I love you

3.7K 93 16
                                    




@DarkKnightxD thank you for supporting my story :)

Tama ba Username mo? Haha


•••


Daniel POV

Last day ng interschool kaya kailangan maaga kaming pumunta sa school. Ittext ko palang sana si baba pero naunahan na niya ako,


From: Baba Love💙
Hey, dumerecho kana sa school
wag kanang dumaan sa bahay.



Yun ang text niya saakin.


To: Baba Love💙
Yes Ba, i love you :)


Napangiti pa ako habang sini-send yong text ko.

Nagpatuloy na ako sa pag-aayos. Lahat ng kailangan ko pinasok ko na sa sports bag ko.

Pagbaba nasa dinning na sila Mommy pati si lola,

Hanggang ngayon natatakot parin ako kay lola kahit na medyo bumait na siya saakin dahil sa matataas ang grades ko.

Hanggang ngayon palaisipan parin saakin kong bakit ako nakakuha ng matataas na grades samantalang wala akong may naisagot sa mga exams ko.

Dahil ba perfect attendance ako?

Hindi rin. Kasi mas mataas ang points sa recitation at exams which is alam kong mababa ako dun.

Nagtataka din ako kay Baba. Puro dos siya? E samantalang siya lang halos mag recite sa room namin. Tas yong exam, e siya palagi ang nauunang magpasa tapos dos?

Baka dahil sa mga absences niya.

"Maupo kana Daniel. Balita ko ay champion na kayo. Kailangan niyo lang maglaro for formality." Saad ni Dad.

Tumango ako. "Yes Dad, nakuha po namin ang lahat. Women Basketball, Volleyball, Billard at yong iba pang games."


"That. I can't believe na magaling maglaro ng basketball si kathryn."


"Opo. Magaling po talaga siya. And siya rin po ang champion sa billard."


Umiling iling si Dad. "She's one of a kind." Naiiling na sabi ni Dad. Yeah dad, she's one of a kind. :)


"Magaling siya sa sports pero hindi sa academics." Biglang singit ni Lola.


"Hindi totoo yan Ma. Nong nakaraan, inimbitahan namin siya for dinner lahat ng tanong ko about engineering ay nasasagot niya."


"Alam ko. Dahil nasubukan ko narin ang talino niya. What i mean is wala siyang hilig sa pag aaral. Hindi porket nasa kanya na ang lahat ay pababayaan niya ang pag aaral. Mas maganda parin na meron kang diplomang hawak."


"I don't she needs that. Kasi kung ako ang tatanungin, mas gugustuhin ko ang madiskarte kesa sa matalino. Aanhin mo ang talino kong hindi ka marunong dumiskarte? And in Kathryn's case, nasa kanya na ang dalawang yan."

Natahimik si Lola. Gusto kong magthank you kay daddy sa pagtatanggol niya kay kathryn pero baka mapagalitan ako ni lola. Mamaya nalang. Haha

"Manunuod kami ng laban ni kathryn Daniel, text mo ako kung anong oras." Sabi ni dad. Tumango naman ako. Nakalimutan ko kung anong oras eh. Hehehe

Nagpaalam nadin ako sa kanila at nagpunta ng school. Mas doble ang ang tao ngayon sa school may pa-beer fest daw kasi si hugo. Kaya pala may malaking truck ng beer sa quadrangle. Ang ingay din ng tugtog.

THE BAD AND THE BEAUTIFULTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon