Smile. Laugh. Love?

3.9K 107 10
                                    



Hi GESHEL this chap is for you, ito na hindi na kita bibitinin haha. Follow niyo siya guys :)

Sana may GC tayo no? Team Piggies hhehe

Anyways thanks for reading :)




•••



Daniel POV


It was just a dare. A dare. Damn a dare.

Akala ko kinanta niya yun for me, hindi pala.

Akala ko kumanta siya sa harap ng maraming tao para saakin hindi pala.

Dahil lang pala sa laro nila.

Pinakanta siya nina Arisse dahil sa dare nila.

Nakakapanghina. Bakit parang napahiya ako. Tsk

Umiling iling ako saka ko ininom ang laman ng red cup ko.

"Bro tara punta tayo sa kanila. Nasa likod pala sila ng stage." Tapik saakin ni Marco. Nauna silang maglakad at sumunod lang ako sa kanila.

Nagbago na ang kanta at naging wild music na, kaya nang madatnan namin ang GTrends nagsasayawan na.

Meron pa silang malaking lamesa na maraming pagkain. Psh! What do you expect? Kasama nila ang heiress ng Bernardo malamang aasikasuhin talaga sila.


"They're here." Sigaw nong kamember nila. Lahat sila tumingin saamin except kay baba na nagpop lang ng yosi.


"Uyyy ang daming foods." Sabay lapit ni Marco sa lamesa at lumantak sa pagkain.

Ako kahit galit ako, pinili ko paring lumapit sa kanya. "Hi Ba." Simpleng bati ko sa kanya. Tiningnan niya ako at tinaasan ng kilay.

"Problema mo?" Kunot noong tanong niya. Umiling lang ako at tumabi sa kanya.

Yong tingin ko nasa GTrends at sa mga kaibigan kong nag eenjoy na. Nagsasayawan, nagtatawanan. Nakikitawa din ako sa kanila.

Hindi nakaligtas saakin ang nakakatunaw titig ni Baba saakin. Para bang inoobserbahan niya ako.

Sa lakas ng buntong hininga niya ay umabot pa saakin ang hangin.

Pinitik niya ng mahina ang tenga ko kaya nilingon ko siya. "Anu na naman?" Sabi niya na para bang sigurado siyang may problema talaga.

Ininom ko yong beer bago ako magsalita. "Nagtatampo ako Baba." Nakanguso kong sabi sa kanya.

"Bakit na naman?"


"Kasi akala ko para saakin yong kanta na yun."


"Para sayo naman talaga."


"Psh wag kanang magsinungaling. Para sa dare yun."


"Alam mo ikaw? Lahat binibigyan mo ng meaning. Mahilig kang magconclude, kapag nadisappoint ka malulungkot ka. Tss"



"Kasi naman kailangan nakatingin kapa saakin. Nag assume tuloy ako na para saakin yun." Nakanguso kong sabi sa kanya.

Umiling siya. "Para kang bata. Tss gusto mo lang talagang kantahan kita." Sabi niya. Oo gusto ko, pero ayoko yong napipilitan lang siya. Ngumiti siya. "Sayaw ka muna pottie." Kayabangan neto oh! Porket magaling siyang sumayaw, kumanta, lahat lahat na e makahamon siya saakin. Tss "ewan ko sayo, ang yabang mo."


THE BAD AND THE BEAUTIFULTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon