Kath POV"A, give me back my phone. Tatawagan ko si Enrique."
"No kathy, nasa bakasyon tayo."
"A, ngayon lang naghihintay yong tao."
"A. Yo. Ko. Tawagin mo nalang si Daniel para kumain na tayo. Nasa labas na si Pat nag iihaw ng barbeque."
Napailing ako. Ang tigas talaga neto! Tsk
"Ikaw ang tumawag sa kanya." Inis na sabi ko.
Umakyat ako sa taas good thing ay wala siya sa kwarto. Nagbihis lang ako at kinuha ko ang wallet ko.
Hindi napansin ni A ang paglabas ko dahil sa likod ako dumaan.
Makikitawag ako kung ayaw niyong ibalik ang cellphone ko.
Maliit lang na isla ang Soong, at kapansin pansin na puro talaga mahihirap ang nakatira dito dahil sa puro kubo lang ang bahay dito.
Pero kahit papano naman no, may cellphone naman ang mga tao dito, wala na atang tao ang walang cellphone sa panahon ngayon.
Kina Tatay Douglas ako nagpunta ang caretaker ng Resthouse ko.
"Tao po. Tay Douglas?" Good thing ay lumabas din ang anak nilang si Odesa.
"Ayy Mam ikaw pala yan. Pasok po kayo." Si ang nag iisang anak nila tay douglas. Mas matanda lang ako sa kanya ng isang tao.
"Odesa, diba may cellphone ka? Patawag naman." Nakita kong nagkamot siya sa batok niya. "Meron mam pero wala akong load. Hehe"
"Ahh paloadan natin."
"Ako nalang po Mam, wait lang po kunin ko lang yong cellphone ko." Tumango naman ako.
Naglabas ako ng pera para pagdating ni odesa ay maabot ko sa kanya.
Tamang tama naman na lumabas ang mag-asawa. "Magandang gabi po, Tay Nay. Makikitawag lang sana ako kay odesa."
"Ganun ba Mam? Pasok kayo Mam, naglaga ang asawa ko ng kamoteng kahoy."
"Sige po." Sumunod ako sa kanila. Nakasalubong namin si Odesa kaya inabot ko na sa kanya ang pera. "Ito po Mam, abangan niyo nalang po yong load, wait lang po." Tumango ako at ngumiti.
"Tinawagan ako ng kaibigan niyo kanina Mam, ang sabi nga daw e pupunta daw kayo ngayon, kaya natuwa naman kami netong asawa ko. Sa wakas po ay nakita na namin kayo. Ang papa niyo po madalas din pong bumisita diyan kaya lang po ay uwian lang. Tinitingnan niya lang kung inaalagaan bang mabuti ang resthouse niyo." Si Daddy talaga. Sa sobrang busy niya nagagawa niya pang tingnan itong resthouse ko. Tsk!
Di narin nagtagal ay dumating na yong load na hinihintay ko. Tinawagan ko agad si Quen. Buti nalang at tumawag ako sa kanya, dahil nag aalala na daw siya saakin, muntik na siyang bumyahe papuntang san andres sa sobang pag-aalala niya. Tsk!
Pagkatapos kong tumawag kay Quen ay hindi muna ako umuwi. Nagstay pa ako kina Tatay Douglas, doon narin ako naghaponan, masaya silang kakwentuhan. Hirap na hirap sila sa buhay pero kahit kailan hindi mo nakitaan ng kalungkutan. Palagi silang nakangiti. Sayang lang at hindi ko nadala ang camera ko para kunan sila ng litrato.
"Aalis na po ako, baka hinahanap na ako ng mga kaibigan ko."
"Kung ganun, e sige po. Kung wala po kayong gagawin bukas pwede po kayong sumama saamin sa Patag, baka gusto niyo kumain ng buko at mamitas ng mga gulay."
BINABASA MO ANG
THE BAD AND THE BEAUTIFUL
FanfictionKathryn Bernardo Daniel Padilla James Reid Nadine Lutre