sarili.

Bakit ganito ang nararamdaman ko?


"Anu bro? Tunganga nalang? Dika maglalaro?"

Umiling lang ako at naupo sa mataas na stall.


"Tsk tsk bro malala kana. Ilang araw kanang ganyan. May sakit kaba?"

Sana nga may sakit nalang ako para yun nalang ang dahilan ng pagiging ganito ko.


"Wala. Tinatamad lang ako."

"Ilang araw ko ng naririnig sayo yan." Inobserbahan nila ako.


"Bakit hindi kayo nagpapansinan ni Kathryn?"

Biglang tanong ni Patrick. Iniwas ko ang paningin ko.

Maya maya ay sumigaw si marco ng 'woah' kaya napatingin ako sa kanya.

"Don't tell me nagkakaganyan ka dahil kay kathryn?" Nanunuyang sambit niya saakin. Napalunok ako. Hindi! Hindi pwedeng malaman nila ang dahilan.


THE BAD AND THE BEAUTIFULTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon