"Kakain ka din naman pala dami mo pang arte.""Sungit!"
"Tss. Bilisan mo. May laban ako ngayon. Tumakas pa ako kay hugo pakainin kalang. Tss para kang bata."
Isang malaking ngiti ang sinukli ko sa kanya. Napailing nalang siya.
"Sinabi ko na sayo layuan mo na ako, dika marunong makinig."
Napatitig ako sa kanya. Nakadekwatro siya sa harap ko habang naka cross ang arms.
"Lumalayo naman ako sayo ah." Depensa ko.
"Saakin lumalayo ka, pero hindi sa disgrasya."
"Hoy! Anong ibig mong sabihin? Lapitin ako sa disgrasya?! Aba hindi ko sinasadya na mabugbog ako! Tingnan mo nga tong mukha ko, nabawasan ng 1% kapogian ko."
^___^ me.
-___- babaeng tomboy.
"Payatot---"
"Hindi ako payat----"
"Patapusin mo ko." Iritang sabi niya. Ang sungit talag neto.
"Wag kana munang pupunta sa UG o kahit saan. Pagkatapos ng school umuwi ka agad. Mawawala akong ng 3 days, hindi kita mababantayan." Tumayo siya at mas lumapit pa saakin. "Sana ito na ang huli na masasaktan ka, dahil siguradong makakapatay na ako sa susunod na mangyari to."
My heartbeat stopped literally.
Tama ba ang narinig ko?!
Punong puno ng sincerity ang pagkakasabi niya.
Babaeng tomboy , anong ginagawa mo saakin.
Before i could speak naunahan na niya ako.
"Lumayo ka sa disgrasya Yatch, dahil baka hindi ko matapos ang mission ko at puntahan kita sa oras na kailanganin mo ako."
Kong kanina napahinto ang tibok ng puso ko.
Ngayon naman ay bumilis at lumakas ang tibok neto.
Yatch?! Endearment ba tawag dun?!
Wuahahaha
ANG DAMI KONG NAKIKITANG PUSONG ASUL 💙💙💙💙💙💙💙💙💙💙💙💙💙💙💙💙💙💙💙💙💙💙💙💙💙💙
💙__💙
Napapaligiran ako ng pusong asul ^__^
"Aalis na ako. May laban pa ako at mamaya na ang alis ko. Kumain kang mabuti. Lagot ka sakin kapag nagskip ka ng meals."
Napangiti ako. Kakaiba siya ngayon. Ang sweet niya ngayon. Sa mga naririnig ko palang nabubusog na ako.
Pero...
"Saan ka pupunta?"
Hindi niya ako sinagot at ginulo niya lang ang buhok ko.
Tinanguan niya ang dalawang mokong na naka upo sa couch at nanunuod lang saamin bago siya tuluyang lumabas. Peste! May tinatanong pa ako e!
"Anu masaya kana ngayon? Kumain ka ng marami para lumakas ka agad. Isusumbong ulit kita kay kath kapag dika kumain diyan."
BINABASA MO ANG
THE BAD AND THE BEAUTIFUL
FanfictionKathryn Bernardo Daniel Padilla James Reid Nadine Lutre