She's different

4.1K 102 5
                                    






Pagkatapos kong sabihin ang mga katagang yun , nakita ko ang pag/iiba ng aura niya. Napailing pa siya bago siya umupo.

Hindi ko alam pero pakiramdam ko, kasalanan ko. Nabigla ako, anong magagawa ko e sadyang sinagad nila ang pasensya ko.

Pero bat ganun? Parang mali. Maling mali.



"Kung lalabas ka, tandaan mo tong sinabi ko. Kailanman hindi mo na ako makakausap pa! Hindi ko sinasabi to para maging maayos o maging maangas ako sa paningin nila! Dahil hindi, hindi ka nandito para diyan sa mga bagay na yan. Nandito ka para mag aral!" Pakiramdam ko napahiya ako sa mga sinabi niya.


Nakayuko akong bumalik sa upuan ko. Bakit ba lagi kong nakakalimutan na kakaiba nga siya sa lahat.

Sinabihan na ako ni ate, hindi siya yong tipo na clingy.

At marahil yan din ang dahilan kong bakit nagkahiwalay sila ni James. Dahil gusto ni James na makita niya ang halaga niya kay baba. Pero anong nangyari? Nauwi lang sa wala ang lahat.

Hindi nga naman niya pinapakita ang halaga mo sa kanya pero mararamdaman mo.

Siguro masyado lang akong naoverwhelmed sa salitang kami.


Malakas na buntong hininga ang binitawan ko bago ako sumandal sa may bintana at iwasan na makita siya.

Kahit anu talaga ang sabihin niya nasaktan parin ako sa sinabi niya.

Ayoko yong nararamdaman mo na nga, naririnig mo pa. Masyado nang torture sa akin yun.


Buong klase wala ako sa sarili ko.

Lumulutang ang isip ko.

Nag iisip ng kung anu ano.

Magulo.

Nakakalito.

Nakakahilo.




"Tama ka' itigil nalang natin to." Napatingala ako sa kanya. Tapos na pala ang klase at iilan nalang kaming natitira dito sa loob ng classroom. Kami kami nalang.


"Kung palagi kang ganyan tuwing nag aaway tayo, mas mabuti nalang walang tayo"No ayoko!



"Baba..." Naiyukom ko ang kamao ko ng pumiyok ako. Tsk ayan kana naman e! Kalalaki mong tao maiiyak kana naman.


"Yatot.." She sighed. "Kakasimula palang natin pero apektadong apektado kana." Napayuko ako. Ngunit itinaas niya ang mukha ko. "Sinabi ko na sayo, iba ako sa lahat. Iba ako sa mga babae na malambing, clingy, at vocal sa nararamdaman nila. Ako to yatot, yong babaeng hindi marunong magpakita ng emosyon, pero pinaparamdam, yong babaeng hindi malambing pero maalaga, yong babaeng hindi clingy, pero makita kalang na masaya sumasaya narin ako, kung palagi kang magiging ganito, wag nalang natin ituloy to."


Pinunasan niya ang luhang tumulo saakin. Peste! Napakaiyakin mo talaga kahit kailan. Tsk!


"P-Pero mahal kita..."



"Alam ko. Nararamdaman ko. At kaya ka nagkakaganito dahil sa nararamdaman mo. Pero kong hindi ako makakabuti para sayo, para anu pa to?"



"Sorry, naninibago lang ako. Ikaw ang una kong girlfriend. Nangangapa pa ako." Nahihiya kong sabi sa kanya.

Ngumiti siya saakin. "Itutuloy paba natin to? O lalayuan mo nalang ako?"


Hindi ko mapigilan ang matuwa sa tono ng boses niya. Kasi naririnig siya ng mga kaibigan namin pero yong pananalita niya malumanay, punong puno ng sincerity, at punong puno ng lambing.

THE BAD AND THE BEAUTIFULTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon