Daniel POV
Hindi ko alam kong bakit nandito parin ako. Sobra sobra na tong sakit na nararamdaman ko!
The fact na tumutulong ako para sa kasal ng taong mahal ko, kalabisan na hindi ba?
Pero wala e. At least sa pamamagitan neto nakakasama ko siya. Nagbabago narin ang trato niya saakin.
Kong minsan pa ay nakikisakay siya sa mga trip ko!
Ang samang pakinggan! Trip! Badtrip!
Katatapos ko lang isukat ang isusuot. ang ganda sana ng isusuot ko!
Really Daniel! Aattend ka talaga sa kasal nila?!
"Excited na talaga ako sa kasal mo Kathy." Mukha ngang excited ka A.
"Haha ako rin." Masayang tugon ni Kathryn.
Oo na masaya kana ako na ang hindi.
"Ang ganda ng gown mo Kath, super!" Komento ni Miles.
"Kailangan maganda. Isang beses lang naman tayo ikakasal diba?" Nakangiting sabi niya.
"sa tingin ko dalawang beses kang ikakasal. Kasi kahit ikasal ka kay Enrique gagawa ako ng paraan para maghiwalay kayo."
"At anu naman ang gagawin mo Daniel?"
"Aakitin kita." Sabay kindat ko sa kanya. Nagkibit balikat lang siya.
"Tangna brad, diko maimagine yang sinasabi mong aakitin mo si kath." Natatawang sabi ni marco.
"Gagu! Diko din maimagine kaya makisakay ka nalang." Natatawa kong sabi.
"But seriously kath, hindi kami makapaniwala na ikakasal ka agad. Biglaan lang kasi, hindi lang pala yong sa sportfest ang dahilan ng pag uwi mo dito."
"Wala eh. Mahal ko." Simpleng sagot niya ngunit nayanig ang sistema ko.
Nasasaktan ako! Naiiyak ako! Nanginginig ang kalamnan ko!
"Kelan ba uuwi si Hugo? Nextweek na ang kasal mo wala pa siya."
"The day before the wedding. Hindi mawawala yun. Yun nga ang pinaka masayang tao nong sinabi ko sa kanya na ikakasal na ako. May inaasikaso lang siya doon, at isa pa hindi na siya babalik ng spain. Alam niyo na, tumatanda na."
"Hahaha true! Buti at hindi na nahilig sa sugal si Hugo."
"Hindi na. Noong sinabi ko sa kanya na ititigil ko na ang bisyo ko dahil sa isang tao, natuwa siya at nakigaya. Kaya ayon matagal na siyang hindi nagsusugal. Healthy living nadaw siya ngayon."
Dahil sa isang tao! Ako yun. Doon sure ako na ako ang tinutukoy niya.
Sayang lang...
Huli na ata ang lahat para saamin.
♡♡♡
"Ilang bahay paba ang pupuntahan natin? Kanina pa tayo paikot ikot sa san andres." Tanong ko sa kanya.
Natawa siya sa hitsura ko. Haggard na ako. Buong araw kaming nagpaikot ikot sa san andres para lang mamigay ng invitation sa mga guest nila. Binibigyan niya ako ng invitation diko nga tinanggap! Insulto na yun sa pagkatao ko! At isa pa baka sunugin ko lang yon.
"Haha last na yun ikaw naman. Tara coffee shop tayo." Inakbayan niya ako hanggang sa makalapit kami sa kotse.
Sa tapat ng BMU ang coffee shop na gusto niya. Kaya doon kami nagpunta.
BINABASA MO ANG
THE BAD AND THE BEAUTIFUL
FanficKathryn Bernardo Daniel Padilla James Reid Nadine Lutre