Kath POVHmmmm! Ang sarap naman yakapin nang unan na to. Ang haba, ang bango bango pa tapos matigas?!
Kakaibang unan to ha! Psh! Bahala na, basta komportable akong yakapin ang unan na to. Mas lalo pa akong sumiksik.
*sniff sniff*
Ang bango bango talaga e.
Anong oras naba?! Nag aalburuto na ang tiyan ko.
Dumilat ako para tingnan sana ang oras pero iba ang nakita ko.
Si Danyel?
Si Danyel?
Kyaaaaahhhh si Danyel pala ang yakap yakap ko. Bakit? Paano nangyari? Nasaan ba kami?
Dahan dahan kong tinanggal yong kamay ko, pero hinawakan niya. "Wag mo ng tanggalin, ngayon kapa nahiya." Ang husky ng boses niya. Halatang bagong gising din.
"A-Anong ginagawa mo dito? Bakit nasa tabi kita? Anong pinapalano mo? Naku Danyel ha, pinagnanasaan mo ba ako?" Pabirong tanong ko sa kanya.
Kinuha ko ang kamay ko na nakalagay parin sa tiyan niya. At umupo ako!
"Pinagnanasaan? Ikaw nga tong kanina pa amoy ng amoy saakin. Sinisiksik mo pa ang mukha mo sa kili kili ko." Nakangising sabi niya.
Napanganga ako sa sinabi niya. "Woah! Malay ko bang ikaw pala yun, akala ko unan e. Tska bat kaba kasi nandito? At teka paano ako napunta dito? Bat tayo nasa isla?" Oo ngayon ko lang napansin na nasa isla pala kami. At nandito kami sa kwarto ko. Putek!
Hindi niya ako sinagot. Tumayo siya at nag stretching. "Inaantok pa ako. Storbo ka talaga."
"Wow! Sorry naman Ser! Kasuhan kaya kita ng rapist?"
"Ako kakasuhan mo ng rapist?" Tinuro niya ang mukha niya. "Itong mukhang to? Mukhang rapist?"
Napalunok ako. Ang gwapo niya ^___^ "O-Oo wala ng pinipili ang hitsura ngayon no. Pati gwapo rapist na din."
"So gwapo ako?" Panunukso niya saakin.
"Hindi panget ka! Mas gwapo pa sayo si Ely."
Kumunot ang noo niya. "Sinong Ely naman yun?"
"Bakit mo tinatanong?" Masungit na tanong ko sa kanya.
Hindi na siya nagsalita. Hinayaan ko na. Kinuha ko yong bag ko at kinalkal yong laman. Hinanap ko ang cellphone ko. Paniguradong naghihintay na saakin si Enrique.
Diko mahanap, kaya tinanong ko si Daniel. "Psst yong cellphone ko?"
"Iwan ko."
Sigurado akong tinago ni Arisse yun. At sigurado akong nakaplano na to.
"Pwedeng patawag?" Tinaasan niya ako ng kilay. "Sige na, baka naghihintay na saakin si Enrique."
"Mukhang nag aalala ka sa taong yun na ilang oras palang naghihintay sayo, samantalang yong iba, taon yong hinintay wala kang pakialam sa nararamdaman niya."
"Uyy hugot yun ah hehe." Natamaan ako sa sinabi niya pero hindi ko sineryoso. Hindi pa ito ang oras para pag usapan yan. At isa pa, wala na naman dapat pag-usapan diba? May girlfriend na siya at ayokong guluhin ang buhay niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/80507917-288-k982063.jpg)
BINABASA MO ANG
THE BAD AND THE BEAUTIFUL
FanfictionKathryn Bernardo Daniel Padilla James Reid Nadine Lutre