"Dindin?""Ate?"
"Paano kayo nagkakilala ni Kathryn? Nakita ko rin kayo nong party na magkasama. Why? Girlfriend mo na ba siya?"
Binitawan ko muna ang librong binabasa ko. Nagrereview ako dahil bukas papasok na ako.
"Hindi ate! Kaklase ko siya."
Napatitig saakin si ate. Kaya kumunot ang noo ko.
"Bro, iwasan mo siya. Hindi siya makabubuti sayo."
Tumaas ang kilay ko. " bakit? Kilala mo ba siya?"
Nag-iwas siya ng tingin. "Delikado siya para sayo."
"Bakit? Dahil isa siyang gangster ate?"
Napatingin siyang muli saakin. "S-Sinabi niya sayo?"
Tumango ako. "Kagabi lang. At hindi siya delikado para saakin dahil siya yong nagliligtas saakin. Baka kong hindi dahil sa kanya napatay na ako nung gabing nag-inom kami nila Marco sa UG."
Hindi ko siya maintindihan kong bakit ayaw niya kay kathryn. Tsk!
"Bakit ate? Anu bang meron sa inyong dalawa? O anu bang meron sa kanya? Bakit para galit na galit ka sa kanya?"
Naalala ko pa kagabi kong paano niya titigan ng masama si kathryn, at yong mga mata niya ay parang galit na galit at para bang masama ang titig niya kay babaeng tomboy.
"Basta layuan mo nalang siya."
Hindi mo na kailangan sabihin yun. Dahil kusa na akong lalayo sa kanya. Tama nga si Kathryn, kailangan ko ng lumayo hanggat dipa lumalala ang nararamdaman ko. Hanggang hindi ko pa siya mahal.
"Hindi ko siya lalayuan dahil lang sa sinabi mo."
Kinuha kong muli ang libro ko at nagbasang muli. Nasa harapan ko pa siya alam ko.
"Din, makinig ka saakin. Nadine, is my bestfriend---"
Napaangat ang tingin ko sa kanya.
"W-What?"
"Yeah. Bestfriend ko si Nadine since bata pa kami. Schoolmate ko silang dalawa since highschool. At kilalang kilala ko na siya, masama siyang tao. Kitang kita ko kong paano saktan ni kathryn si Nadine noon, hindi lang si nadine pati ang mga kaklase namin noon. Isa siyang siga, walang alam kundi manakit ng iba."
Hindi ako naniniwala.
Pasensya na ate.
Oo nananakit si kathryn pero sa mga taong may kasalanan lang.
Kapatid kita pero this time hindi kita paniniwalaan.
At isa pa alam ko na ang totoo.
Inggit si nadine kay babaeng tomboy, baka nga sinisiraan lang niya si babaeng tomboy sayo.
"Let's not talk about it ate."
"Sana lang bro, mali ang nakikita ko sa mga mata mo. Dahil kong hindi, masasaktan kalang. Believe me bro, masasaktan kalang."
Too late ate! Nasasaktan na ako!
Buong maghapon lang ako nasa kwarto. Wala akong ganang lumabas. Kahit ang bumaba manlang. Buti nalang at kasama ni dad si mom at hindi ako kukulitin ni mom.
BINABASA MO ANG
THE BAD AND THE BEAUTIFUL
FanfictionKathryn Bernardo Daniel Padilla James Reid Nadine Lutre