why can't be me?

4.1K 102 15
                                    


Hi guys, gusto ko lang magpasalamat sa mga readers kong nagtitiwala saakin, sobrang nakakataba ng bluheart ang mga sinasabi niyo.

Gagalingan ko guys para sa inyo :))

Salamat 🐽

Daniel POV

"Hey, what are you doing?" Mahinang bulong ko sa kanya.

Hindi siya nakikinig sa sinasabi ng taong nasa harapan.

"Its borin----" tinakpan ko ang bibig niya ng mapatingin saamin ang mga katabi namin.

"Wag ka ngang maingay. Nakakahiya sa mga nakakarinig." Bulong ko sa kanya.

She remove my hand. "Ayoko na. Lahat naman ng sinasabi diyan alam ko na."

Wow, ito na ata ulit ang unang beses na narinig ko ang pagkamayabang niya.

Tumayo siya. "Saan kana naman pupunta?" Mahinang tanong ko sa kanya.

Pangalawang araw na namin to sa Seminar at palagi talaga siyang lumalabas at syempre sumasama ako sa kanya.

Kasi totoo ang sinasabi niya. Na nakakaboring ang seminar na to. Hahaha

Lagot ako neto kay tito kapag nalaman nkyang di ako umaattend sa seminar at hanggang attendance lang ako.

Tong anak niya ang sisihin niya. Bad influence saakin. Hahahaha

"Kunwari kapa e sasama kadin naman." Natatawang sabi niya saakin.

Tumayo nadin ako. Wala namang makakapansin saamin dahil nasa likod kami nakapwesto at isa pa ang daming tao. Yong iba mga dollar ang salita. Susko! Diko na maintindihan sa sobrang slang.

''Hoy babae, teka nga ang bilis mong maglakad."

"Lumilipad na naman kasi ang utak mo, wag mong isipin yun mahal ka nun."

Ngumisi ako sa kanya at inakbayan siya. "Paano ba yan ikaw ang nasa isip ko, ibig sabihin mahal mo ako?"

Tiningala niya ako. "Taas din ng pangarap mo e no."

"Sus, aminin mo na. Mahal mo ako. Yun ang sinasabi ng mata mo."

"Galing ah. Kelan pa nagsalita ang mata." Pilosopong sabi niya.

"Hehehe nakakatawa yan Ba. San ba tayo pupunta?"

"Malay ko sayo. Matutulog ako. Inaantok pa ako. Ang aga mong mangbulabog."

Napasimangot ako sa sinagot niya. Gusto ko pa siyang makasama. tapos tutulugan niya lang ako? Ang galing. "Movie marathon nalang tayo, napanuod mo na ba ang train to busan? Grabe ba ang ganda daw ng story."excited na sabi ko sa kanya.

"Daw? Hindi mo pa pala napapanuod pero kong maka-grabe ka parang ilang beses mo nang napanuod." Natatawang sabi niya.

Napakamot ako sa batok."hehe kinuwento na kasi saakin nina Marco at Patrick kaya feeling ko napanuod ko narin. Pero pinasa naman niya sa usb ko yong movie kaya pwede natin siyang mapanuod sa laptop ko."

"Okey."

"Anong okey? Okey na manunuod tayo?"

"Yeah. Narinig ko nadin kina Arisse yan, parang interesting siyang panuorin. Although may mga zombies daw, e takot ako sa mga ganun."

"Woah? Ikaw takot sa zombies?"

"hindi naman takot. Ayoko lang sa hitsura nila. Hindi ko kasi agad nakakalimutan hanggang sa pagtulog ko naaalala ko parin ang hitsura nila."

THE BAD AND THE BEAUTIFULTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon