#TBATBPagsuko

3.4K 111 16
                                    






Daniel POV

Alas nuebe pasado nang umuwi ako sa bahay. Nagpalamig lang ako ng ulo. O nag-isip isip!

Napasinghap ako ng maalala ko na naman kong anu ang naging desisyon ko.

Hindi ko na talaga kaya, habang nakikita ko silang magkasama palagi lang akong masasaktan, at kong hindi niya ako kayang mahalin talaga mas mabuti nalang na sumuko na.

Sumusuko ako hindi dahil sa ayaw ko na, sumusuko ako dahil prinoprotektahan ko lang ang puso ko.

Maaaring magkatotoo ang sinasabi nila Pat. At hindi ko yun kakayanin kong sakanya mismo mangagaling.

Hindi ko na naman mapigilang mapaluha, iniisip ko palang kong anu ang halaga ko sa kanya ay naluluha na ako.

Kong mahalaga nga talaga ako sa kanya hahanapin niya ako pero wala akong nakitang pag aalala sa kanya.

Kanina sinabi ko sa sarili ko, kahit isang text lang mula sa kanya magiging okey na ako.

Kahit 'sorry' lang tatanggapin ko.

Habang tumatakbo ang oras nawawala lahat ng pag asa ko.

Siguro nga, ako ang pinipili niya pero si james ang mahal niya.

Anu ang laban ko?

Masakit lang tanggapin na hindi ko siya pinaglaban, natatakot kasi ako e! Natatakot ako na kapag pinaglaban ko siya wala naman talaga akong pinaglalaban, dahil umpisa palang talo na ako.


Pinunasan ko ang luha ko ng marinig ko ang pagbukas ng pinto ng kwarto ko.


"Baby, hindi kapa daw kumakain?" Hindi ako nagsalita. Yinakap ko lang si mommy, the moment that i hugged her makes me cry harder. Halos humikbi na ako.

Hindi nagsalita si mommy, hinahaplos niya lang ang likod ko. "M-Mommy, ang sakit sakit ng puso ko." Nahikbi kong sabi kay Mommy. "Parang tinutusok ng karayom yong puso ko My, nasasaktan po ako." Patuloy parin ako sa pag iyak. "My, hindi ko na kayang magpanggap..." Napasinghot ako. "Mahal na mahal ko po siya pero hindi niya ako mahal at nahihirapan po akong magpanggap na hindi ako nasasaktan dahil ang totoo ay dinudurog ang puso ko." Mas lalo lang ako nasasaktan sa mga sinasabi ko. Kasi nararamdaman ko na naririnig ko pa. Pero yun ang totoo. Hindi niya ako mahal at kahit kailan hinding hindi niya ako mamahalin dahil hindi ako si James.

Si james na nakasama niya sa napakatagal na panahon,

Si james na naging boyfriend niya.

Si james na iniintindi at tanggap siya kong sino siya.

Si james na sweet at ginagawa ang lahat sa para sa kanya.

Si james na nagmamay ari ng puso niya.

Na kahit kailan hindi magiging akin dahil hindi ako si James.



"My, sumusuko na po ako." Kumalas ako sa yakap ni mommy pero yumuko ako. Ayokong ipakita sa kanya ang hitsura ko. Halos masugat na ang labi ko sa pagkagat ko para lang mapigilan ang luha ko.

"Kasi kahit anong gawin ko, hindi naman niya ako mamahalin e. Kasi may mahal siyang iba." Pumupiyok na sabi ko.



"Baby..." Hinawakan ni mommy ang kamay ko. "Sigurado kaba sa sinasabi mo? Baka nagkakamali kalang. Kasi kong hindi ka niya mahal bakit siya magbibigay ng importansya sayo? Palagi siyang nandito para sayo, masaya siya kapag nakikita ka niyang masaya, ginagawa niya lahat ng nagpapasaya sayo. Daniel anak, tingin mo ba papayag siyang maging girlfriend mo kong wala siyang gusto sayo? Ibang babae si kathryn anak, at sa ugali niya hindi siya papayag na basta basta nalang maging girlfriend mo. Sinabi niya ba sayo kong bakit siya pumayag?" Tumango ako.


THE BAD AND THE BEAUTIFULTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon