Magulo

4K 103 8
                                    





"We won. Pano ba yan bok?" Mayabang na sabi niya. Ngunit tinawana lang siya ni coach.

"Hahaha chandria, pwede mo akong bugbugin pero hindi mo ako maloloko. Alam kong bago kapa umo-o ay papayag kana talagang maglaro. Gusto mo lang ipakita ang yabang mo." Nakangising sambit ni coach sa kanya.

Nagkibit balikat lang siya at pumwesto sa gitna ng court.

"Wala akong balak sumali." Sabi niya sabay dribble ng bola. "Pero mas maganda ang kapalit na makukuha ko, kaya im in," sabay shoot ng bola.

Mayabang talaga. Lahat ng teammates ko humahanga sa kanya. Karamihan ay nagtanong kong anu pang kaya niyang gawin. Sus, paglutuin niyo hindi tan marunong. Bukod dun? Wala na. Mayabang nga diba? Kapag nagyabang ka ay kailangan magaling ka sa lahat.


"I know." Simpleng sabi ni coach.

"Hindi ako sasali sa training. Its boring at maingay." Napatingin siya doon sa mga babaeng nakaupo sa bleachers at mukhang magta-try out. "Gusto kong pumili lang kayo ng lima sa kanila." Turo niya. Napalunok ang mga babae. Sa dami nila. Halos nasa isang daan ata ang gustong magtry outs tapos gusto niyang lima lang ang mapipili. "Ayoko ng maingay. Ayoko ng maarte. At ayoko sa lampa. Kahit pumili lang kayo ng malakas at mabilis tumakbo. Sure win na ang BMU."



After niyang magsalita ay nilapitan na niya ang gamit niya. Sinuot niyang muli ang hoody niya at nagsindi ng yosi. Prente siyang naupo.

"Go move. Patakbohan niyo lang sila na may hawak na bola." Mukhang manunuod siya.

Naiiling si coach sa kanya.

Pero mukha ring walang magawa.

Parang ang tagal na nilang magkakilalang dalawa. Kaya nga siyang biruin ni coach ng hindi aiya nagagalit e.

Inutusan ni coach ang ibang players na kumuha ng maraming bola. Sampu sampu lang daw muna dahil hindi naman aabot ng isang daan ang bola ng university.

Naupo kami nila coach sa bleacher medyo malayo kay babaeng tomboy.

Busy na siya ngayon kakayosi at kakacellphone. Madalang ko lang siyang makitang nagcecellphone. Actually nakakapanibago nga e. Para bang importante ang katext niya dahil sa ekspresyon ng mukha niya.

But still siya parin ang pinaka magandang tomboy na nakilala ko. ^___^


"Coach, magkakilala na kayo ni Kathryn dati pa?" Sabi na e. Hindi makakatiis tong si marco sa pagtatanong e.

"Oo. Sumasama yan dati sa varsity. Sa highschool kasi ako naka-assign dati at meron siyang bestfriend na varsity ng SAU actually yun ang captainball ng SAU. Kong nasaan yun nandun siya. Balita nga nila noon magjowa ang dalawang yun dahil sa sweetness nong dalawa kaya lang sila na ang nagsasabi na hindi daw. So anyway, yong batang yun ang nagturo kay chandria na maglaro ng bball. Diko alam na magaling na siya ngayon. I mean dati marunong na siya, pero mas gumaling talaga siya ngayon."



Bat ganun?

Sa SAU din kasi ako nag aral nong highschool ngunit diko naman siya nakikita?
Sabihin na natin na ahead siya saakin ng two years pero dapat makikita ko parin siya.
Tsk sabagay magkaiba ang building ng bawat year levels. Kami nga ni ate ay hindi rin nagkikita noon e.

Pero yong sinabi ni coach na captainball ng SAU? E lalaki yun tapos sweet sila? Pwede bang magkagusto ang isang tomboy sa isang lalaki? Psh! Imposible yun! Ako nga ang gwapo gwapo ko na hindi manlang tinablan sa kamandag ko hahaha



Naiinip na nanunuod si babaeng tomboy sa mga babaeng tumatakbo. At mukhang iritang irita siya. Sino ba naman kasing hindi maiirita sa mga babaeng to. Ang aarte tumakbo. Yong iba naka heels pa. Yong iba tawanan ng tawanan. Naghaharutan. Mga kinikilig.

THE BAD AND THE BEAUTIFULTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon