Mga sumunod na araw ay nagiging masaya na masakit talaga. Kasi ngayon mas nagiging vocal na saakin si Baba. Sinasabi niya saakin na pupuntahan o kasama niya yong James. Tuwing malalaman ko yun di maiwasan kumirot ang puso ko. Kasi iniimagine ko kong anu ang ginagawa nilang dalawa. Kong anong pinagkakaabalahan nila. Kong sweet din ba si Baba sa kanya. At sa totoo lang nakakapraning, kasi parang hinahati niya ang oras niya saaming dalawa ni James. Masakit makihati, pero inaasure naman ni Baba na wala akong dapat ipangamba."Bro, pano nga ulit to?" Tanong saakin ni Pat. Nagrereview kami ngayon para sa exam namin kinabukasan. Kasi nextweek na ang inter school competation.
"Hindi ko nga alam yan. Si Baba lang natututo saakin niyan." At wala siya dahil tinawagan siya nong james na yun. Paepal sa lovelife ko.
"Asan ba kasi si Kathryn? Tsk dapat nandito siya para turuan tayo." Maktol ni marco. Siya pa ang nagmamaktol samantalang ito ang boyfriend walang magawa.
"Sus, ako nalang magtuturo sa inyo. Nandoon yun sa kabit niya." Sabay tawa ng malakas pati sina Miles, marco at pat natawa din.
"Ayos! Sayo sa umaga, kay tisoy sa gabi? Lugi ka ata dun brader, mas mahaba nga oras niyo nasa klase naman kayo" sabay akbay saakin ni marco.
"Hindi rin. E halos doon na tumira yong kuting na yun sa bahay nila danyel e." Pangbubuko ni Arisse. Hehe tama' kasi halos doon na natutulog si baba sa bahay.
Tinignan ako ng nakakaloko ni marco at patrick. Tinaasan ko sila ng kilay. "Psh! Anu naman ngayon? Natutulog lang naman kami." Depensa ko kahit wala pa naman silang sinasabi.
"Defensive ka bro wala naman kaming sinasabi." Natatawang sabi ni marco.
Naiiling nalang ako. Peste! Di ako makapag concentrate sa inaaral ko. May wala nga akong natutunan.
Nagsimula ng magturo si Arisse kina Pat at Marco, matalino din naman kasi tong si Arisse mas matalino lang talaga ang baba ko.
"Aish! Kasi bakit ngayon pa umepal ang tisoy na!" Nagmamaktol na sabi ko kaya napatigil sila.
"Kasi boyfriend kana dapat dimo hinahayaang magkalapit pa sila sa isa't isa. Ewan ko ba sayo daniel masyado kang martyr! Yang kamartyran mo ang magpapahirap sayo." Sermon saakin ni arisse. Tsk nahihirapan na ako no. Kailangan ko lang talagang intindihin si baba. Mahirap din itong sitwasyon niya.
"O-Okey lang naman saakin."
"Okey? E kanina kapa nakabusangot! Hala tawagan mo na! Hindi na bata yong James na yun para kailanganin ang alaga ni kuting. Saka na kapag baldado na siya." Inis na sabi ni arisse. Para tuloy akong bata neto na pinapagalitan niya.
Gaya ng sinabi ni A. Tinawagan ko si baba pero hindi sinasagot. Siguro nakalimang miss call ako bago ako tumigil.
Napabuntong hininga ako. "Hindi sinasagot." Nanghihina kong sabi. Nangingilid na naman ang luha ko kaya nag excuse ako. Nagpunta ako sa cr paa maghilamos.
Tss daniel kayanin mo! Ginusto mo yan diba?!
Ikaw ang gusto niya.
Ikaw ang pinipili niya kaya kalma kalang.
Woahhh kaya mo yan.
"Yong sugat pag binuhusan ng alcohol, mahapdi ,masakit, makirot! Hula ko! Ganyan ang nararamdaman mo ngayon no?" Biglang sulpot ni Arisse. "Tiisin mo hanggang mamanhid ka. Dahil sa mga oras na to yun lang ang pwedw mong gawin wag lang siyang mawala." Naiiling siya. "Kong talagang mahal mo siya, wag mong ipakita sa kanya na apektado ka at nasasaktan ka! Dahil kahit gaano kapa niya kagusto kapag nakita ka niyang nahihirapan at nasasaktan, mas pipiliin niya layuan ka kesa ang magdusa ka sa piling niya."
BINABASA MO ANG
THE BAD AND THE BEAUTIFUL
FanfictionKathryn Bernardo Daniel Padilla James Reid Nadine Lutre