nasasaktan

3.4K 85 10
                                    

Daniel POV

"Pottie smile.." Nilingon ko si Kathryn na kanina pa ata ako pinagtitripan. Kanina pa niya ako kinukunan ng pictures.

"Ba naman, pinagti-tripan mo na ako e." Reklamo ko.

Tinawana niya ako."ofcourse not. I cant help it ang ganda mo kasing creature." Oo na kinikilig ako. Tsk!

"Binubola mo ba ako?"

"Hindi ah! Sige na, smile kana. Last na to promise." Makakatanggi ba ako sa malambing na tinig niya?!

"Last na Ba ha, wala pa akong nakukuhang kamoteng kahoy." I pouted. *flash*

Kinunan niya ako ng picture habang naka-pout ako. "Ahh, ang cute mo pottie." She said happily.

"Talaga? Patingin nga."lumapit ako sa kanya. Nilagay ko ang kamay ko sa waistline niya. Pinakita niya saakin yong picture, pwede na! Haha i kiss her cheek, before she could react lumayo na ako sa kanya, nang natatawa! Gulat na gulat siya sa ginawa ko.

"Abuso ka." Sabay irap niya. Naglakad na siya pabalik sa kubo at bumalik din agad. Nilapag niya lang pala yong camera niya.

"Tay, turuan niyo akong magpitas nang papaya." Tuwang tuwa sabi niya.

Honestly, hanggang ngayon hindi parin ako sanay na ganyan siya. Yong masiyahin, yong laging nakangiti, yong magaan ang aura.

Kasi kung iisipin mo parang nantitrip lang siya.

Paano mo maalis ang isang bagay na nakasanayan mo na?!

Yong pagyoyosi niya. Alam ko mahirap alisin yun, pero tingin ko nagtagumpay siyang mawala ang bisyo na yun.

Malaki ang pinagbago niya.

At gusto kung maniwala sa biro niyang "nagbago siya para maging better siya saakin."

Naiintindihan ko rin ang punto niya.

Nagpadalos dalos ako sa emosyon ko. Iniisip ko lang ang sarili ko. Hindi ko naisip ang mga taong masasaktan ko.

Si Sue, ngayon ko lang naisip na hindi ko pala kayang saktan siya. Sa dami ng ginawa niya para saakin, wala ako sa posisyon para saktan siya.

Nahihirapan ako. Ayokong masaktan ang taong nandiyan nong mga panahong lugmok na lugmok ako.

Pero alam kong magiging masaya lang ako sa piling ni Kathryn.

Ang hirap magdesisyon. Lalo na't yong taong mahal na mahal mo ay hindi ka pinaglalaban at isinuko ka nalang basta basta.

"Pottie Catch!" Kath shouted kaya napatingin ako sa kanya. Muntik ko ng hindi masalo ang papaya na hinagis niya,

I frowned. Tinawanan niya lang ako. "Kakasabi mo lang hinagis mo agad." Tumawa na naman siya. Ang sarap sarap sa tenga talaga ng mga tawa niya.

Alas tres ng hapon ng magpaalam kami ni Baba na mauuna nang umuwi. Mamaya padaw kasi sila Tay Douglas alas singko, e gusto ko sanang magswimming kaya nagpaalam na kami sa kanila.

Naka sampa sa likod ko si Kathryn. Napapagod na daw siyang maglakad. Parang di naman ako naniniwala. Baka tinatamad.

"Ba?"

"Hmm?"

"Nong nasa Barcelona kaba,naiisip mo ako? Kung anu nang nangyayari sakin. Kung kamusta ako. Kung okey lang ba ako?"

Nanahimik siya. Hindi siya nagsalita! Pero humigpit ang yakap niya saakin,naramdaman ko ang hininga niya sa leeg ko.

"Kasi ako Ba, walang oras na hindi kita naalala. Walang oras na hindi ako naghintay, dahil alam ko sa puso ko babalik k-----ARAAAAAY BA! MASAKIT!!!"

THE BAD AND THE BEAUTIFULTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon