Kailan naging tama ang hinala?

2.9K 79 14
                                    




Nahahabaan ako sa story na to baka mamaya mabored na kayo hehehe.

Salamat little piggies for reading The Bad And the Beautiful.





Daniel POV


Tawagin niyo na akong duwag pero hindi ko kaya yong sakit na nararamdaman ko. Ayoko yong nakikita ko na nga maririnig ko pa.

Gaya ng sinasabi ko mas mabuti pang patayin niyo na lang ako kesa ang marinig ko pa ang totoo.

Oo hindi ako nagpakita sa kanya dahil mukhang hindi naman niya ako kailangan.

Mukhang may date sila doon dahil sa table na naset up at talagang pinapunta lang niya ako para magising ako sa realidad na hindi niya ako kailanman matotohang mahalin.


Saktong pagdating ko sa bahay ay pagbuhos ng ulan.

Nakiluksa pa saakin. Nakiayon ang panahon.

Ramdam niyo ba? Kong gaano ako nasasakan?


Ako hindi ko na maramdaman sa sobrang sakit parang namanhid na ako. Ni wala na ngang luha na lumalabas sa mata ko.

Nakatulugan ko na ang pag-iisip ko at pagtatanong sa sarili ko kong may mali ba akong nagawa.


Buong araw ng sabado at linggo ay hindi ako lumabas ng kwarto ko. Wala sila Mommy at daddy dahil nasa Manila para sa project ni Daddy.

Si Ate ay busy sa internship niya.

Si lola, umalis na.

Kaya walang nangungulit saakin para pakainin o palabasin ako sa bahay.

At yong masakit? Sa loob ng dalawang araw hindi niya ako kinontak o pinuntahan manlang.

Pinatunayan niya lang na totoo ang nakita ko.

Dumating ang araw ng lunes. Tamad na tamad akong bumangon para pumasok.

Pero pinilit ko ang sarili ko. Tanga na kong tanga pero gusto ko siyang makita.


Nagpaalam lang ako kay Manang at umalis din ako agad. Pinipigilan niya pa ako pero hindi ko na siya nilingon.

Pagdating ko sa school, wala pa siya. Wala pa si Speed o si Ruby.

Nakasalubong ko ang prof namin. "Daniel buti nakasalubong pwede bang kunin mo yong textbook na gagamitin natin? Naiwan ko kasi sa table ko."


"Sige po Miss."


"Thanks Daniel."

Nginitian ko lang si Miss at pumunta na sa office nila.

Kumatok pa ako bago ko buksan ang pinto. Puro students assistant nalang yong nandito.

Hindi naman ako nahirapan hanapin ang cubile ni Miss dahil may nakasulat naman na pangalan.

"Hi, im Daniel. Ahm pinapakuha niya yong text book na gagamitin namin." Sabi ko dun sa assistant ni Miss. Nagchecheck siya ng exam i guess kasi yun ang answer boklet namin.


"Ikaw pala yong Daniel, perfect mo yong exam ni Miss ang talino mo ha. Ang hirap ng chemistry pero na perfect mo." Nakangiti niyang sabi saakin.

Kumunot ang noo ko. Sa pagkakaalala ko marami akong blangko nong exam. "T-Talaga?" Takang tanong ko.


Tumango siya at hinanap ang boklet ko. "Ito oh." Inabot niya saakin ang boklet ko na hindi akin. Sigurado ako dahil hindi yun ang sulat kamay ko. Hindi ganun kaganda ang sulat kamay ko. Ito magandang maganda. "Ahh Miss, pwede bang makita ko rin yong kay Kathryn?"


THE BAD AND THE BEAUTIFULTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon